Naramdaman ko ang yabag ng paa ni mommy at pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Sumasakit na naman ang dibdib ko, alam kong hindi madali kay mommy ang ganitong pagtrato ko sa kaniya. Kaming dalawa lang naman ang magkakampi dito at hindi din ako sanay na ganito kami ni mommy.

Pinunasan ko ang luhang tuloy-tuloy na tumulo mula sa mata ko. Tiningnan ko ang cellphone ko at nagbabakasakaling nag-text o nag-missed call na si Zymon pero wala pa din.

“Samahan ka na lang namin,” ani Jaica. Friday at kakatapos lang ng klase namin. Hindi kami nagkikita ni Zymon sa personal kaya sa tawag at text lang kami nag-uusap. Hindi ko alam kung bakit hindi nagtatagpo ang landas namin dito sa UOC. Hindi ko masabi sa kaniya ang problemang meron ako ngayon, mas gusto kong sa personal iyon sabihin kaya pupunta ako ngayon sa kanila.

Hindi pa din kami maayos ni mommy pero alam kong sinusubukan niya ang lahat ng makakaya niya para magkaayos kaming dalawa. Hindi ko na din nakita si dad, hindi na siya umuwi sa bahay. Narinig ko pa nga ang pag-iyak ni mom kagabi, kahit itago niya sa akin alam ko naman na umiyak siya.

“Wag na,” matamlay akong ngumiti sa kanila. Masakit pa din sa akin lahat ng nalaman ko, hindi ko nga alam kung magiging okay pa ba ako. Siguro kapag nailabas ko na lahat at kapag nasabi ko kay Zymon ‘to mababawasan ang sakit na nararamdaman ko. Mas kailangan ko siya ngayon.

“Sigurado ka?” Nag-aalalang tanong ni Sandra. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagka-guilty. Dahil sa akin, mamomroblema din ang mga kaibigan ko.

“Gaga, bakit ka umiiyak?” Tarantang tanong no Jaica na agad namang lumapit sa akin. Tingnan mo nga at umiiyak na naman ako.

“S-Sorry ha, n-nadadamay pa kayo sa p-pproblema ko,” sambit ko.

“Ano ka ba, parang tanga naman eh. Magkaibigan tayo at nagtutulongan ang magkakaibigan,” ani Sandra at yumakap sa akin, gano’n din ang ginawa ni Jaica.

“Ang drama-drama naman eh,” sabi ni Jaica at pinunasan ang luha sa kaniyang mata. Ngumiti ako sa kanila. Thankful talaga ako na sila ang naging mga kaibigan ko.

“Sigurado kang hindi ka na magpapasama?” Tanong ni Sandra. Kumalas na kami sa yakap at tiningnan ko ang wrist watch ko. Alas sais na at madilim na din, kailangan ko ng pumunta kila Zymon.

“Oo, ite-text ko na lang kayo,” sabi ko at ngumiti sa kanila.

“Sige, mag-iingat ka.” Kumaway na sa akin si Jaica at Sandra. Naglakad na sila papunta sa kani-kanilang mga sasakyan. Naglakad na din ako papunta sa sasakyan namin. Sinabi ko kila kuya Roger na gagabihin ako sa pag-uwi kaya dinala ko din ang sasakyan namin para ako na lang ang pumunta sa bahay nila Zymon.

Mabilis kong pina-andar ang sasakyan at bumosina kila Sandra para malaman nilang mauuna na ako. Hindi naman traffic kaya madali lang akong makakarating kila Zymon.

Sana lang ay wala sila tita Itzel doon, ayoko kasing malaman pa nila ang problema ko. Baka  mamroblema din sila sa akin, ayokong mangyari ‘yon. Mabilis nga akong nakarating sa bahay nila Zymon dahil hindi naman traffic. Pagbaba ko ng sasakyan ay may nakita akong pamilyar na sasakyan. Inisip ko kung saan ko iyon nakita at nanlaki ang mata ko nang maalalang kay dad iyon.

Nandito siya? Bakit? Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko malaman kung anong gagawin ko. Napatingin ako sa malaking gate ng bumukas ito, bumungad sa akin ang isa sa mga maid nila Zymon. Nagtaka ito nang makita ako pero agad ding ngumiti nang maalala kung sino ako.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon