14

23K 513 9
                                    


The ultimate measure of man is not where he stands in moments of comfort and convenience, but where he stands at times of challenge and controversy.

* * * * * * * *

Marco



"DADDY!"

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi ako makagalaw, ni hindi ko magawang huminga ng maramdaman ko ang higpit ng yakap ng batang babaeng ito sa akin. Parang wala ako sa sariling ipinulupot ang mga braso sa maliit niyang katawan at ninamnam ang munti niyang init.

Bakit ganon? Hindi ko maintindihan ang dala niyang init mula sa kaloob-looban ko.

"Hindi mo siya daddy, babydoll," narinig ko ang malutong sa salita ni Railey sa tabi ko. Kumalas naman siya sa pagkakayakap sa akin, and that moment namiss ko agad ang init na dala niya.

"H-he..."

"Uncle Marco is not married, not yet with my mama at siya ang magiging daddy ko kaya paano siyang magiging daddy mo?" nakangusong sabi ni Railey, waring napikon ito sa sinabi ng batang babae.

"But it's true! H-he is my daddy!" Nakita ko ang pag bilog ng mga mata ng batang babae sa narinig. May apoy sa mga mata niya habang ipinaglalaban ang katuwiran nito.

Then I imagine, Cassie. Ganito siya kapag may ipinaglalaban, kapag alam niyang tama siya. Naiiling na lang akong pinanuod ang mga bata habang pinag aawayan ako.

"How come hindi ka kilala ni Uncle kung siya nga ang daddy mo? Liar!" nakita ko ang namumuo na namang mga luha sa munti niyang mga mata.

"Tama na iyan Railey," saway ko saka tumungo sa kanya at ngumiti, "Sino ang kasama mo?"

"I'm with my mommy, but I can't find her." malungkot niyang sabi, ngumiti ako sa kanya saka siya kinarga.

"Come, we will help you find her then." masigla ko siyang tinignan and she giggled. Ang sarap pakinggan ng munti niyang tawa. Kung nabuntis lang nga si Cassie noon siguro kasing ka-edaran niya ang batang ito ngayon.

"What about me Uncle?" malungkot ang mga mata niya ng tinapunan ko siya ng tingin.

"I'll drive you home Rai, but first hanapin muna natin ang mommy ng babydoll na ito." naintindihan naman ng batang isip ni Railey ang gusto ko kaya tumango na lang siya.

Naging instant daddy ako ngayong araw na ito. Wala man sa plano ang pag punta ko dito pero may kakaibang saya ang laman ng puso ko. Kung titignan kaming tatlo para talaga akong isang ama..

Kulang na lang ang ina...

Minsan naiinggit ako sa mga kaibigan ko. Why they have all the love coming from their women. Nasa akin na ang lahat, successful ako, kaya ko ng bumuhay ng pamilya, mahilig din ako sa bata. Pero napakailap sa akin ang love.

Hinayaan kong mag libot-libot sila Rai at ang batang babae, I'm just happy and contented seeing her smile and giggle kapag hinahabol siya ni Rai. She reminds me of someone but I can't figured it out yet. Ayoko pa siyang pakawalan muna, ayoko pa siyang ibalik sa tunay niyang mga magulang. Nag e-enjoy pa ako sa munti niyang company.

Muli niya akong kinawayan, "Daddy!" ngumiti lang ako sa kanya, hindi ko na nagawang itama siya sa pag tawag niya sa akin ng 'daddy'.

"Sabi ko sayo na hindi mo siya daddy eh!" nagpa-padyak si Railey sa inis, I just heard her laugh. Natawa na rin ako. Ganito pala ang pakiramdam maging isang ama. Kahit sa maiksing oras naramdaman kong naging importante ako, at sa mga bata pang ito. Mga batang kahit hindi ko kadugo ay mainit na tumanggap sa akin.

Medical Batchelor Series 3: A Love to Last Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon