CHAPTER TWO

0 0 0
                                    

Chapter 2

April 16, 1996
Brgy.Madlang Saya

" Koya!! Bat mu niputol ulo barbie ko!! Huhu waaaaaah!! Bad ka koya! Bad koya!"

" nitatakot ako! Kaya putol ko ulo nya! Hahahah! Bleh!"

" Bad kang koya! Bad ka! Wahhhhh!!

BOOOOOOIOGHSS!!

PLANK! PLANK! PAAAAAKKK!

"AAAARAY!! MASAKIT! Hindi na! Tama na! Wag yan! Masakit yan! !AAAARAY!!"

"NAPAKABAD MO TALAGAAA!!--"

" VAN ZEIGH!! LAN TREIGH!! MAGSITIGIL KAYONG DALAWAAAA!!"

"LAGOT KA!"

" Ikaw lagot!! Putol mo ulo barbie koo!! Bad ka kasi!!"

.....

"Hahahahahaha!! Ampangit mo talaga amputa! HAHAHAHA!! Oh? Oh? Tignan mo oh wahahahahha! Nung klaseng mukha yan? ! Kamukha mo si Aleng Lusing!! Wahahahha!!" malakas kong asar dito.

Hawak hawak ang tiyan habang nakatingin sa lumalaking butas ng ilong, nanlilisik na may kulay abong mata, ang namumula nitong pisngi sa inis at ang tikom na tikom nitong bibig, na para bang nagtitimpi.

Lalo akong natawa sa hitsyura nito.

"PUTSYAAAA!!! WAHAHAHHA!!---"

" GAGOOOO KA TALAGAAAA!!!" nanggigigil itong tumayo at dinaganan ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig na labis kong ikinagulat. Dahil nagulat hinde ko na yun namalayan ng kinababawan ako nito at gigil na sinabunutan ang napakalambot kong buhok!! Imbes na masaktan ay binwisit ko pa to lalo ng tumawa parin ako ng tumawa kaya lalo itong nainis. Parang hulk na sya nag transform hahahha!

Nang medyo nasasaktan na ay hinuli ko na ang kamay nito, at dahil mas malakas ako ay napigilan ko agad siya. Umupo ito sa harap ko, umupo na rin ako. Nanlilisik parin itong nakatitig sakin at ako naman na ngingisingisi lang, tumigas lalo ang panga nito habol habol ang hininga, halos di makahinga kayat tumayo ako at kumuha ng tubig sa kusina. Binigay ko to sakanya, siniringan nya muna ako ng matalim na tingin bago tinanggap ang baso.

"Ikaw Van Zeigh, mag gagradute na tayo ng high school, ganyan parin ang inaasal mo! Napaka childish mo! Letsye ka! Hindi kana ba magbabagooo!! Letsye ka!!" nanggigigil nitong sermon, lihim akong nagmakeface. Para siyang nanay kung manermon. Tss.
Nakayuko ako pero anglaki laki ng pagkakangisi ko at kahit na anong tago ko ay makikitat makikita nya dahil hinila nya ang buhok ko paangat kaya napaangat din ang tingin ko sa kanya. Ang mga mata nya nagbabaga, kulang na lang bumuga ng apoy ang bibig.

WAHAHAHAHHA

Parang sumusukong tumayo ito. Pinatay ang tv na pinapanood nya kanina pero dumating ako at nadatnan sya. Natatawa ako dahil ilang taon nya ng pinapanood yun, nung video namin mula nuong bata kami. Kuha yan ng kapitbahay namin nuon at marami pa, halos lahat yun ay palagi kaming away ng away. Magkambal kami. Pero iba kami sa pagkakaalam nila na masaya palagi at hinde palaging nagaaway. Pero ibahin nyu kami--- este ako dahil ako lang ang nangaasar at sya palagi ang pikon!

Palaasar ako pero mahal mahal ko yaaan! Hinde lang bilang kambal o kapatid bilang isang babae. Hinde ako nakikihalubilo kahit ni isang babae, sya lang sapat na. Makita ko lang ang pikon niyang mukha, masaya na ako. Binansagan kaming WarTwins. Dahil walang araw na nagaaway kami. Wala silang pake! Masaya ako sa ginagawa kong pangaasar! .

Mula elementary hanggang pagtatapos ng highschool ay magkasama kami. Sanggang dikit kami---este ako lang pala dumidikit, makulit kasi ako yun yung sabi nila. Mahinhin at mabait naman daw si Treigh sadyang saakin lang daw nanggigigil. Masaya na ako doon, mula bata ayaw kong may nakakalaro siyang iba hanggang ngayon ayaw kong may nakakasama siyang iba, babae man o lalaki! Nagseselos ako! Maimagine ko lang nanggagalaiti ako. Ako lang dapat wala ng iba, dahil kapatid ko sya at kakambal, dapat nasa akin lagi ang atensyon nya at hinde ko hahayaan yon hanggang sa uulugod na kami. Nakakatawa sa inyo pero sakin hinde , ayaw ko maagaw ang atensyon nya sakin kahit ako ang kainisan sa buong mundo.

Love Never ForgetWhere stories live. Discover now