Interview part 1

Magsimula sa umpisa
                                        

"Understood,mush..Second master." kailangan ko magingat sa pag address sa kanya, nakakahiya kung tatawagin ko syang mushroom sa harap nilang lahat.

"Why don't you introduce yourself to her?" Adrianne spoke again to Locket still not facing him.

Ugali na ba nila yun, ang hindi tumingin sa kinakausap? 

"I don't think he needs to do so, they are together almost everyday. I am pretty sure they know each other very well." biglang nagsalita si Noreen na parang may gustong patunayan at nakita ko si Locket na medyo napatungo lang at ngumiti. Ngiti na hindi masaya, hindi playful na Locket, hindi nangaasar, pero yung ngiti nya parang tinawanan lang nya ang sinabi ni Noreen at sinasabing non-sense ang sinabi nya.

"Is that right, Ms.del Valle?" tinanong ulit ako ni Adrianne na kahit isang segundo ay hindi pa inaalis ang mga titig nya saken.

Medyo nahirapan ako sa isasagot ko. Wala pa rin akong idea kung saan papunta ang interview na to, wala man lang silang explanation na ibinigay. Basta, pinapasok nila ko at pinaupo at eto na, nagtanong na si Adrianne.

"We are together almost everyday, that's true po dahil he is my guardian so ofcourse I need to work with him. I guess, to say that we already know each other is a bit too early to claim. Dahil alam ko po na marami pa kong hindi alam tungkol sa kanya at marami pa din syang hindi alam tungkol sakin." I didn't look at Locket at this point.

Though I know all of his moods and personalities, hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabi nya na I don't know any of his stories. At napatunayan ko yun, dahil sa tuwing nagkakasama kami, may iba akong nalalaman sa kanya, so I think there is more pages of his book than it seems.

"Like what?" hindi ko inasahan na tatanungin nya ko bigla tungkol sa sinabi ko. I just looked at him for few seconds still thinking of what to say.

Anu pa nga ba ang hindi nya alam tungkol sakin?

Hindi ako tulad nya na may malalim na kwento, alam nya ang tungkol sa issue ko sa family namin na dahilan ko kaya ako sumali dito. Alam din nya na nainlove ako sa bestfriend ko, alam nya na ayaw kong naeexpose sa maraming tao. Alam nya na hindi ako marunong magdrive, alam nya kung paano ako aasarin at alam nya kung paano papagaanin ang loob ko.

Aware man sya o hindi sa mga bagay na yun, alam ko sa sarili ko kung anu ang nagagawa nya sakin sa tuwing magkasama kami, nagaaway man o nagaasaran.

I can't think, and they are waiting for my answer.

"Like...like my..." someone interrupted me and it was Neil.

"Lovelife? Did he know about your lovelife?" he was smiling at me, friendly at sa mga taong nandito ngayon, sya ang may pinaka-lite na aura.

"No, I don't have a lovelife, third master. " I turn from my seat, to face him and answer his question.

He laughed at my answer, at medyo hindi ko nagustuhan ang reaksyon nyang yun. Parang nakakabastos naman yata, pero hindi ko na lang pinansin at umupo ulit ako ng ayos. Nakita ko si Locket na nakatingin kay Neil at medyo nakakunot ang noo, pero walang pakealam si Neil na tuloy lang sa pagtawa.

"Talaga? You mean, wala kang boyfriend ngayon? " he stopped laughing at may follow up question pa, siguro napansin nya na sya lang ang natawa sa nalaman nya.

"Wala po third master, it is not my priority right now." I adjusted my eyeglasses and I often do this kapag medyo hindi na ko komportable sa nangyayari sa paligid ko.

"Please, don't tell me you are an NBSB." naglakad sya palapit sa kinauupuan ko at nilagay ang kamay nya sa sandalan ng upuan ko at inilapit ang mukha nya saken. Medyo umiwas ako ng konti dahil he was so close and I think it's awkward.

the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon