" Natakot ako grabe ! " natatawang sabi ko , nakakuha naman ako ng tumatagingting na irap sa kanya na muntikan ng ikinaalis ng eye ball niya haha . Napailing nalang ako . Grabe nga naman yung Bellisema hahahaXD

-

" Uy Xierra , saan ba tayo pupunta . Gabi na baka hanapin na ako ng Inay ko , lalo ka na baka hanapin ka na ni Braggy kapag hindi pa tayo umuwi "

" Naku hayaan mo yung si Bubu , at wag ka naring mag-alala sa Inay mo . Napagpaalam na kita kanina bago kita sinundo sa GU "

Nakahinga naman ako ng maluwag ng dahil doon . Nasa mall kasi kaming dalawa ngayon , paglabas na paglabas ko kanina ng huling subject ko ay bigla nalang akong hinila nito palabas ng GU at sinakay sa kotse niya .

Nakakloka lang , kung hindi ko lang ito kilala , baka napasigaw na ako ng kidnap kanina . Hoo !

" Ano ba kasing ginagawa naten sa mall Xie ? " pero imbis na sagutin ako nito ay mabilis siyang pumasok sa isang botique na puno ng mga ... pangpaputi , pangpaganda O__O what the ! " XIE ! " sigaw ko at hinabol siya sa loob .

" Wag kang maingay Coreen , ito ang napag-usapan namen ni Kate . Ang ibili ka ng pwede mong magamit sa katawan mo "

" Anong-- , hindi naman pangit ang katawan ko ah ? " huminto ito sa pagtitingin ng produkto at humarap ito saken . Napaatras ako ng bigla niya akong pasadahan ng tingin paibaba hanggang paitaas na animoy sinusuri ako . Nabigla pa ako ng bigla niyang kunin ang kamay ko .

" May kaitiman ka , pero sa nakikita ko sa singit ng mga daliri mo ay hindi ka naman ganyan kaitim " tsaka niya binitawan ang kamay ko

" Grabe ka naman Xie , hindi naman ako ganun kaitiman e . Slight lang naman "

" But , maitim ka parin " napanguso naman ako " Oh heto " inabutan niya ako ng isang sabon na kinuha ko naman sa kanya " Yan ang gamitin mo sa tuwing maliligo ka , pwede mo rin yang ipahid sa mukha mo , pero take note , gamitin mo lang iyan tuwing gabi kung ayaw mong maging negra " napangiwi naman ako doon . Tumango-tango nalang ako , may inabot siyang muli saken " Yang ding lotion , tuwing gabi mo lang gamitin " tumango ulit ako . Marami pa siyang ibinigay saken , nakalimutan ko na nga yung iba kung saan ko gagamitin e . Aish bahala na !

" Ano pa bang pinag-usapan niyo ni Kate , Xie ? . Bukod dito sa pagbibili niyo saken ng mga cosmetics " nangilabot naman ako ng bigla siyang ngumiti ng malapad saken .

" Secret , no clue " napanguso ako 

" Ang daya daya niyong dalawa "

" Haha , hindi naman sa ganun Coreen . Gusto lang namen maging successful ang gagawin namen "

" Eiii ... gusto niyong maging successful ang gagawin niyo , why don't you share to me ? ako naman makikinabang nito pagkatapos e "

" We know , but Kate also known you na baka sirain mo lang ang plano niya " napanguso ako doon , si Kate talaga , kilala na'ko " Just wait for the result Coreen " hindi nalang ako nagsalita pa .

Knowing Kate , hindi talaga iyon papahula kung ano ang gagawin nila . Aish ! Sana lang talaga maging success itong ginagawa nila , well ... hindi naman ako naga-assume , pero gusto ko talaga si Kent . I don't know , masyado yata akong desperada na maging boyfriend siya .

Sinunod naming pinuntahan ni Xierra ang salon na pinuntahan namen noon ni Kate bago siya umalis ng bansa .

" Bagsak na bagsak ba yang buhok mo Coreen ? " tumango naman ako sa sinabi niya " Gusto mo para maiba , ipa-wave naten siya ? " mabilis naman akong tumanggi sa sinabi niya .

" Ayoko Xie , ito na nga lang namana ko sa tatay ko e "

" Mahaba din buhok ng Tatay mo ? " naglaglag naman ang panga ko ng dahil doon . Mabilis na umiling ako .

Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )Where stories live. Discover now