Malamig na simoy ng hangin at mga huni ng ibon ang bumungad pagkagising ko sa umaga. Bumangon ako sa aking munting papag na higaan at dumungaw sa bintana. Nakakalungkot lang na pagmasdan ang mga bukirin dahil ito na pala ang araw na lilisanin ko ang aking probinsiya. Kailan kaya ulit ako makakabalik dito? Yan ang tanong ko sa aking sarili habang tinatanaw ang mga nakakamanghang kabundukan at palayan na nakakawiling pagmasdan. Naputol ang aking pagmuni-muni nang biglang kumatok si nanay sa pintuan.
"Zyra, anak ko. Mag-ayos kana at maya-maya lng ay darating ang bus ni Mang Kanor na iyong sasakyan patungong maynila"
"Opo nay, lalabas din ako mamaya"
Naligo na ako at pagkatapos ay nagbihis. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Suot ko ang bulaklaking bestida na bigay ni ina. Hindi kona itinali ang aking maitim at mahabang buhok. Sinuot kona ang aking sandalyas at kinuha ang aking mga bagahe at lumabas ng pinto.
Bumungad sa akin sina nanay at tatay na abala sa pagiimpake ng mga pasalubong na bibigay ko sa aking mga tiya na nasa maynila. Ipinatong ko sa kawayang upuan ang aking mga dala at napansin ako ni tatay.
"Zyra anak, ito ang mga dadalhin mong pasalubong sayong mga tiya. Mag-aral ka ng mabuti hah!" sabi ni tatay at ako'y niyakap
"Opo tay! Mag-aaral ako dun ng mabuti"
"Tsaka anak, mag-iingat ka dun sa maynila ha!" dugtong pa ni nanay at inabot sa akin ang aking baon na kakainin sa biyahe
"Salamat po dito nay sa baon. Mag-ingat din kayo dito hah" sabay yakap ko sa kanila ni tatay.
Dumating na ang bus ni Mang Kanor at inilagay na nila tatay ang lahat ng aking bagahe sa compartment ng bus. Bago ako umalis ay isang mahigpit na yakap kila tatay at nanay ang aking binigay at pumasok na sa bus.
Sa bandang bintana ako naupo at habang bumibiyahe ang bus palayo sa probinsiyang aking kinagisnan ay siya ring lungkot ang aking nararamdaman. Sa bawat tingin ko sa mga tanawing aming nadadaanan ay siya ring pagbigat ng talukap ng aking mga mata.
Ingay ng mga nagbubusinahang mga sasakyan ang siyang nagpagising sa akin. Ito na ba ang maynila? Tiningnan ko ang paligid at kapansin-pansin ang mga matatayog na mga building. Hindi na puno at mga hayop ang aking nakikita bagkus ay mga nagkakabuhol-buhol na mga sasakyan at mga nagtataasang building ang nakikita ng aking mga mata.
"Ineng, mukhang matatraffic tayo ngayon. Alam mo ba kung sino ang susundo sayo pagdating mo sa parkingan ng bus?" tanong ni Mang Kanor
"Ang alam ko po ay ang aking tiyo ang siyang susundo sa akin pagdating doon" sagot ko naman
Sa wakas ay nakausad narin ang aking sinasakyang bus at nakarating narin ako sa aking paroroonan. Pagbaba ng bus ay hindi ko inaasahan ang aking nakita. Mayroong mga batang namamalimos at may mga taong natutulog sa gilid ng iba pang bus. Naputol lamang ang aking pagmamasid ng may biglang nagsalita sa aking gilid.
"Ikaw naba yan Zyra? Ang laki at ganda mo na ahh" sabi ni tito at kinuha ang iba ko pang dala
"Hello po tito! Ako na po ito, kamusta po?"
"Okay naman ako. Halika doon na tayo mag-usap sa bahay pagdating" sabi ni tito at sinundan ko lng siya kung saan siya pupunta
Bumungad sa akin ang itim na kotse. Asensado na talaga sila tito at tita. Nanibago ako sa pagsakay sa kotseng ito dahil wala namang masasakyan na ganito sa probinsiya.
Habang nasa biyahe ay iniisip ko na ang dahilan kung bakit ako dito ay para mag-aral at wala ng iba pa. Buti nalang at mababait ang aking mga tiya at sila na raw ang bahala sa akin dito sa maynila.
Sana naman maging maganda ang aking magiging buhay dito sa maynila. Sana makapag-adjust ako sa pamumuhay nila dito. Alam kong ibang iba ito sa kinagisnan ko kaya marapat lamang na sanayin ko ang aking sarili.
KAMU SEDANG MEMBACA
Unwithered Love
Fiksi RemajaLove is a magical one. If two person truly love each other then, love will find it's way to be together.
