ABatA5G#64

6.1K 163 8
                                    

ABatA5G#64

Coreen's POV

Maaga akong nagtungo kinabukasan ng Library dahil ngayong araw na gaganapin ang Exams na naudlot noong nakaraang lingo . Nag explain na saken yung 5 kung bakit nila pinapostpone . At dahil iyon kay Braggy , baka daw kasi hindi ito makapagexamp dahil iba ang ikinikilos nito simula nung sigawan niya si Jhona nung nasa shop kami . Naiintindihan ko naman sila , pero nakakuha parin sila ng sermon saken sa hindi pag sabi at hindi paginform na gagawin nila iyon .

" Frapuccino mocha ? o chocolate ? " napatigil ako sa pagbabasa ng libro ng may biglang nagharap saken ng dalawang frap.

Iniangatan ko ito ng tingin at nginitian tsaka ko kinuha ang mocha frapuccino .

" Salamat , ang aga mo ? " umupo naman ito sa harapan ko .

" Bakit ? ikaw lang ba may karapatang pumasok ng maaga ? " sinamaan ko naman ito ng tingin . Tsh ! Ke aga-aga nangbabara 'tong bakulaw na'to !

" Sabi ko nga " inirapan ko siya at ibinalik ko ang pansin ko sa pagbabasa " Excited na nga pala si Doreen sa darating na lingo , maraming salamat talaga Kent ha ? "

" Wala iyon noh ? , parang kapatid ko narin si Doreen , kaya wala lang iyon " itinaas ko ang hawak kong libro para matakpan ang mukha ko at ngumiti ng malapad .

Awtsuu , parang kapatid ? gusto mo maging tunay na Kento ? haha landiot mong bruhang isip ka ! Hihi

" Okay , review na tayo " sabay tingin ko sa kanya , nakangiti naman itong tumango saken at sabay naming hinarap ang mga librong hawak .

-

Madaling natapos ang exam ko , medyo may kadalian kasi , dahil narin siguro sa pagre-review ko kanina .

" Reen " napabusangot naman ako doon

" Kailangan mo Celestine ? "

" I hate you ! "

" How many times did I told you that , the feeling is mutual ? " pareho naman kaming natawa at napailing nalang . Sabay kaming pumunta ng cafeteria , konti palang ang mga tao doon , dahil siguro nagtetest parin ang karamihan sa kanila .

" Ang dali ng exam noh ? grabe , kung hindi lang sana pinapostpone nung mga kaibigan mo ang exam last week edi sana nasa bar ako ngayon at nag i-stripp tease ."  Malakas ko naman siyang binatukan " Aray ha ? kung gusto mong tanggalin yung ulo ko gamit kang kutsilyo para minsanan ang sakit , hindi yung uuntiin untiin mo ako dahil sa pagsapok mo " sinamaan ko naman siya ng tingin na ikinairap naman nito saken .

" Anong stripp tease ka diyan ? pokpok ka ba ? " sinamaan din niya ako ng tingin ng dahil doon " Ayaw mong natatawag na pokpok , pero kung makapagsabi kana stripp tease diyan wagas "

" E magkaiba naman po kasi ang stripp tease sa pokpok , correction lang "

" Para saken pareho lang iyon , pareho lang ginagamitan ng kalandian " napayuko naman ito sa sinabi ko , bumuntong hininga ako at nailing nalang " Tinigilan ka na ba nung nakasalamin na lalaking humahabol sa'yo ? " pag-iiba ko ng pinag-uusapan namen , masyado ng AWKWARD .

" Hindi pa nga e , araw-araw ba naman akong inaabangan sa tapat ng gate ? . Kung hindi lang iyon gwapo baka pinahuli ko na iyon sa mga pulis . Katakyuut kaya " I rolled my eyes .

" Herher , porke gwapo hindi mo na papahuli ? . E bakit ka nga pala niya sinusundan ? " nagkibit balikat siya

" Ewan , tinatawag pa nga niya ako sa pangalang Bellisema e . Pero , shutanginis lang . Masama na nga sa pandinig yung Celestine , lalo pang pinapasama nung sundanero na'yun " natawa naman ako ng bahagya ng dahil doon . Natigil lang iyon ng bigla niya akong samaan ng tingin " Wag mokong tawanan Reen , sasamaan ka saken "

Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )Where stories live. Discover now