29𝚃𝙷 𝙵𝙰𝙱𝙻𝙴: 𝚃𝙰𝙶𝙰𝙻𝙾𝙶

71 14 0
                                    

Ang kwentong ito ay haka-haka lamang at isang piksyon na ginawa ng awtor gamit ang kanyang napakalikot na imahinasyon.

Ang kwentong ring ito ay mula sa point of view ni Erik na siyang bibida sa kwento.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Ang mga Dimensyon ng Pag-ibig"

Sa aking madilim na kwarto ay abala ako sa paggawa ng aking MLD o Machine for Love Dimention.

Ginagawa ko ito para makagawa ako ng isang imbensiyon para mas makilala ang aking pangalan bilang imbentor.

Ako nga pala si Erik Charlo Mondievs o sa pangalan nalang na Erik. Ako ay labing walong taong gulang.

Ako ay ang pinakabatang imbentor sa aming lugar ngayong panahon ng taglagas sa taong seventy-seven, seventy-seven o 7777.

At... Dito nga magsisimula ang aking kwento, para malaman niyo kung ano talaga ang dahilan kung bakit ko talaga ginagawa ang MLD o Machine for Love Dimention.

Makalipas ang araw na iyon...

"Erik! Erik! Gising na diyan. Kakain na tayo ng almusal."

Sa oras na iyon ay narinig ko nanaman ang aking nanay na ginigising ako.

"Wait lang ma. Ang sakit ng katawan ko. Ayaw ko pang bumangon."

"Bakit? Nagpuyat ka nanaman kagabi?"

"Oo, ma. Kaya, pabayaan niyo muna akong matulog."

"Hmm, ikaw ang bahala. Mahal! Naluto na ba ang lechong manok diyan?!"

"Oo, mahal, kumakain na nga ako eh!"

"Ano?! Sige, bababa na rin ako. Ubusin na natin iyang lechong manok mahal. Hindi daw kakain ang anak natin!"

"Sige."

Nang narinig ko ang lechon manok na sinabi ng aking nanay ay bigla nawala ang sakit ng aking katawan at ako ay biglang nabuhayan.

"Lechon manok! Nandiyan na ako! Kakain na rin ako. Yohoo!"

"Hay naku anak, diyan ka talaga nabuhayan at naging mabilis. Bababa na nga rin ako."

Sama-sama nga kaming kumain ng umagang iyon kasama ang aking nanay at tatay.

Habang kami ay kumakain, may tinanong sa akin ng aking tatay.

"Anak? Talaga bang nag-iimbento ka pa ng isang Machine?"

Sinagot ko ng tapat ang aking tatay kahit alam kong pagsasabihan ulit ako ng aking tatay.

"Opo itay."

"Alam mo anak, huwag mo nang ituloy iyan. Ilang machine na ang ginawa mong sumabog dahil diyan."

"𝑴𝒚 𝑭𝒂𝒃𝒍𝒆𝒔" 3 (𝙲𝚘𝚖𝚙𝚕𝚎𝚝𝚎𝚍)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz