I'm not saying that I am his girlfriend but... he won't allow me to be with him if he has a girlfriend! Diba? So that means... he doesn't have a girlfriend! Janelle is not his girlfriend! Tsaka tinanong niya rin ako kanina kung hindi daw ba ako mananatili sa school nila. Ibig sabihin ba noon... gusto niya akong magstay muna sa school gaya ng dati naming ginagawa?

Hindi ko alam! Ayoko nang mag isip.

Nakahiga na ako sa kama nang naisip na wala naman akong ginagawa, ah? Hindi niya girlfriend si Janelle kaya bakit hindi ako pupunta? Pupunta pa rin ako! Wala naman siyang sinabi na may girlfriend siya kaya hindi dapat ako umiwas.

O baka ngayon lang naging sila ni Janelle?

Edi magtatanong ako! Tatanungin ko siya kung girlfriend niya na ba si Janelle para naman malaman ko ang gagawin, kung iiwas ba ako o hindi. Ayoko namang makasira ng isang relasyon. Kahit gustong gusto kong nakikita ang mukha ni Lee.

Tama. Kailangan ko munang magtanong. Baka mamaya hindi naman sila tapos umiwas ako.

Kahit gabi na, tumayo pa rin ako at nagtungong kusina. Naisipan kong magbake para kay Lee. Donut ngayon ang iba-bake ko para sa kanya. Iba't ibang flavor para naman hindi nakakasawa.

Nagtagal ako roon dahil sa pagba-bake. Twelve na ng madaling araw nang natapos ako at humiga ulit sa kama ko. Sa pagod ay agad rin naman akong nakatulog.

Dala ang isang box na donut na binake ko kagabi, nagtungo ako sa school nila Lee. Nothing happened in my day today. Still the same. Aral, tapos sa lunch kwentuhan kasama ang mga pinsan ko at nagpapasalamat ako na walang nag away sa amin ngayon. Elizabeth is not annoying today.

I mean... she's not that annoying... for me. But she's very annoying for Issa and Lorie.

May lakad na naman sina Luna at ang iba pa niyang kaibigan kaya pinaalalahanan niya nalang ako na gawin ko ito ng maayos. Kabado ako pero magtatanong lang naman ako. Hindi naman siguro masama iyon, diba?

Kanina pa ako sa labas ng school nila Lee pero hindi pa rin siya lumalabas. Marami nang lumabas na students pero wala pa rin siya. Naiinip na ako at palakad lakad na kaya naman nagdesisyon nalang akong pumasok para doon na maghintay. Baka makita ko siyang nagdadaan dahil baka marami siyang ginagawa o baka nautusan ng teacher. Ibibigay ko lang naman ito sa kanya at magtatanong tungkol kay Janelle tapos tapos na!

Kaya lang natigilan ako sa paglalakad papunta sa bench na palagi kong pinaghihintayan sa kanya. Lee is there, sitting and as if waiting for someone. My heart pounded. He was already carrying his bag and he was alone. Janelle wasn't there.

Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Bakit siya nandyan? Kanina pa ba siya dyan? Sino ang hinihintay niya? Si Janelle ba?

Our eyes met. Mas lalo akong hindi nakagalaw. He immediately stood up and approached me, his eyes are serious and as if looking for something in my eyes. My heart pounded even more. Agad kong naamoy ang kanyang bango nang nakalapit siya sa akin. Lumunok ako.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong niya.

Nagulat ako. Bakit ngayon lang ako? Ako ba ang hinihintay niya?

"Kanina pa kita hinihintay..." he said seriously.

What? Ako ang hinihintay niya?

"Uh... nasa labas ako at..." kumunot ang noo ko nang may mapagtanto.

Kanina pa rin ako naghihintay sa kanya sa labas. Kung ganon kanina pa pala kami naghihintayang dalawa?

"Nasa labas ka?" kunot noo niyang tanong.

"Oo... Kanina pa ako roon... Hinihintay kita..."

He closed his eyes and sighed, as if he also realized na kanina pa kami naghihintayang dalawa.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Where stories live. Discover now