"Anong Dion? Binibini?!!" Nagtataka nitong sambit.

Napailing na lamang ang dalaga.

"Huwag mo sabihin sa akin na---"

Tinignan ni Rabiya si Kai at umiling, napatigil rin ito sandali, lahat ay tumigil rin.

"Walang makakapalit sa puso ko Kai, si Amanda lang ang kayang bumihag nito."

Napatigil si Kai sa matinding kilig na nadarama nito.

Nagpipigil pa siyang sumigaw sa kilig.

Napangiti na lang si Kai at umiling.

"Yun oh! Buhay na buhay pa ang Ramanda, ayos!''

Napaigtad pa si Kai habang kasabay si Rabiya sa paglalakad.

Talagang boto ito rito.

"Nagsagot na ba siya? Kahapon pa niya ako hindi kinakausap ah!" Nag-aalalang tanong ng dalaga habang nag-iintay ng masasakyan halatang naiinip na.

"Wala pa aking binibini, nagkaroon siya ng problema."

"Anong problema?" Napatingin si Rabiya sa kinalalagyan ni Kai, halatang iritado ang kanyang mga mata at hindi mapakali sa kayang iniinda.

"Hindi ko rin alam binibini, hindi pa siya nagbubukas ng Instagramo."

Biglang natawa ang dalawa. Samantalang yung tatlo hindi nila naiintindihan ang sinabi nito.

"Ang tatas mo managalog Kai, anong instagramo? Pashnea!" Nagtawanan sila.

"Can I invite you for a dinner Rab?"

Sangat ng binatang si Traisse na ngayon ay nakangit at agad hinarang ang dadaanan no Rabiya.

Tumingin si Rabiya kay Kai at sa ibang kasamahan nila.

"I think it'll be fun if the team would come too."

Napangiti ang lahat halatang mga gutom na.

Wala ng magawa ang binata kundi ang tumango, akala ata niya ay maiisahan niya si Rabiya.

"Matalino, aking binibini!" May nagbabadyang malakas na halakhak ang nakatago kay Kai.

"Aba oo naman, iba na yung pakiramdam ko dito." Sabay kindat kay Kai.

Simula pa kahapon ay naramdaman na ni Rabiya na may gusto si Traisse sa kanya. Sa mga galaw pa lamang nito at titig, hinding-hindi ito madadala.

Ganoon kalakas ang pakiramdam ni Rabiya sa binata kaya hangga't maaari ay iiwasan niya ito.

Walang makakasira sa pagmamahal nito para sa prinsesa ng Timog- Silangang Asya na si Amanda Obdam ng dagat Andaman.

..................

Rabiya's POV

Medyo lumalabo na yung paningin ko.

May gamot ata 'to eh?!!

Na-nahihilo ako.

Teka! Isang beses pa lang yun ah?

Bakit ang bi-bilis ng epekto?!

o hindi lang talaga ako sanay?!

Pero di naman ako nakatulog?!

Pakiramdam ko may nilagay na something dito sa gamot.

My body is craving for more tequila, ba-bakit ganito? Ang sama ng lasa pero bakit gusto ko pang uminom?!

My Rival EnchantressWhere stories live. Discover now