SENSE 1

6 1 0
                                    


~ Ring ring ring ~

Nabalik ako sa sarili ko ng tumunog ang Telephone ko. Baka si Sanya na naman to.

Tumayo ako para sasagutin yung tawag.

/*Uy*

Si Sanya nga, anong kailangan niya at tumawag na naman siya? Sa tanang buhay ko si Sanya lang ang tumatawag sa teleponong ito.

"Oh? Ano na naman" wlang gana kung sabi.

Tumatawag lang to pag may kailangan eh.

/*May nahanap na akong trabaho para sayo!* Masiglang sabi nito.

Trabaho? Para sakin?, Haays yan na naman siya.

"Sanya, alam mo namang hindi ko kayang mag trabaho sa ganitong sitwasiyon diba?" Malumanay ko sabi.

Ilang beses na ako pumasok sa iba't ibang trabaho pero lagi nalang napapa-alis oh di kaya nag baback out ako.

/*Pero kailangan mo, kailangan mong magtrabaho*

Yeah, alam ko pero diko kaya. Mas lalong ayaw kung lumabas.

/*Hindi sa lahat ng bagay ay nasa tabi moko, kailangan mong maging matatag*

/*Isa pa may binubuhay akong pamilya Qwara, si inay kailangan niya din ako*

/*Qwara, kailangan mong magsikap din, hindi yung binabasi mo nalang ang buhay mo sakin, hindi moko magulang*

/*Kaya nga pinapahanap kita ng mabuting trabaho, you need to saved money to yourself Qwara*

/*May mga paa ka, bumangon ka sa sarili mong pa-*

"Yeah, nakatayo ako ngayon" sabat ko dito, lagi nalang siyang ganyan halos ma memories ko na lahat.

Pag may nahanap siyang trabaho sakin tas tatanggi ako ay yan lagi niyang sinasabi, laging nanenermon.

/*Maygoshh Qwara, pag ako nasawa sa pag tulong sayo nako!*

Mahirap din kasi sitwasiyon ko Sanya, sana maintindihan mo rin ako.

/*Lagi nalang ako ang umitindi sayo, intindihin mo din naman ako, pinapakain pa kita inaalagaan ko pa si inay, 23 kana Qwara, 23* dagdag nito.

"Kung puro ka reklamo sakin, di mo na sana ako pinapakain" inis kung sabi dito.

/*Hindi naman sa ganun!, Ang ibig kung sabihin mag sikap ka*

Di niya ba ako naintindihan? Kahit anong sikap pa gawin ko hindi ko pa rin kaya!

"Akala ko ba naintindihan moko?"cold kung sabi dito.

/*Omygad qwara, basta sesend ko sayo yung aaplayan mong trabaho, bye*

Agad niya itong binaba, alam na niya atang debate labas nito samin.

May pera pa naman akong natira, sweldo to nung trabaho last week.

Mayaman naman kami, pero ng dahil din sa isang aksidenteng iyon, pinalayas ako at binigyan lang ng pera, pero nauubos lang ang pera kaya ayun kailangan ko pang mag trabaho, si Sanya pa laging kasama ko nun. Binibigyan pa din namn nila ako ng pera hanggang ngayon pero hindi na gaano ka laki, dapat daw mag sikap ako, ayaw ko naman sanang tumanggap pero no choice ako eh, wla akong pera, wla din akong trabaho sa mga oras nayun.

Umupo ako sa couch at napabuntong hininga nalang.

Sana maibalik nalang sa nakaraan ang mga nangyare para mapigilan ko ang aksidente na iyon, kung alam kung ito ang kinalalabasan.

~

"Kyaaaaahhh, omg! Ang gwapo mo talagaaaaa"

"Wait si kelton yan diba?"

The Sense Of QwaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon