Prologue

2 0 0
                                    


Prologue





“You need to carry out this Mission. “
“It’s an order from above.” Rinig kong sabi ng matandang babaeng nangunguna sakin.



Yumuko akong bahagya bilang pag sang ayon at sinuot ang maskarang kulay pula saka tumalikod upang umalis na.




Nakita ko ang mga kabataang nakalinya sa gymnasium at tahimik. Halatang nakikinig sa sinasabi ng nagsasalita. Dumaan ako sa gilid, sa hindi gaanong mapapansin ngunit pagtapak ko palang ay napatingin na sila sa akin. Ang iba’y bumalik agad ang tingin sa harap ang iba nama’y nagbulungan pa. Binilisan ko ang paglakad ko para hndi na makagambala pang tuluyan.





May mga nakasalubong akong ilan na pamilyar ang mukha at kilala ako kaya yumuyuko sakin habang ako naman ay diretsong naglalakad lamang patungo sa aking silid.






Pagkadating ko’y agad akong nagtungo sa bathroom upang maligo. Tatlumpong minuto ang itinagal ko sa pagligo.






Pumunta ako sa basement ng silid na ito at nakita ang damit na bigay nila para gamitin mamaya. Naroon din ang ibang mga kagamitang kakailanganin ko para sa gagawing ball.






Nagsimula na akong mag ayos at sinuot ang gown. Kulay pula ito at may kaunting glitters sa gitnang bahagi ng gown. Hanggang sahig ang haba nito. Damn! Paano ako makakagalaw neto kung masyadong mahaba!. Idagdag pa ang mataas na heels.





Tinignan ko ang oras at nakitang dumating na ang oras.





Sumakay na ako sa elevator at pinindot ang Up button. Pagkabukas ay kinuha ko na ang susi at maskarang kulay pula ngunit hndi matatakpan ang buo kong mukha at tumungo sa parking lot.








Dumaan ako sa Hidden Road. Tago itong daanan at tanging mga nasa elite hanggang ER A lang ang tanging nakakaalam nito.



Lumabas ako sa isang kantong dating pinagtitirhan ng mga tao pero ngayon ay inabanduna na.






Tiningnan ko ang oras at nakitang sampong minuto nalang bago mag umpisa ang event. Pinaharurot ko na ang sasakyan kaya nakarating agad. Pinark ko ang sasakyan at kinuha ang pulang pouch saka dumiretso sa entrance ng event.








Kinapkapan ako ng mga nagbabantay ngunit pinapasok din agad nang malamang safe ako.







Ryza!” rinig kong tawag ng isang babaeng kulay asul ang maskara. May mahabang gown na kulay asul sa taas at nagbeberde sa ilalim.







Lumapit at nakipagbeso ito kaya ginaya ko din. “Mrs. Thomas, it’s been a while huh?” ngumiti ito at tumango.






Come here darlin’ I reserve a special seat for you.” Kumindat pa ito sakin bago ako iginaya sa pwestong tinutukoy niya.








Habang naglalakad ay pinagmasdan ko ang kabuuan ng venue. Masyadong malaki, madilim ang mga ilaw. Hndi gaanong makita ang mga tao rito. Mamahalin ang mga disensyo. Tsk!







Lumingon din ako sa gilid gilid at nakita ang pamilyar na mukha. Sya ang pasya ko rito. Hmm. TARGET LOCKED!





Nakarating kami sa sulok na parte ng venue. Kaunti lamang ang nandoon. Pumwesto ako sa pinakalikod na bahagi nito.






Dito ka muna ha. Enjoy!” nakangiting paalam nya. Yeah, mag eenjoy talaga ako.






Hinanap ko sya at nakitang naglalakad ito patungong stage.





“Good evening everyone! This auction will start in 15 minutes. Kindly wait for the exact time. Thank you. “ nakangiti itong bumaba at pumunta sa back stage.





Inilabas na ang unang item na kasali sa auction ngunit nakatakip parin ito.




Pagkaraan ng labinlimang minuto ay nagsimula na nga.





Thank you for the patience everyone. Let’s start the program!” masayang sabi nya.






Inalis ang nakatakip sa item at agad na nag init ang ulo ko kaya tumayo na ako at hinanap ang hagdan. Pag akyat ko ay agad kong nilibot ang paningin. Walang tao kaya agad kong nilabas ang kagamitang kanina pa nakatago sa invisible bag na inimbento ng organisasyon.




Nilabas ko ang JTF-2 SNIPER na galing pa sa ibang bansa. Tinutok sa target.




Ang lawak ng ngiti, wag kang mag alala madadala mo yan sa impyerno. Sa tahanan mong hayop ka.




Handang handa na. Bandang puso mas sigurado. Pagkalabit nalang ang kulang ay makukumpleto na ang misyon.




Nang makita kong naging pula na ang relong galing din sa organisasyon ay kinalabit ko na ang baril. BOOM! PATAY.




Bumagsak ito at madaming dugo ang lumabas kaya agad na nataranta ang mga tao. Nagsilabasan ang iba at ang iba’y pumunta sa bangkay.





Inayos ko agad ang ginamit at agad nagtungo sa baba. Nakita ko si Mrs. Thomas na halatang takot. Maski ang maskara ay inalis. Lumapit ako sakanya at inalo.





Sinulyapan ko ang bangkay at nagkunwaring nagulat. Tinakpan ko pa ang aking bibig para mas kapani paniwala.





Omayghad! What happened!?” gulat kong tanong. Umiyak lamang sya ng umiyak.





Nakita kong may mga pulis na dumating upang imbestigahan ang nangyari.



Pasensya na pulisya pero wala kayong mahahanap na ebidensya. Masyadong perpekto ang pagkaplano masyadong maganda ang paraan ng pagkamatay nya.



Umalis na ako at nagtungo sa parking lot. Bago pako tuluyang makasakay ay malakas na pagsabog ang naganap. Nanggaling ito kung saan ako galing.




Hindi pwedeng hindi kayo madamay. Mga tanga lamang ang hahayaang mabuhay pa kayo. Sama sama kayong magpakasasa sa impyerno.





Nagbeep ang relong galing sa organisasyon. Kulay berde naman ito sa pagkakataong ito. Nangangahulugan itong





Captain A from Unit lll. Mission Accomplished.’ Ngumiti ako at pinaharurot na ang sasakyan.

















Disclaimer: Any names, places, events that are given in the story are purely coincidental and products of the Author’s imagination.

Date started: JUNE 16, 2021
🌹cha🌷

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

City of DreamsWhere stories live. Discover now