SENSE 2

5 0 0
                                    


"Susi ng sasakyan mo bilis!" Sigaw ko dito, nagulat pa ito.

"H-Ha!?, Pinagsasabi mo? Di mo ba ak-"

Kinuha ko na yung susi niya na hawak lang naman niya, tagal ibigay eh.

"Saan naka park sasakyan mo?" Nagmamadali kung sabi.

"Excuse me?" Tinaasan na naman ako ng kilay nito. Tanga ba siya!?

~

"Tangina!, Bilisan mo!" Sigaw ko pa dito, bagal maka takbo eh kung ako nalang sana (ang yung minahal) ang nag drive edi sana maaabutan namin si manong!

"T-Teka lang!, Sino ba kasi hinahabol natin?" Inis naa tanong nito.

"Yun! Yung delivery guy, yung naka motor" sabi ko habang nakaturo sa naka motor, nakikita ko pa din ang shadow dito.

"At bakit mo siya hinahabol?, Ex mo?" Takang tanong nito. Sinamaan ko lang ito ng tingin dahil sa katangahan niyang tanong.

Biglang nag red yung stop sign kaya bigla kami nahinto sa pag hahabol, nakita kung nakatawid ito sa kabila kaya agad akong lumabas ng sasakyan at tumakbo para habulin ito.

"Hey! Aba, hahabulin mo talaga yun? Ngayon lang ba kayo nag break nun?" Rinig ko pang sigaw nang isang yun.

Tumakbo parin ako hanggang nakalayo na ako sa sinakyan ko kanina, dahan dahang nawala sa paningin ko si manong.

Huminto ako sa pagtakbo at napa-upo nalang, antanga ko tumakbo pa ako hanggang dito, ni hindi ko nga naabutan yun.

Mayamaya niyan ay napansin kung may huminto na sasakyan sa harap ko.

"Yung inorder mo -"lumabas siya at iaabot na sana ang inorder ko ng biglang may tumawag sakanya.

Naka-upo lang ako dito at nakatingin sa daan kung saan ko huling nakita si manong. Naiinis ako napaka bingi.

"What?, Why?" Sabi dito sa kausap kaya napatingin ako sakanya.

"I cancelled yung meeting?" Dagdag nito. Meeting? Saan? Ay chismosa na din ata ako.

Iniwasan ko ang tingin ko sakanya at tumingin sa kalsada, may dumadaan ding mga sasakyan madami dami pa, napatingin ako sa relo ko at 6pm na pala, kaya pala dumidilim na.

Napansin kung may kung ano sa daan kaya agad ko itong pinuntahan, medyo malayo layo sa kung nasan ako naka-upo nilakad ko ito at ng makita ko na ito ng klaro ay isa pala itong wallet.

Pinulot ko ito at tinignan, una kung nakita ang picture nito,tapos pangalan.

"Rowell Mallayong" bulong ko sa sarili ko, tinignan ko pa ito at may pera pa, nakita kung may contact number ito kaya agad kung kinapa yung cp ko, pero wla akong makapa, naalala kung hindi ko pala iyon nadala.

Agad akong lumapit sa lalaking may katawag kanina, pumasok ito bigla na parang nagmamadali kaya tumakbo ako ng mabilis at agad na pumasok sa sasakyan niya, nagulat pa ito at napatingin sakin.

"Miss, nag mamadali ako" sabi nito at agad na pinaandar ang sasakyan.

"Maki tawag lang ako" sabi ko dito, sinamaan lang ako nito ng tingin, mukhang bad mood.

Kailangan kung malaman kung kaninong wallet to.

"Nag mamadali nga ako!, Pwede ba? Lumabas kana!" Sigaw nito sakin.

Sinampal ko bibig niya kaya agad siyang natahimik at napa 'Aww' pa siya.

"A-Ano bang ginagawa mo!" Inis nitong sabi.

"Sabi ko may tatawagan ako!, May nakita akong wallet s-"

"Wla na akong pake jan, problema mo na yan" sabi niya habang hinihimas ang bibig niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Sense Of QwaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon