"Hindi naman. Magkapitbahay kasi kami kaya laging nagkakasabay." sagot ulit ng boses ni Celyn.

Louella rolled her eyes. Dinig na dinig niya ang usapan ng mga bruha sa loob ng comfort room mula sa cubicle na inuokopa niya na para bang nakikinig siya ng drama sa radyo. Hindi parin talaga nagbabago ang mga ito.

Simula nang tinapos niya ang pangloloko kay Venger, hindi na nila muling napagusapan pa ang bagay na iyon. Iniiwasan din niyang makasama ang mga ito sa iisang lugar na sila lang, dahil baka kung ano pang maisip ng mga itong gawin na naman. 

Tumigil na rin ang mga ito sa panunukso. Alam marahil ng mga ito na kung sakaling lumabas man ang totoo, damay ang mga ito sa consequence.

Nagflush siya ng bowl. Kanina pa niya hinihintay na lumabas ang mga ito, pero parang wala yata sa plano ng mga ito iyon. She mustered her courage, took a deep breath and opened the cubicle door.

Nagsitahimik ang mga bruhilda ng makita siya sa salamin. Guilty much?

"Louella!" basag ni Charrie sa katahimikan.

"Uy." simpleng tugon niya.

"Kanina ka pa jan?" tanong ni Lenny.

Duh. Obviously.

"Yeah. Sumakit tiyan ko. Di yata na-digest ng maayos ng tiyan ko yung mga narinig...este, nakain ko kanina." lumapit siya sa sink saka naghugas ng kamay.

"Eto naman. Curious lang naman kami.. kayo ba ng kuya ni Venger?" walang prenong tanong ni Charrie.

"Lately kasi, napapansin namin na lagi kayong nag-uusap." dagdag naman ni Rizza.

"Lagi din naman kaming nag-uusap ni Panot, ah. Bakit di niyo naisip na baka kami?" winisik niya ang kamay niya ng pagkalakas-lakas. Saka tinapik iyon sa palda niya.

"Hay nako. Hindi yan sila. Ang dami kayang magagandang nagkakagusto kay kuya Jayle. Bakit si Louella pa?" confident na sabi ni Lenny.

Buti nalang hindi siya balat-sibuyas. And she can very well hide her emotions. Kilala na rin niya ang mga kaklase niya. Kaya alam niya kung paano i-deal ang mga ito.

"So hindi ako maganda, Lenny?" biro niya dito. Ini-on niya ang hand dryer.

"No. I mean, there's just no connection between you and kuya Jayle." todo explain naman ito nang marealize ang komplikasyon ng sinabi nito.

"I know, right? Sana nasagot ko ang mga katanungan sa isip niyo." she said as to end the conversation. Nang maramdamang tuyo na ang kamay niya, ay sumilip siya sa salamin at inayos ang bangs na nakawala sa headband niya. "O sha, una nako senyo, ghorls." 

Nang makalabas na ng tuluyan sa CR, she rolled her eyes and sigh in relief. Isa sa mga dahilan kung bakit iniwasan niya ang mga ito, ay dahil suffocating ang presence ng mga ito para sa kanya.

Hindi dahil sa galit siya sa mga ito, hindi lang siya kumportableng may alam ang mga ito na isang malaking sekreto niya. Kahit sino naman siguro makakaramdam ng ganoon, lalo na't hindi naman talaga matatawag na kaibigan ang mga ito.


> > > > >


IT'S Louella's first time na tatambay sa bahay ng lalake. Hindi naman kasi matuturing na lalake si Mikel, at mas lalo naman si Panot. Kaya sa totoo lang, kinakabahan siya. Bakit ba siya nandito?

Pagkatapos ng last subject niya, dumerecho siya sa labas ng gate. Sabi sa text ni kuya Jayle, doon daw sila magkikita.

Maya-maya ay may humintong sasakyan sa harap niya. Umatras pa siya ng konti kasi baka may lalabas mula roon o di naman kaya ay papasok sa loob niyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It Started With A TextWhere stories live. Discover now