Nahihiya akong ngumiti sa camera at magpose katulad ng sa kanila.

Mabuti na lang at natapos din iyon kaagad. Lumapit na din ang iba sa amin at tumulong sa pag bitbit ng mga gamit.

Nakakatuwa lang pagmasdan na hindi nila hinayaan na magbuhat ng kahit anong mabigat kaming mga babae.

Isang Villa ang kinuha nila. Mayroon yung dalawang malaking kwarto , Isa para sa aming mga babae at Isa sa mga lalake. Dalawang araw kasi kami doon.

Pumasok muna kami sa mga kwarto namin para mag ayos ng gamit, nahihiya pa ako dahil sa totoo ay hindi naman kami close.

"Is it ok if you share the same bed with Avril?" tanong ni Aryana sa akin.

Tumingin ako kay Avril para tingnan kung ayos lang sa kaniya iyon, pero tulog na siya. Ganoon siya kabilis makatulog?

"I'm sure it's super ok with her" nakangiting sabi naman ni Michelle.

Ngayon lang ata sila nakaramdam ng pagod kaya naman nagpaalam muna silang iidlip. Habang ako naman ay umupo muna sa veranda ng kwarto na ito. Pinagmasdan ko ang dagat na tanaw na tanaw mula sa pwesto ko.

Payapa. Tahimik. Pumikit ako para damhin ang sariwang hangin galing dito. Napakasarap at banayad sa pakiramdam.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako doon. Nagising lang ako ng marinig ang boses ni Avril.

"Hey, wake up!" nakita ko siyang nakatayo sa harapan ko, magkakrus pa ang kaniyang mga kamay. "Why are you sleeping here? Don't you want to share the same bed with me?" masungit na sabi niya.

"Ah nakatulog lang ako" sumenyas siya sa akin na sumunod ako sa kaniya na agad ko naman ginawa. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang kamay, nakakahiya baka may muta o tuyong laway pa ako.

Pagpasok namin ay nadatnan kong kalalabas lang ni Aryana sa Cr suot ang kaniyang yellow one peace bikini, napakaganda niya at sobrang sexy, bagay na bagay sa kaniya ang kulay dahil sobrang maputi siya.

Dumiretso naman kaagad doon si Avril para siguro magbihis din.

Napatingin ako kay Michelle na nakabihis na din pala, nagsusuklay siya ng sobrang mahaba niyang buhok. Napakaganda niyang tignan suot ang kulay itim na two piece.

Hindi ko alam na nagsusuot pala sila ng ganito lalo na si Aryana. Akala ko ay hindi sila komportable sa ganitong uri ng kasuotan.

Halos malaglag ang panga ko ng lumabas si Avril sa Cr. Bakit hindi na lang siya magmodel? Napakaganda niya. Ang intimidating niyang tignan sa suot niyang pulang two piece bikini, mas daring iyon kumpara sa dalawa. Hindi naman maitatanggi na bagay iyon sa kaniya.

"Ikaw na!" tumango ako kay Avril at dumiretso sa CR bitbit ang damit ko. Isang sando at shorts iyon. Wala naman akong bikini at lalong wala akong balak magsuot non.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Maayos naman iyon kaya lumabas na ako.

"What the hell?" kunot noong singhal sa akin ni Avril.

"Bakit? Bawal ba itong suot ko?" tanong ko sa kanila. Pare parehong nakaawang ang labi nila.

"But Mei, you're on a beach" mahinahong paliwanag ni Aryana

"Here! Wear this. Hindi ko pa nagagamit iyan." May iniabot sa akin si Mich na pouch.

Mukhang bikini iyon. Nag aalangan ako kung tatanggapin ko ba o hindi, pero marahan niya na akong itinulak sa Cr at ibinigay sa akin ang bikini.

Napilitan akong isuot iyon. Maganda iyon at bagay sa Morena kong kulay, isa iyong white one piece bikini. Medyo conservative ang dating nun, kumpara sa kanila.

"Mei, aren't you done yet?" tanong ni Aryana mula sa labas.

Huminga ako ng malalim bago lumabas. Nakita kong natigilan sila, at nakatulala lang sa akin.

"Ah. Sabi ko naman sa inyo hindi sa akin bagay ang ganitong mga damit"

"No. It suits you well" unti unti ay ngumiti silang lahat.

"Bagay na bagay" si Mich habang pumapalakpak pa.

Nahihiya ako dahil hindi ko alam kung totoo ba iyon o sinasabi lang nila para iboost ang confidence ko.

Tumingin ako kay Avril, nakita kong nakangisi siya sa akin.

"That bastard will surely fall for you", napangiti ako, hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil, hindi niya ako nilait. Alam ko kasing hindi siya mag iisat dalwa na sabihin ang totoo kung hindi iyon bagay sa akin.

"A-ahh. Salamat" ngumiti ako sa kanila.

Halos mapatalon ako sa gulat ng may kumatok at bumukas ang pinto.

"Putangina" bulong ni Uno sa sarili niya pero narinig namin. Dali dali siyang lumabas nang makita ako.

Natawa kami pare pareho. Nagsuot muna sila ng cover up bago kami lumabas, inabutan din ako ni Avril ng cover at isinuot ko iyon. Mas komportable na ako ngayon.

~💙

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now