Chapter 9:

42 1 1
                                    

Ilang weeks na ang lumipas simula nang umuwi nang madaling araw si Ryle dahil sa pagpunta nila sa Bar.

Si Iwona ay wala pading ginawa kundi perwisyuhin ako lalo na talagang hindi siya binibigyan nang pansin ni Ryle.

Pababa na ako para pumasok dahil hindi ako masusundo ni Ryle kaya kailangan kong magmadali para hindi mahirapan sa byahe.

"Kuya?" gulat kong wika. "Kailan pa kayo dumating?" dagdag ko.

"Yan talaga ang ibubungad mo samin baby? Wala bang yakap jan?" Nakataas na kilay na wika ni Kuya Jasper.

Kuya Jasper is my oldest brother and Kuya Jupiter is our second sibling.

Napatakbo naman ako palapit sa dalawang kuya ko saka binigyan nang mahigpit na yakap. "I miss you kuya's!"

"We miss you too Bunso..." sabay nilang wika. "Sobrang laki mo na. Damang-dama namin ang limang taon  naming pagkawala sa pinas,"

Nag-pout naman ako sa kanila dahil naalala ko nanaman yung time na umalis sila.

"Aalis pa ba kayo uli?" ani ko.

"Pinagiisapan ko pa Baby eh... Pero si Kuya Jasper ay magsstay na dito sa pinas," wika ni Kuya Jupiter.

Bago pa ako makapagsalita ay pinagsabihan na agad ako ni Daddy na baka malate ako.

"Malalate kana Nicole. Hindi ka ba susunduin ni Ryle?" singgit ni Daddy.

"Sino si Ryle?" wika nila Kuya saka lumingon sakin.

Ngumiti naman ako sa kanila bago nagsalita. "One of this day Kuya, Makikilala niyo siya."

"Oooookay! Ihatid na kita, Tara na!" Hinila na ako ni Kuya Jasper papunta sa sasakyan ni Daddy na gagamitin namin.

"Sigurado ka bang okay ka na hangang dito nalang kita ihahatid?" malambing wika ni Kuya Jasper.

Natawa naman ako kaya sinamaan niya ako nang tingin. "Kuya, I'm not a kid anymore. Hindi mo na po ako kailangang ihatid sa loob nang school,"

Sinimangutan niya naman ako. "Eh gusto sana kitang ihatid hangang loob eh,"

Umiling nalang ako sa kanya saka siya hinalikan sa pisngi. "Thank you sa paghatid kuya... Yung pasalubong ko po pakitabi nalang sa kwarto ko. Love you!"

Lumabas na ako saka naglakad papasok nang university pero naabutan kong nakatingin si Ryle sakin kasama ang mga kaibigan ko.

"Sino yun?" malamig niyang wika.

Nilingon ko naman si Kuya Jasper na nakatingin samin at kinawayan ko siya saka binigyan nang flying kiss.

"Stop doing that!!" matigas na wika ni Ryle saka hinawakan ako sa braso. "Sino yon?"

Narinig ko namang humarurot na ang sasakyan ni Kuya Jasper. Lilingon pa sana ako pero binantaan ako ni Ryle.

"Wag kang lumingon! Tumigil ka sa kakalingon mo!"inis na wika ni Ryle.

"Bakit ba ang init nang ulo mo?" naguguluhan kong wika.

Sinamaan niya naman ako nang tingin. "Hindi lang kita nasundo kung kani-kanino ka naman nagpapahatid tapos ano, May pa-flying kiss ka pa! Sino ba yung lalaking yon?"

Hindi ko naman napigilang matawa sa sinabi niya kaya napahawal ako sa bibig ko. "Pfffft---"

Lumingon siya sa mga kaibigan kong nagpipigil na rin nang tawa.

"Can you please stop laughing!! Ano bang nakakatawa?!"

Napailing naman ako sa kanya saka sinikap na wag tumawa dahil pikon na pikon na si Ryle.

Love Series 2: Complicatedly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon