"Iscalade, magtago ka muna!" Gio hissed. Pumipiglas naman si Iscalade sa hawak ni Gio sa kan'ya.

"Hoy! Ano ba!" Iscalade whined as he kept on moving around to be released by Gio. Para silang nagyayakapan sa daan.

"Mahirap na! Wala pa siyang crush sa STEM! Magtago ka muna! Hindi pa nga siya tapos sa HUMSS e! Ako muna, pwede? ABM naman?"

I gawked at them in shock. Namula agad ako dahil alam ko naman na ako ang pinariringgan ni Gio. Hindi naman lahat ng strand ay may magiging crush ako 'no! Wala pa nga sa STEM pero wala naman akong balak!

Iscalade pushed him in a joking manner. "Bitaw na! Sino ba kasi 'yan?"

I gulped and decided to hide myself from their sight. Ayoko kasi talaga na nalalaman ng iba 'yong sinasabi ni Gio na crush n'ya ako. It was far fetched and almost impossible to happen for someone like Gio to like me.

I know I'll be judged and condemned immediately. It was the norm anyway. Kapag may pangit na girlfriend o boyfriend ang isang taong nabiyayaan ng magandang mukha — the backhanded compliments and the insults will follow. As if liking someone not because of their physical appearance is a bolt of the blue.

Nataranta ako kaya nagpaalam ako sa PE teacher namin na gusto ko sana pumunta ng comfort room. I want to avoid pulling more attention.

"Bilisan mo lang, malapit na ang sunod n'yong period."

I nodded and replied. "Yes, Sir."

Agad akong nagmadali papunta sa malapit na comfort room. Ilang lakad lang naman ito mula sa mismong field ng school.

Nadaanan ko ang registrar at naalala ko kung paano ko nakilala si Gio. It was a funny memory but it makes me wonder what made him like me. Hindi ako naniniwala na gusto n'ya lang ako. Tatanggalin ko na sa mga posibleng rason ang maganda. So, what made him like me? Kung totoo nga na gusto n'ya ako?

Hindi naman kasi matanggal ang agam-agam sa akin. A part of me will always wonder what makes me different from others? Hindi ko kasi makita. Sa dami ng tao sa mundo, sino ba talaga ang natatangi?

Natigilan ako nang may mapansin akong mga bodyguards na mukhang may hinahanap. Halos halukayin nila ang bawat sulok ng pasilyo dahil sa mga mata nilang mapagmatyag.

I walked faster so I won't be interrogated. Nakarating naman ako sa comfort room at agad din namang natapos ang ginawa ko. Pabalik na sana ako ng field nang may mapansin akong lalaki na may hinahawakang bulaklak sa gilid ng cafeteria. May mga halaman kasi roon.

He wasn't wearing our uniform which was odd. Tahimik lang siya habang hawak ang talulot ng bulaklak. He looked fragile and almost all of his gestures made him looked regal.

"Hindi 'yata pwedeng pumitas d'yan." saway ko sa kan'ya. Ayoko naman na baka habulin pa siya ng hardinero namin sa school.

His fingers stopped pressing the petals of the flower. Agad niya akong sinipat ng isang tingin. I froze when I saw his eyes.

It was in the color of ash. Dark grey. His moon grey eyes made my lips pulled apart from each other. Hindi pa nakatulong na mukha siyang. . .

Wow.

I never knew someone can be both pretty and handsome at the same time. Akala ko noon mga kpop idols lang ang mga gano'n. Never have I thought that this guy exists.

"Pardon?" he smiled at me. Medyo kumalma naman ako at naghanap agad ng maisasagot.

"B-bawal pumitas ng bulaklak diyan."

"There's no signage." He shrugged off, lacking of care.

"Pero bilin kasi sa amin 'yon. Kaya bawal talaga pumitas."

Embrace Your Assets | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon