First day bilang kolehiyala ni Joie sa isang state university. Ito ang unang beses niyang makisalamuha sa mga taong hindi niya kakilala kaya sobra ang hiyang nararamdam niya mabuti na lang ay kasama niyang pumasok sa parehing unibersidad ang bestfriend niyang si George.
"so pano ba yan, veshywap, doon daw sa kabilang building ang college of arts at dito ka for college of nursing alis na ko ha? Kung nahihiya ka huwag na huwag kang mangiirap, always smile, understood?" ani ni George
"Yes, Sir!" sagot ko habang papalayong kumekembot ang kiriray kong bestfriend nang mapansin kong umikot pa balik nang pagkalapit lapit sa muka ko sabay bulong "Neng, nakikita mo ba kung gano ka putok ang lipgloss ko?! Nakikita mo ba ang glitters sa talukap ng mata kooo!?" Natawa ako sa tinuring ni bakla at pabirong itinulak na paalis "I love youu, Miss Kapulpol!"
George and I were bestfriends since grades school, bata pa lang amoy ko na na amoy Victoria Secret Bombshell ang dugo niya kaya noon binubully ko siya kasi ang cute niya umiyak, namumula yung ilong tapos tulo uhog. (Hahahahaha, sorry TMI) Eventually nagclick kami sa isat isa and eversince hindi na kami mapaghiwalay, kita niyo nga at hanggang college same school.
Madali ko naman nahanap ang classroom ko dahil hindi naman ganoon katago ang College of Nursing, medyo napanganga ako ng kaunti dahil lecture room pala ito, shookt ang ati niyo ghorl. yung may stairs sa gitna tapos pasemi circle yung room ganornnn. dati kasi simpleng desk at chair lang kami eh. nakakita naman ako ng vacant sa bandang gitna pero sa pinaka gilid ako puwesto, masaya sana sa likod kaso baka pabulong na lang ang marinig ko tuwing nagsasalita na ang professors.
Dumaan ang buong umaga sa pag iintay ng mga professors, introduce yourselves and why did you chose nursing as your course. Nakilala ko rin ang tatlong blockmates ko na sina Tilly, Sharlene, and Miley magkakatabi kaming apat sa pwesto ko at agad namang kaming nagclick sa isat isa. Sabay sabay kaming apat sa pag pila sa canteen at pag ikot sa buong school na parang mga batang ngayon lang nakalabas ng lungga.
Dahil 12 noon pa lang at 2pm pa ang last class namin nagpadesisyunan naming tumambay sa ilalim ng puno malipit sa school grounds.
"Alam niyo hindi ko gusto ang mag nursing, pumayag lang ako sa wish ni mama kasi siya ang gustong maging nurse." pambabasag ng katahimikan ni Tilly
"Kung ayaw mo ng nursing ano sana ang kukunin mo?" sagot naman ni Miley
"Gusto kong maging architec someday pero sa ngayon pangarap muna ni mama, makakaintay naman yung akin."
"Ikaw, Joie? Gusto mo ba talagang magnursing? kasi ako eto talaga ang super ulitmate mega dreams ko" sabi naman ni Sharlene habang magkahawak ang kamay kung nasa anime kami baka naging sparkling eyes na ang mata nito.
Bata pa lang pangarap ko na talaga ang maging nurse, siguro nagsimula ito nung binigyan ako ni mama ng doctors kits na merong laruang stethoscope at scalpel.
"oo, katulad mo super ultimate mega dream ko din to!" habang ginagaya kung paano pumilantik ang kamay ni sharlene with matching beautiful eyes na ikina irap naman niya at ikinawa namin nina Tilly at Miley.
Dumaan ang maghapon at nasabi namin ni George na nairaos namin pareho ang first day namin. Nakwento namin sa isat isa ang newfound frennies namin ang promised na kapag may vacant ay ipakilala na sila sa isat isa.
•••••••••••••••••••••
"Baklaa! anong kukunin mo sa NSTP? Nagsign ako sa CWTS." panggugulat ko kay George nang makita ko siya sa university cafeteria at laking gulat ko ng lingunim ako nang mahabang nguso nito, meaning something annoying happened. kaya ginaya ko siya sa table naming girls at siya ring napansin ang aura ni George.
"Hoy kumain ka. nakakapangit ang nagpapagutom." pag uga ko sa tulala kong bessy nang biglang...
"AYOKOOO MAG ROTC!!!!!!" Halos lahat ng kumain sa loob ay napalingon sa gawi namin dahil sa ginawa ng magaling kong kaibigan. Agad naman pinatahan ni Tilly at Sharlene si George kami ni Miley ang humihingi ng pasensya sa mga tao at ipag patuloy ang pagkain.
Nang kumalma si George ay dinala namin siya sa favorite tambayan namin sa ilalim ng mangga malapit sa grounds.
"Mga beshyy kailangan daw mag ROTC nang lahat ng boys sa room. HUHUHUHU! I'm a princess you knowww!" pagrereklamo ni George
"Hayaan mo na, kapag yumaman tayo ipapatanggal natin yang little prince mo parang maging princess ka na talaga okay? Calm your tits, mare." pagpapakalma ko sakanya
Nagulat kami sa biglang pag tayo ni Sharlene "Georgie my lovess, look at the brighter side... lahat ng fafabols na freshies dito sa school makikita mo at makakasama mo, ayaw mo ba non??"
"Solong solo mo sila mamiii! Kung ako sayo wag ka nang cry cry dyan, go there and sign up. Walang iyakin sa squad na to no!" Ambag naman ni Miley
Mukha namang effective ang pinagsasabi ng dalawa dahil naka ngiting parang manyak na si bakla habang nilalandi ang daliri sa pagitan ng ngipin.
"Let's go and sign up! kayo sa CWTS at ako sa ROTC! GIRL POWER NA TOOOO!"
at sabay sabay nga kaming nag palista sa harap ng gymnasium.
YOU ARE READING
Dear, J
General FictionSi Joie ay isang masiyahing dalaga, mapagmahal sa mga magulang at mga kaibigan pero tulad ng isang normal na tao mayroon tayong kanya kanyang paghihirap na tanging tayo lang ang nakakaintindi.
