Nakakapaso, ito ang una kong naramdaman. Apoy ang bumungad sa mata ko, mga nag lalakihang apoy na tumutupok sa mga kahoy sa paligid ko.
Takot ang kasunod kong naramdaman dahil sa pagkabigla sa nangyayari sa aking paligid. Ayaw kong masunog ng buhay, ayaw ko pang mamatay! Anong nangyayari? Bakit ako narito?
Napalinga-linga ako sa paligid, walang ibang taong naroroon ngunit may naririnig akong sigawan ng mga tao mula sa hindi kalayuan.
Hindi malinaw sa'kin kung bakit ako naririto, kung bakit nasusunog ang paligid ko, at kung bakit sobrang bigat ng dibdib ko na parang binagsakan ako ng langit at lupa.
Mas lalo kong ikinagulat nang bigla na lamang magliyab ang pareho kong kamay. Biglang tumibok ng malakas ang puso ko at unti unting dumaloy sa buong katawan ko ang sakit na nararanasan ko.
Pilit ko itong inaapula, ngunit tila ay di ito mawala-wala. Higit akong nataranta nang parang isang libong karayom ang sunod-sunod na tumutusok sa balat ko, napapikit na lamang ako sa sakit.
Sa sandaling pagpikit ng aking mga mata ay nakarinig ako ng boses ng isang babae na tumatawag sa akin. "Hugo! Hugo!"
Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko ang isang babae na kumakaway sa akin.
Laking gulat ko nang biglang nagbago ang kapaligiran ko, wala na ang mga apoy. Hinahabol ko padin ang hininga ko, ramdam ko din ang pawis na namumuo sa buong katawan ko.
Nananagip pala ako.
Ang babaeng kumakaway sa akin ay si Clara, isa sa aking kaibigan mula pagkabata, ayaw ko mang aminin, ngunit may kagandahan ang kanyang muka, sa itim nyang mga mata ay aakalaing patay ang kulay nito, ngunit kabaligtaran ang makikita sa tuwing titingin sa kanya. Isang maligayang mga mata. Kagaya ko din s'yang 17 anyos pa lamang.
Muli akong napatingin sa kamay ko, hindi na ito nag liliyab at wala nadin ang sakit na dulot nito. Huminga nalang ako ng malalim para palabasin ang tensyon sa isip ko, mabuti na lamang at panaginip lamang ito.
"Nagdala akong kakanin!" saad ni Clara ng makarating dito sa bundok sabay ngiti saakin, kasabay nito ang pag ngiti din ng kan'yang mga mata. "Napasobra ang gawa ng nanay, kaya naisipan ko dalhan ka nito. Sandali nga, maghapon mo bang planong matulog dito?" tanong n'ya habang ibinababa ang daladala n'yang bayong na naglalaman ng mga kakanin, tumabi na din s'ya sa akin.
"Tapos na ako sa mga gawain ko sa palayan, kaya wala na akong ibang gagawin bukod sa matulog." sagot ko saka umupo at kumuha sa mga dala n'yang mga kakanin, napatigil ako bigla nang makita ko ang kamay ko. Sa isang sandali ay nakaramdam nanaman ako ng takot, turok ng karayom, at pumasok sa aking isipan ang pagkasunog nito.
"Ayos ka lang ba Hugo?" Tanong ni Clara nang mapansin nya na napatigil ako, dahilan upang mawala ito sa isip ko, "may dumi ba ang pagkain?"
Umiling ako, "wala, ayos lang ako, may na alala lamang."
Nag-aalala s'yang tumingin sa akin, "Sigurado ka ba? Namumuo ang pawis sa iyong noo." Tumingin ako sa kanya at ngumiti dito.
"Wala ito, gawa lang siguro ng init."
Tahimik kaming kumain habang tinatanaw ang dagat, palayan at kabahayan na matatanaw mula rito.
Sa ilang saglit ay wala akong narinig kundi ang hangin na tumatama sa mga dahon at sanga ng puno, at ang kaunting ingay sa kabahayan.
"Pupunta ka ba mamaya?" mahinahon na tanong ni Clara, na muntikan ko pang di marinig dahil sa lakas hangin.
Napatingin ako sa kanya, pero wala sa akin ang kanyang tingin, nakatuon ito sa dagat.
DU LIEST GERADE
Marahuyo
Historische Romane(Long chapters ahead) Fall in love and Seek Revenge during the Spanish Colonial Period in the Philippines. Witness every single event as Hugo Calibara tells you the story of how he was enchanted and how he chase down Heiro Buencamino as his parents...
