Based on Eula's expression, Dama guessed na kakilala nito ang mga lumapit. She was about to turn and walk to their classroom instead ng makita nyang hinablot ng isa ang press powder ni Eula at ibinato iyon.

Immediately, she rushed off to help Eula.

"Feelingera ka rin eh no? Hindi ka na nakuntento sa boyfriend ko na inagaw mo dati--ngayon naman pati boyfriend ni Nicole?" Narinig nyang sabi ng nasa gitna.

"I don't know what you're talking about." Eula replied blandly.

The third girl scoffed. "Yeah right! Kami pa talaga ang lolokohin mo Eula? We WERE friends remember? Kaya alam na namin kung gaano ka kakati!"

"Kung sila nauuto mo, pwes kami hindi! For all we know, baka nga lahat ng lalaki dito sa campus, nakagalaw na sa 'yo eh." 

Nagpanting ang tenga ni Dama sa narinig.

Clenching her fists, she walked towards them. Pinagitnaan niya sila.

"Hoy babae... you didn't tell me na nagha-hire ka na pala ng P.A? May ire-refer pa naman sana ako sa 'yo." She said to Eula.

"D-Dama."

Dama looked at the girls. "In fairness naman sa inyo, mga mukha talaga kayong P.A."

"Hoy miss! Magdahan-dahan ka sa pananalita mo ha!"

Dama crossed her arms. "Why? Am I talking too fast that your slow brain cannot comprehend on what I'm saying? Gaano ba kabagal mag-process yang utak mo? Turtle pace?" Dere-deretso nyang tanong.

"Ang yabang mo ah! And how dare you say na pangit kami?!" Paghuhurmentado ng nasa gitna.

"Excuse me, wala akong sinabing pangit kayo--although you are. But good on you for concluding right." She smiled and turned to Eula. "You should pick this one. Kahit papano nag-iisip sya."

"Pakialamera kang masyado ah!" The first girl tried to slap Dama pero madali nya iyong naharang. Ilang beses na ba syang nasampal ng mommy nya? Nadala na sya dahil masakit sa pisngi. Kaya naman she practiced on girls at school--sampalan lang. Minsan naman, mga katulong ang pinag-papractisan nya.

She'd ask them to hit her. And if they did--they're fired.

"Kasalanan nyo, tropa ko yung binabangga nyo." She replied calmly saka sinampal ang babae gamit ang isa nyang kamay.

Dahil sa ginawa nya, nagalit yung dalawang kasama ng babae at sinabunutan sya. Si Eula na pinilit syang tulungan--ayun, nasabunutan din.

Mabuti na nga lang at dumating sina Keeme at Lei na mga dakilang warfreak. The girls, realizing that they are outnumbered, quickly retreated.

Dama smiled triumphantly at Eula. Pareho silang mukha ng sabukot but she was beaming. For the first time in her life... she fought for someone other than herself. And it felt ten times better than when she's fighting for herself alone.

Para bang nagkaroon ng saysay.

"No need to thank me. I just feel like being bitchy today." She said to her.

"Bakit ba masyado kang pakialamera?" Sagot nito sa kanya. "Hindi ko kailangan ng tulong mo! Pwede ba--next time, mind your own business? sawsawera ka masyado eh!" 

Pagkasabi ni Eula noon ay umalis na ito. Sumunod naman si Lei sa kapatid. Naiwan sila ni Keeme sa may puno ng mangga.

Hindi rin malaman ni Keeme ang gagawin.

Sya naman--nagulat. Of all the ways of saying thanks--this is how she was repaid?

Parang may kumirot bigla sa puso nya. Unang beses--unang beses nyang magpakita ng malasakit sa tao...

This is the very first time she showed someone that she cares... ito pa ba? Ito pa ba ang makukuha nyang kapalit?

Unable to take it, she stormed out of the school and went back home.

Agad na naging concerned si Manang Pacing ng makita ang dalaga na umiiyak. Ayaw na ayaw nito ng umiiyak. Lalo na sa harap ng mommy nito. Ayaw na ayaw ni Dama na nakikita ng ibang tao na mahina sya.

She always wear this mask of strength to show people na hindi sya pwedeng basta-bastahin. Na hindi sya pwedeng apak-apakan.

Sinundan ng matanda si Dama sa kwarto at hinagod-hagod ang likod nito.

"Anak... bakit ka umiiyak?"

Matagal na humagulgol si Dama bago sya nakasagot.

"Yaya bakit ganun? Gusto ko lang naman syang tulungan ah? Masama na palang tumulong sa kaibigan? Kasalanan ko pa pala?"

"Ano ba'ng nangyari?"

"Si Eula kase! Sya na nga ang tinutulungan, ako pa inaway nya!"

Napangiti ang matanda.

Bagong-bago sa pandinig nito ang hinaing na iyon ni Dama. Lahat ng katulong sa mansion ay pagod na sa karirinig sa reklamo ng dalaga. Pero lahat ng iyon ay para sa sarili lamang nito. She didn't care about anyone else.

Ngayon lang.

"Baka naman kase hindi nya kailangan ng tulong anak?"

"Are you kidding me?! Eh muntikan na ngang magkabasag-basag ang mukha nya kanina eh! If you could only hear the things they said about her--it's horrible! I had to help!"

Manang Pacing held her face and brushed her tears away with her hands.

"Hindi lahat ng tao ay kayang aminin na mahina sila. Minsan, gusto nilang lumaban ng mag-isa para mapatunayan sa sarili nila na kaya nila. Pero hindi ibig sabihin na hindi nila tanggap ang tulong na ibinibigay mo."

"Manang, unang beses kong tumulong sa ibang tao and this is what I'd get? Kung ganito rin lang naman eh di fine--hindi na lang ako magmamalasakit!"

Napabuntong-hininga ang matanda.

"Anak, 'wag kang ganyan. Hindi porket nagkamali ka na sa unang beses ay susuko ka na. Siguro nadala lang sya ng galit kaya may nasabi syang hindi maganda. Palipasin mo lang ng konti at sigurado akong magkakaayos din kayo."

"Sana nga yaya..."

Sa maikling panahon pa nga lang ay sanay na sanay na sya sa kanila. She was so familiar with them na para bang nakatadhana silang maging magkakaibigan. Kaya siguro hindi nya matanggap na ang simpleng pagtulong nya pa ang pagmumulan ng away nila.

Kung iba sigurong tao yun ay madali nyang mapapalampas....

Pero kaibigan nya yun eh.

Isa sa mga una nyang kaibigan... at baka isa na rin sa mga tanging tao na magtityagang makipagkaibigan sa kanya. Kung masisira lang yun agad... parang ang hirap bumalik sa dati. Yung wala syang kasangga.

Yung wala syang kausap.

Yung wala syang karamay.

Si Zelo... kahit madalas pa sa numero ng orasan sila kung mag-away, aminado naman sya na mabait na rin ito sa kanya. Well... slight.

Si Lei... kahit mahilig itong mambara at mang-away sa kanya, kapag may iba namang umaaway sa kanya... iginaganti sya nito.

Si Keeme, kahit may pagka-basag-ulero at walang kwentang estudyante, pipilitin ka nyang pangitiin kapag malungkot ka.

Si Eula, sweet sya at maalalahanin. Kaya hindi sya naniniwala sa mga kwento na ikinakalat ng mga dati nitong kaibigan tungkol dito. Mabait si Eula... so much though that she doesn't fight back most of the time.

At si Eli... kahit may pagka-engot yun... hinding-hindi sya iniwan noon sa ere. Kapag gagabihin sya ng uwi, ito na mismo ang naghihintay para sa kanya.

Those little things that may be nothing to anyone else, meant everything to her. Dahil sa maliliit na bagay na iyon.... she discovered something new about herself.

She really does have a heart... underneath all that hatred... she's just like everybody else.

She needs love.

xxxxx

AN: Sorry... wala munang Zelo... nanliligaw eh. Hahaha... matagal pa si Pierre! ^^

DAMA: The Princess BitchNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ