"May kilala ka bang Ivana Lauresse Ambrosia?" Napatigil sya sa paglalakad pero nanatiling hindi lumilingon.


"wala." Tuluyan na syang pumasok sa sariling silid pero ako ay nanatili pa ring nakatingin kung saan sya naka tayo kanina.


Siguro kailangan ko ng kalimutan ang mga napapanaginipan ko para hindi na ako malito sa mga bagay- bagay.

**************

"Ivana. Please comeback, our race needs you." Saad ng isang boses na hindi ko alam kung saan nagmumula.


"Who are you?"tanong ko dito habang hinahanap ang boses. Masyadong maliwanag ang paligid pero napansin ko pa rin ang isang puno na may puting mga dahon at bulaklak.


"You don't have much time Ivana, you should come back as soon as possible."muling saad nito. Isa lang ang pinanggagalingan ng boses na iyon. Sa puno! Agad akong tumakbo doon at hinanap ang nagsasalita ngunit tanging kalapati lamang ang Nakita ko meron itong nagiisang gintong balahibo sa tuktok ng ulo.


"Nasaan ka magpakita ka sa akin!" sigaw ko dahil hindi ko sya makita.


"Hanggang sa muli Ivana. Mahal na mahal kita anak ko." Kasabay nito ay ang paglipad ng ibon palayo.


Agad akong napabangon dahil sa panaginip na iyon.Sino ka? Napakapa ako sa aking pisngi at hindi ko napansing luha iyon na patuloy na namamalisbis sa aking pisngi.


"Hanggang sa muli Ivana. Mahal na mahal kita anak ko."


Tuluyan na nga akong napahagulhol ng maalala ang huling kataga ng boses na iyon sa panaginip. Hindi ko napansin na muli akong nakatulog dahil na rin siguro sa pag-iyak.


"Good Morning." Bati sa akin ni Levi na kalalabas pa lang ng kanyang kwarto. Tinanguan ko lamang sya at muli ng bumalik sa paghahanda ng almusal.


Dumeretso sya sa mesa at saka umupo habang ako naman ay patuloy na naghahain ng mga niluto ko kanina.


"Ngayon lang tayo nag kasabay na kumain diba?" tanong ko dito dahil masyadong tahimik at awkward na rin.


"Don't worry palagi mo na akong makakasalo tuwing kakain ka." Saad nya na nakapagpatigil sa akin sa pag-upo.


"Anong ibig-mong sabihin?" tanong ko dito.


"I'll be in your care so you should take care of me like I'm a part of your life." Kaswal lang na saad nito.


Tinanguan ko lamang sya at nagsimula ng kumain. Naging tahimik ang unang almusal namin pati na rin ang tanghalian. Palagi rin syang nakasunod sa akin dito sa loob ng dorm pwera na lang kung kailangan ko magbanyo.


"Bakit ba sunod ka ng sunod sa akin. Para ka namang aso nyan eh." Pagrereklamo ko dahil kanina pa ako naiirita.


"Hindi mo ba talaga ako kilala Ivana?" tanong nito na may malungkot na mukha.


"Ayan ka nanaman. Kanina ka pa tanong ng tanong." Napasigaw na ako ng tuluyan dahil sa kanya. Tila nasaktan naman sya sa pagsigaw ko kaya naman napalayo sya sa akin ng kaunti. Unti-unting bumalik ang kanyang walang emosyong mukha. Tinitigan nya pa ako ng ilang minuto bago tuluyang tumalikod at pumasok sa sarilig silid.


Naguilty naman agad ko dahil sa ipinakita nyang reaksyon sa akin. Napasobra ata ang pagsigaw ko. Napabuntong-hininga na lamang ako at napagpasyahang mamaya nalamang ako hihingi ng tawad sa kanya dahil sa pagsigaw ko. Kailangan kong makausap si Auntie tungkol sa mga napapanaginipan ko. Baka sakaling may alam sya.


"Auntie matagal nyo na po ba akong kilala?" tanong ko dito. Nandito kami ngayon sa Mystical Garden, kung tawagin nila, dito sa loob ng paaralan.


"Bakit mo tinatanong Grace?" ani nito. Pinagmasdan ko na muna ang magagandang pulang rosas sa aming harapan bago sumagot.


"Lately kasi, palagi kong napapanaginipan ang isang batang nagngangalang Ivana Lauresse Ambrosia. Tapos kagabi sa panaginip ko dinalaw ako ng isang puting kalapati na may gintong balahibo sa tuktok ng ulo." Natigilan sya sa sinabi ko pero kalaunan ay ngumiti rin.


"Anong sinabi nya sa iyo. Grace?" Liningon ko ang nag-iisang puno dito sa Garden at Inalala ang sinabi nya.


"Ivana. Please comeback, our race needs you." Panggagaya ko sa sinabi ng boses sa panaginip ko.


"Iyon ang mga katagang paulit-ulit nyang sinabi sa akin at bago ako tuluyang magising ay tinawag nya akong anak." Saad ko at tila may kumurot sa puso ko nga maalala ang mga salita nya.


"Patawad Ivana, ngunit hindi kita matutulungan sa bagay na iyan. Hindi ako ang nakatakdang tumulong sa iyo." Malumanay na sabi nito.


"Balang araw ay makakalaya ka sa hawlang ikaw mismo ang gumawa. Alalahanin mo lang kung papaano. Matutulungan ka ng mga alaala mo ngunit hindi ito ang magpapalaya sa sariling lahi. Ikaw lamang Ivana, Ikaw." Unti-unting lumiwanag ang paligid ni Auntie, kasabay ng Pagliwanag ng Kanyang mga mata ay ang paunti-unti nyang pagsabay sa hangin.


Napatulala ako sa lugar kung saan ko sya huling Nakita. Anong nangyari?" Sino ka ba talaga Auntie Helena?

The Last Pure bloodWhere stories live. Discover now