XV: The Left Ones

Magsimula sa umpisa
                                    


Iritado. Madalas. Lalo na kapag hindi nakaharap si Justine. Tanggap ko, dahil sabi ko nga, ang anak ko ang habol ko at hindi ang tatay niya. He can perfectly do whatever he wants. Gusto ko lang pagmamahal ng anak ko at kung pu-pwed e sana ay makilala na niya ang kanyang ina kung pahihintulutan lang si Ishmael. Narito lang naman ako dahil ayaw magpaalaga sa iba ni Justine. I'm grateful for that. 


Other than that, he does tries to be civil. I gotta give him that. Ngunit hindi na rin naman kailangan dahil aalis na din ako bukas na bukas.


"Bukas aalis na din naman ako. Magaling na si Justine. Iyon lang naman ang gusto ng daddy niya. Nagampanan ko na ang tungkulin ko." At masaya ako dahil kahit ilang araw lang ay parang naging nanay na rin ako ng anak ko. Sad truth. But I have no say but yes and accept.


"Kapag sinaktan ka ni Ishmael..."

"Hindi siya nananakit, Lace." putol ko kaagad.


Huminga si Lacey ng malalim. "Okay! Sige na. Matulog ka na at matutulog na din ako. May trabaho pa bukas. Saka may suitor! Oh my gosh! Pakilala ko sayo kapag dumating ka na dito!"


Napangiwi naman ako na natatawa. "Okay! I love you!" 


"I love you too, bff! Ingat and have great séx!" Namatay ang tawag na humahalakhak si Lacey. 

Napasimangot ako tapos ay napayapos ako sa aking braso dahil humangin ng malamig.


Mamaya na lang siguro ako matutulog, dahil gusto ko muna rito. Maaliwalas.Nakakapag-isip akong mabuti. Imagine that? I had a chance to be with my daughter? In the same roof as hers? Ang swerte ko. Pero ang lahat ng swerte, may katapusan. Ayoko namang hilingin na palagi na lang may sakit si Justine, para lang makita ko siya. Hindi. I like her at her best. Kahit na hindi ko na siya makita, maging maayos lang siya ay ayos na rin sa akin.


"Why are you still here?"


Napatalon ako sa malalim na boses na iyon. Napahawak ako sa didib. Punong-puno ng awtoridad ang boses at walang pagaalinlangan kung kanino iyon nagmamay-ari.

Nakita ko si Ishmael sa likod ko at nakahalukipkip. Sentro sa akin ang kanyang banyagang mga mata at wala akong nagawa kung hindi ang mapaso.

"K-Kanina ka pa diyan?" Nauutal kong sabi. His hair is unruly. Parang ilang pasada ang ginawa. Naiimagine ko siya sa kanyang swivel chair sa kapitolyo na bugnot sa nangyayari. Or maybe someone just...


Umirap siya sa akin at iritadong lumapit sa pwesto ko. Bawat hakbang ay umaapaw sa kakisigan at tindig. Hindi ko alam kung bakit nagsipagtalunan ang aking mga ugat.


"Why are you still here?" pagu-ulit niya. Nakatulala ito sa hardin at sa isang segundo ay bumaling sa akin ang nagaapoy na mga mata.


"You're sleeping inside my mansion, rooming around like you're a part of Justine's life." Napangiwi ito sa akin at saka humalakhak ng malakas na malakas. His laughter showered me my own disgrace.

I get it. Hindi dahil narito ako sa garden, kung bakit ako narito mismo sa kanyang mansion. Para 'kong nilalagari.


The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon