Jauncy:

Why? Will you sneak again with that Cyrill?



Me:

Sneak mukha mo! Uuwi na kasi ako ngayon. Ang wild kasi ng fans mo at ako ang pinag-tripan. Anakan mo na lang kaya sila? Para naman mabawasan rin ang inggit ng nararamdaman nilang lahat.



Jauncy:

Ikaw? Gusto mo?



Napatigil ako. Tangina?



Me:

Kadiriiiiii!!



Jauncy:

What? I said, gusto mo bang sunduin na lang kita diyan? May meeting ang mga instructors namin dito kaya pa-exit na rin ako. Never mind. Maghintay ka na lang diyan at susunduin kita hihi :)



Napataas ako ng kilay. Okay bahala siya. Pagka-park ng sasakyan niya ay agad kong binuksan ang pintuan ng passenger seat. Naiinis kong ibinaba ang cellophane na may lamang damit ko na medyo nangangamoy na talaga.



"What's that smell?" nagtatakang tanong ni Jauncy.



"My clothes. Your die hard fans did it to me. Ang daming nasayang na itlog."



"What?" his brows furrowed.



Naiinis na nilingon ko siya.



"Oh yes, Onse. I've been bullied for three days with your obsessed fans!"



"Do you know their names? Even one of them?" seryoso niyang tugon.



"Hindi ko close ang mga 'yon kaya paano ko naman makikilala?"



Agad akong naligo pagdating namin. Binanlawan ko na rin ang damit kong malagkit. Nakatapis ako ng tuwalya at biglang napasigaw nang makita si Jauncy na prenteng nakaupo sa kama ko.



Hindi pa siya nahihiyang titigan ang katawan ko. Kaya ako na ang nag-adjust at inalis ang tuwalya sa katawan. Pero syempre may suot na akong shorts at sando.



"Nasa baba ang Mommy mo..."



"Okay. Mauna ka nang bumaba. Mag-aayos pa ako."



He slowly nodded and stood up.



Naglagay muna ako ng lip balm. Nakaka-moisturize kasi ng lips. Sa dami ba naman kasing binili na beauty products at cosmetics sa akin ni Jauncy ay paminsan-minsan ay sinusubukan ko ang iba out of boredom.



Pagbaba ko ay nakita kong seryosong nag-uusap si Mommy at Jauncy. Natigil lamang sila nang mamataan ako. I blinked when I saw the dull eyes of Jauncy. Malapit na ring mag-iisang linya ang kilay niya.



"Anong pinag-uusapan niyo?" naiilang kong tanong at nilagyan ang bakanteng baso ng tea na nasa glass table malapit sa sofa na inuupuan namin.



Nasa gitna namin si Mommy.



"I just wanna clear out things, Xierl. Akala ko ba okay kayo ni Jauncy?" seryosong tanong ni Mommy.



"We're good, Tita. I just don't know with Xierl if she have other plans," agap ni Jauncy.



"Ano na naman ba ang tungkol sa akin?" naguguluhan kong tanong.



"May narinig ako tungkol sa'yo. I'm so disappointed, Xierl. It's not appropriate to have a fling when you're already engaged."



Nagtatakang napatingin naman ako kay Jauncy. Pero ang galit niyang mukha lamang ang sumalubong sa akin. Anong fling ang pinagsasabi ni Mommy?



Claiming the Opposite ✔Where stories live. Discover now