28𝚃𝙷 𝙵𝙰𝙱𝙻𝙴: 𝚃𝙰𝙶𝙰𝙻𝙾𝙶

Start from the beginning
                                    

"Mga bro, bakit ako nabuhay, isa man lang akong laruan?"

Sinagot naman agad siya ni Tikbalang.

"Hihihi, dahil sa hiwaga ng kagubatang ito ay binuhay ka ng kagubatan kahit isa kalang laruan."

Dahil dito ay nalaman ni Natoy ang sagot kung bakit siya nabuhay. Naliwanagan na ang kanyang isipan kung bakit siya nabuhay noong araw na iyon.

Mas lalo pa siyang naliwanagan noong sinabi nila sa kanyang iniwan siya ng may-ari sa kanya dahil sa sobrang takot niya sa kanilang tatlo.

"Ganon pala ang nangyari kung bakit nandito ako ngayon."

"Oo, laruan, ganon nga kung bakit ka ngayon nandito."

"Oh sige. Pero simula ngayon, tawagin niyo nalang akong Natoy."

Simula noon ay tinawag na nila itong Natoy.

Habang sila'y naglalakad sa kagubatan ay may mga taong nagtangkang putulin ang puno ng Narra.

Dahil dito ay mabilis na tinakot ng mga tikbalang, kapre at unano ang mga taong iyon para takutin sila at mapangalagaan ang kagubatan.

Dito ay nalaman ni Natoy na silang tatlo pa la ang isa sa mga nangangalaga sa kagubatan.

Matapos nilang matakot ang mga taong iyon ay biglang umulan ng malakas.

Dahil sa panahong ito ay panahon na ng tag-ulan.

Dahil sa lakas ng ulan ay umapaw ang batis sa kagubatang iyon.

"Halina kayo! Delekado na rito! Baka maanod tayo ng tubig," sigaw ng unano.

Habang sila ay tumatakbo palayo sa batis ay nakita ni Natoy ang mga naputol na puno sa kagubatan.

"Alam mo ba kung bakit namin tinatakot ang mga tao?" tanong ni tikbalang kay Natoy.

"Bakit?"

"Dahil sa kanilang pamumutol ng mga puno sa kagubatan. Dahil sa ginagawang ito ng mga tao ay unti-unti nilang sinisira ang kagubatan."

Habang unti-unti silang nakalalayo sa mga naputol na puno ay lumambot nga ang lupa ang nagkaroon ng landslide.

Kaya naman, napasigaw na lamang si Natoy sa kanyang nakita.

"Tignan niyo!"

"Iyan ang epekto ng kanilang pamumutol ng mga puno. Maaaring masira ang kagubatan dahil sa pagguho ng lupa!" sigaw ng kapre.

"𝑴𝒚 𝑭𝒂𝒃𝒍𝒆𝒔" 3 (𝙲𝚘𝚖𝚙𝚕𝚎𝚝𝚎𝚍)Where stories live. Discover now