"Lin, pakisabi kay Jomar na mag prepara, may pupuntahan tayo" ani niya saka agad na pinatay ang voicemail na iyon,

Sinara niya ang document saka muling tinago sa isa sa mga drawer na naroon. Tumayo naman siya saka kinuha ang coat na nakapatong sa sandalan ng swivel chair,

Nang makalabas siya sa opisina niya ay saka rin lumabas si Lin sa office nito saka tumango sa kaniya, tumango lang din siya saka nagpaumunang lumakad,

Habang naglalakad si Edgar ay pinapractice niya ang sarili niya sa isip niya. Ini-ensayo niya ang sarili para sa kung paanong haharapin si miss conyo na siyang kukumbinsihin niyang sumali sa race,

Panay ang buntong hininga niya at hindi siya makapag-isip ng tama, hanggang sa makasakay siya sa sasakyan niya ay nakay miss conyo pa din ang isip niya,

"saan po tayo sir?" tanong ni Jomar nang makasakay siya sa sasakyan, tiningnan naman niya ang driver saka tumingin sa labas,

"send me to our alma mater" utos niya dito, tumango naman si Jomar saka agad na pinaandar ang sasakyan,

Habang nasa byahe naman ay biglang nag-ring ang kaniyang cellphone. Bahagya naman siyang nagulat nang makita na si Erlane ang tumatawag,

Sinagot naman niya ang tawag na iyon at casual na nakipag-usap sa kapatid,

"yeah?" tanong niya nang sagutin niya ang tawag na iyon,

"ahm, Rebecca is inviting us for lunch" anito, natigilan naman siya dahil doon saka wala sa sariling napatingin kay Lin na tiningnan lang din siya mula sa rearview mirror,

Napalunok siya saka napahawak sa ulo, nag-iisip siya kung ano ang maaari niyang idahilan para hindi makasama sa lunch na iyon,

"ahm, I have an important appointment. Pasensya na, sa susunod nalang siguro" agad na sabi niya habang napakamot sa ilong,

Sobrang lakas ng tibok ng puso niya dahil sa pag-uusap nila ng kapatid niya. Gustohin man niyang sumama sa lunch na iyon ngunit mas minabuti niyang hindi nalang sapagkat ayaw niyang mahalungkat ang kanilang nakaraan,

"Oh, okay. I'll tell her that" sagot ni Erlane, tumango naman siya saka napapikit at napasandal sa sandalan ng back seat,

"Yes please, thank you and I'm sorry" agad na sabi niya, natahimik naman ng ilang segundo si Erlane kung kaya't mas lalong lumala ang kaniyang kaba, panay ang kamot niya sa ilong niya at pasekretong buntong hininga,

"you sure it's not because of me?" biglang tanong ni Erlane, nagulat naman siya at agad na umiling at tumugon,

"no, of course not. May appointment lang naman ako" agad na sagot niya, nang huminto ang sasakyan nila ay umayos siya ng upo at nagpaalam,

"We're here, I have to go. I'll see at the hacienda" ani niya kay Erlane,

"yes, take care" tugon nito, bahagya naman siyang napangiti saka agad na binaba ang tawag.

Napabuga naman siya ng marahas na hangin, saka lumupaypay ang kamay niya dahil sa panghihina,

It's not that he's scared to Erlane. He just don't want them to fight again, kagaya noon, ayaw niyang masira na naman ang pagiging magkapatid nila.

Lumabas agad siya ng sasakyan niya, hindi na siya nagtaka nang hindi sila harangin ng guard nung pumasok sila, bumibisita kasi sila lahat dito minsan lalo na kapag may event ang skwelahan,

Samantala ay nilingon naman niya sina Lin at Jomar.

"pwede na kayong bumalik, I'll call you kapag magpapasundo na ako." ani niya dito, tumingin naman siya agad kay Lin "and Lin, before you go, I want you to check on my scholars here. Report to me immediately" utos niya dito, tumango naman agad ito saka nagpaalam sa asawa at sa kaniya, siya naman ay humarap muli sa building,

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon