"Good morning sir," bati ni Lin nang sagotin nito ang tawag niya,

"what's my appointment for today?" tanong niya pa,

"mamayang alas tres lang po ng hapon ang may meeting kayo, the rest po naka schedule sa site para mag check doon, tapos po pala sa tanghali po ay babalik kayo para contract signing ng collaboration ng Cazarza Enterprises at Sevida Airport" sagot ni Lin.

"How about the paper works?" tanong niya kay Lin.

"na schedule ko na po ang paper works niyo para bukas. Wala po kasi kayong appointment bukas, alam ko kasi na ayaw mo ng appointment kapag paper works na" sagot ni Lin, tumango naman siya saka nagpatuloy sa pagmamaneho,

"Alright, thanks a lot Lin" ani niya saka pinatay ang tawag.

Habang nagmamaneho siya ay agad niyang inabot ang baril sa harapang compartment. Agad niya ding niliko ang sasakyan sa may convenience store kung saan naroon ang gang na humarang kay Ms.Cazarza kagabi,

Hininto niya ang sasakyan niya saka agad na kinuha ang cellphone at tinago ang baril sa may likoran niya,

Lumabas siya sa kotse niya at agad na pumasok sa convenience store para bumili ng sigarilyo at lighter,

Matapos niyang bayaran iyon ay agad siyang umupo sa hood ng kotse niya saka kinuha ang cellphone, tinawagan niya ang isa sa mga kasamahan niya noon,

"where are you? I'm here...alam niyong ayoko sa lahat ay ang maghintay" ani niya nang sagotin ni Raol ang tawag niya,

"papunta na boss" tugon nito,

"wag na wag niyong kakalimutan na dalhin ang loko na yun" bilin niya sa mga ito bago patayin ang tawag, nilapag niya sa ibabaw ng hood ng kotse niya ang cellphone saka kumuha ng isang stick ng sigarilyo saka sinindihan iyon,

Hindi na siya nagtaka nang makitang may papalapit na grupo ng mga lalaki sa kaniya, umismid siya saka humigop sa sigarilyo saka binuga sa ere ang usok nito,

"boss Ed!" sigaw ni Raol nang makita siya, nanatili naman siyang nakaupo sa hood at naninigarilyo,

"dala na namin siya" natatawa at sigang sabi ni Raol saka tinulak ang lalaking nangharang kay Samantha kagabi,

Napaisimid siya saka tumalon mula sa pagkakaupo sa hood ng sasakyan, kinuha niya ang sigarilyo na nakaipit sa bibig niya saka agad na hinarap ang lalaki at walang ano-ano'y tinutukan ng baril sa ulo,

"kapag tinatanong kita, sasagot ka" ani niya habang ang baril ay nakatutok sa ulo ng lalaki na halatang nagulat at natakot,

"...eksakto at tama" dagdag niya, tumango-tango naman ang lalaki, humigop muli siya ng sigarilyo saka binuga ang usok sa ere,

"bakit mo ginawa yun?" tanong niya, pagtutukoy niya sa ginawa ng lalaking ito kay Samantha kagabi,

"b-boss, hindi ko po alam n-na girlfriend mo ang b-babaeng yun"

"hindi ko siya girlfriend" agad na singit niya sabay diin ng baril sa ulo nito,

"he, hindi naman pala girlfriend boss—"

"shut up," agad na bugaw niya kay Raol nang sumingit ito "I'm not talking to you" dagdag pa niya saka muling bumaling sa lalaking tinutokan ng baril,

"answer me"

"b-b-boss...hindi s-siya po yung dahilan k-kung bakit natalo ka sa k-karera? k-kaya nilapitan k-ko siya...para toroan ng leksyon" nanginginig na sagot nito,

"she's none of your business" ani niya,

"neither do mine" dagdag niya saka inalis ang baril na nakatutok sa ulo nito, para namang nakahinga ng maluwang ang lalaki at maging sila Raol,

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon