EPILOGUE

286 15 1
                                    

#FYFEpilogue

“How are you now?” medyo nag-aalangan niyang tanong.

“As you can see, I'm completely fine,” sagot ko.

“Yeah, I see. So how was your day?” ramdam kong hindi siya komportable dahil alam kong alam niya na madami nang nagbago.

“Fine. How about you?” napabaling  ako sa kanya upang makita ang kanyang reaksyon.

Ngumiti siya ngunit may bahid ng lungkot ang  kanyang mga mata.

“I'm not okay, Avi. All these years, alam kong malaki ang kasalanan ko sa’yo, alam kong hindi mo ako mapapatawad…. Alam ko naman na mali ako, pero bakit ang sakit? Ang sakit na makita kang masaya na hindi ako kasama… Ang sakit lang kasi ako yung nangako na sasamahan ka sa kahit anong mangyari–”

“Pero iniwan mo ako na hindi man lang sinasabi ang rason kung bakit ka umalis? Bakit nga ba, Arvi, huh? Bakit ka pa nagpakita? All these years, pinili mo na lumayo, sana nagsabi ka man lang, hindi ba?” putol ko sa mga sinasabi niya. “Pero hindi, pinili mong pagmukhain akong tanga! Pinili mong iwanan ako sa ere, noong mga panahong kailangang-kailangang kita!
Nasaan ka? Huh? Nasaan? Yung taong nangako sa akin, iniwan akong pinapahiya sa lahat ng nasa  harapan ng entablado!” umaagos ang mga luha sa aking mata habang sinasabi ang bawat salitang sinasabi.

Gumuhit ang sakit sa kanyang mga mata at nagsi-unahan ang mga luha na umagos sa kanyang pisngi habang nakatingin ng diretso sa akin, umiwas naman ako ng tingin dahil sa hindi ko siya kayang makita na ganito.

“Kahit sabihin ko naman ay magmumukha lang akong selfish, Avi. Hindi ko naman natupad ang mga bagay na dapat kong ginawa para sa atin, narealize ko na para sa akin lang pala iyon lahat. Kaya huwag mo ng isipin pa ’yong mga rason ko, ang mahalaga ay nakamit mo na yung bagay na gusto mo, hindi mo na ako kailangan, hindi mo naman talaga ako kinailangan kasi una sa lahat ako naman ang nagpumilit na makipagkaibigan sa iyo, ako ang sumulpot na lang bigla tapos iniwan ka din ng wala man lang pasabi… Actually, I'm here to say sorry, gusto kong palayain ka na sa mga bagay na gumugulo sa isipan mo,” litanya  niya at nginitian ako. “Tanungin mo ako ng kahit ano, sasagutin ko ng walang halong kasinungalingan,” at napaawang ang labi ko ng sabihin niya iyon.

Nang makabawi ako sa pagkakagulat ay agad naman akong nag-isip ng itatanong sa kanya.

“Bakit ka umalis ng walang pasabi?” pormal na tanong ko.
Nahagip ng tingin ko ang paglunok niya.

“Para sa iyo ’yon, Avi, kaso hindi umayon ang plano ko, kaya parang ang nangyari is para sa akin lang iyon. Kasi ikaw masaya ka–masaya ka na kahit hindi mo ako kasama, e, ako? Nasasaktan ako, Avi, nasasaktan ako dahil para sa’yo lahat ng ginawa ko, pero wala man lang akong magawa ngayon dahil alam kong masaya ka na kasama mo siya, kasalanan ko naman, e. Hindi ko na nasunod kung ano ang dapat, pasensya ka na, kamuhian mo ako hangga’t gusto mo, hindi kita pipigilan, kahit sapakin mo ako, o kahit anong gawin mo, okay lang... atleast kahit papaano mabawasan man lang ang guilt na nararamdaman ko,” paliwanag niya na lalong nagpaluha sa akin.

Hindi ko maintindihan kung saan banda na para sa amin iyon, wala namang nangyari sa buhay ko, e.

“Kung naguguluhan ka kung bakit para sa ating dalawa iyon, huwag mo nalang isipin, Avi. Dahil wala akong natupad kahit isa sa plano ko, nawala ka na sa akin dahil sa katangahan ko… okay lang, kung saan ka masaya, mas masaya ako para sayo, pero sana kahit yakap nalang, Avi. Ito na yung last, promise,” dagdag niya pa niya.

Misfits Series#6: FACE YOUR FEARS  (SOON TO PUBLISHED)Where stories live. Discover now