Chapter 14

10 7 0
                                    

Pag dating ko sa bahay ay mag aalas dos na ng hapon, nakita ko si mommy na nag babasa ng magazine.

"Mommy i have something to tell you" ngumiti ito saka ako pinaupo malapit sakanya.

"What is it?"

"Gusto kopo sana mag dormitory, i know po you wouldn't agree pero i want to be with Vanessa and Zy. Kaya po pang tatluhan ang kukunin namin na dormitory" ngumiti ito saka uminom ng tubig.

"Sure , why not. Akala ko ay tungkol sa boyfriend ang ikwekwento mo" namula ako sa sinabi ni mommy.

"Wala pa po ako non, saka po hindi sa ngayong nag aaral ako"

Tumawa lang siya saka hinaplos ang buhok ko.

"I'm ready to know that you have suitors anak, and your papa also aware if ever you let them court you" tumango lang ako sa pag sang ayon. " Don't worry, I'll tell to your papa about your plan" humalik lang ako sa pisngi niya saka pumasok sa loob ng bahay.

Nahiga ako saka chineck ang phone ko, may reply na pala si Harvey.

Harvey :

Alright. Next time?

Ako:

Sure.

Nag bihis ako ng pang swimming saka bumaba dala ang towel, nakabikini ako. Tumingin sa gawi ko si mommy bago muling nag basa ng magazine, binaba ko ang tuwalya sa upuan saka tumalon sa swimming pool.

Pag ahon ko ay nakangiting si ate alyana ang bumungad sa akin.

"Can i join you? I've heard you want to stay in Amherst College. " Naka bikini na din siya kaya dahan dahan siya umupo bago tumalon sa tubig.

" I just want to stay their kass nakakapagod umuwi palagi, ayoko din abalahin driver natin. " Tumango lang siya saka lumangoy palayo sa akin. Pag dating niya sa dulo ay bumalik ulit siya papunta sa akin.

"Ganyan din sinabi ko noon sakanila, pero di sila pumayag kase boyfriend ko na non si Braynn at nag dodormitory din siya"  natatawa nitong kwento. " Siguro akala pupuslit sa akin" lumangoy ulit ito palayo sa akin. Nang bumalik siya ay ako naman nag tanong.

"Graduate kana this month ate, what do you plan?"

Nag kibit balikat ito bago umahon. Uminom ito ng dalang juice.

"Ayoko mag asikaso ng business ni Papa, siguro mag ibang bansa ako" tumango lang ako saka ako naman lumangoy papalayo sakanya.

Umahon kami ni ata ng mag aala singko na ng hapon, nag hahanda na ng hapunan ng kumuha ako ng tubig. Umakyat ako sa taas para mag shower, nag palit na ako ng patulog. Siguro ay sa isang araw nalang ako dadalaw kila nanay dahil pagod ako sa pag lalakad.

Pag baba ko ay nakita ko si Kuya Braynn, ngumiti ako dito saka umupo. Tahimik akong kumain habang sila ay nag bibiruan, kompleto kami lahat dumagdag pa si kuya bryann na nakiki sabay sa usapan.

Ate alyana at kuya bryann relationship is not that perfect there are times na nag break sila and then nag balikan din. Unlike me ate alyana always entertain her suitors but she never in a relationship before kuya braynn, they're in a relationship for almost 7 years this year.

Pag katapos ko kumain ay balak nila mag dessert, tumanggi nako dahil pagod ako at gusto na matulog. Ganon din si kuya Josh, sumabay ito sa pag akyat sa akin.

" Mag dodormitory ka din daw? " Tumango lang ako sakanya.

"Sige, dadalaw nalang kami ni Jasper." Humalik siya sa noo ko bago pumasok sa kwarto niya. I've never heard about Kuya josh girlfriend or nililigawan. Siguro ay focus din siya sa pag aaral, unlike kuya jasper who likes to party and girls pero he never failed his subject. Pinag sabihan siya nina mommy at papa na never mag papaiyak ng babae dahil baka sa amin tatlo mapunta ang karma, I don't know if kuya jasper take that seriously.

Pag higa ko ay kinuha ko ang cellphone ko, wala text niya. Medyo nalungkot ako pero pinag sa walang bahala konalang, nag toothbrush ako saka humiga na para matulog.

------

Natapos lang ang mag hapon ko ng sobrang bilis, hindi ko namalayan oras dahil inayos ko gamit ko. Isang buwan nalang at pasukan nanamin, siguro ay mag start na si papa sa panibagong itatanim after ng mais. Bukas naman ay pupunta ako kila nanay, iniisip ko kung ano dadalhin kong pag kain. Pero naisip ko na may binigay si Ate Alyana na Pasalubong ni kuya braynn galing manila. Tatlong box ang nasa ref kaya kumuha lang ako ng isang box, magnum ito. Mahilig si nanay at tatay sa ice cream kaya siguradong matutuwa 'yon.

Patapos na ang pag aayos ko ng gamit ng may kumatok sa pintuan, si kuya jasper.

"May sasabihin sana ako" tumango lang ako saka nag patuloy sa ginagawa.

"Nililigawan ko si Zylean" hindi nako nagulat, pero hindi ako sang ayon sakanya. Kilala ko siya, matinik siya sa babae.

"Ayoko kuya" sagot ko dito saka tinitigan. " Mabait si Zy, ayokong masaktan siya" medyo yumuko ito saka tumango.

"Hindi ko naman siya sasaktan, hindi din ikaw mag dedesisyon ng pasya niya" na gets ko ang ibig niyang sabihin pero nag salita ulit siya.

"At hindi totoong playboy ako, wala pa ako nagiging girlfriend bunso. Saka matagal ko na din siya nililigawan" tumango lang ako saka lumapit sakanya.

"Osige if you say so, basta kapag sinaktan mo siya. Hinding hindi kita mapapatawad, kuya kita at mahalaga ka sa akin. But Zy is also important to me" ngumiti siya sa akin saka umalis.

I already know na may something sakanila, bukod sa nakita ko sila sa mall noon ay iba din ang ngiti ni Zy kay Kuya jasper at Harvey. I just really hope Kuya wouldn't hurt her.

----

Nang gumabi ay nag ayos muna ako ng bed bago bumaba, mag papaalam din ako kay papa para bukas.

"Mag dodormitory ka daw?" Tanong sakin ni papa. Lumingon naman si Kuya Jasper sa akin, probably hindi niya pa alam.

"Opo, kasama kopo si Vanessa at Zy. Mahirap po kase umuwi araw araw, saka medyo malayo din ang Amherst College dito sa atin"

" I trust you iha, ang ate alyana mo kase noon ay may boyfriend na kaya hindi ko pinayagan" ngumiti lang ako sakanya saka nag patuloy sa pag kain.

Pag katapos namin kumain ay pumanik nako, nag linis ako ng katawan at nag toothbrush. Tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko ito. Si Harvey.

Harvey :

Free ka tommorow?

Nag reply naman agad ako.

Ako :

Hindi pa din e, pupunta ako kila nanay. Dadalaw.

Ilang minuto lang ay nag reply naman ito agad.

Harvey :

Oh, I'll also be in our farm. Dadaan nalang ako kila Nay Nena.

Ako :

Okay, sige.

Harvey :

See you! Goo night.

Ako :

See you too. Good night.

Ngumiti lang ako habang binababa ang cellphone, I can't believe that I'm already talking to someone that isn't my friend nor suitors. Nakatulog ako kakaisip kung bakit niya kinuha ang number ko at gusto makipag kita.

It Started On Summer(On-Going)Where stories live. Discover now