☪️HOW IT WORKS☪️

163 20 38
                                    

President's Note: Mahaba-habang chikahan ito pero sana ay basahin mo parin para alam mo kung paano ang pangyayari sa club natin, okie? So, let's start:

📍Ang task ay magtatagal lamang ng isang linggo. Kapag hindi mo natapos ang task sa isang linggo na ibinigay ay bibigyan kita ng panibagong linggo upang tapusin iyon, subalit hindi ka muna maaaring mag fill up ng form para sa susunod na task (para lang iyon sa mga responsable na nakatapos ng kanilang task sa tamang oras)

Unfair?

Nah, hindi ako unfair kaya naman may ilalagay akong ADDITIONAL TASK at doon ka maaaring sumali.

Example of Additional Task:

•Follow si Shunga at ifafollow kita sa tatlong account ko, na may kasama pang 5 votes sa isang story mo (dalawang story kung dalawang account mo ang ginamit na pang follow sakanila)

•Vote 5 parts ng Title ni Shunga papalitan ko ng 10 votes mula sa dalawang account ko.

•15 Comment sa limang chapter ng Story ni Shunga papalitan ko ng 30 comments sa isang account (hindi pwedeng gumamit pa ako ng dalawang account para mag-comment sakit sa ulo ang pag-uulit sa pagbabasa, kastress 'yun)

📍Kung hindi mo nagawa sa second week ang task mo ay hindi ka parin pwedeng sumali sa ikatlong task. Mangangamote ka diyan kaya galaw-galaw din pag may time. Pero kapag ikaapat na week na at nilulumot ka parin sa task mo, lista ka na agad sa IRRESPONSIBLE MEMBER at BANNED ka na sa kyoot kong book club:>.

📍Lagi ko naman kayong papaalalahan dahil ayoko ring may matanggal na miyembro sa book club na 'to🤧

📍Paano kung hindi nagawa ng kagrupo mo ang task at sinipa ko na siya papuntang Mars? 'Wag kang mag-alala dahil papalitan ko iyon, yah ako mismo, habang ang sinipa ko naman sa Mars ay maghintay nalang sa karma niya (mabaog sana:>)

📍Magbibigay din ako ng Bonus sa grupo, pair, at tatlong (3) miyembro na naunang nakatapos ng kanilang task.

Paano kung ikaw ang pinakaunang nakatapos ng task pero late na ang kagrupo/pair mo? Syempre kasali ka sa miyembrong bibigyan ng bonus:>

NOTE: Per week ang pamimigay ko ng Bonus kaya naman kapag isa ka sa nadmed ko ay congratulations🎉🎉

📍Kung kinakailangang gumawa ako ng third, fourth, fifth.... one hundred na account ay gagawin ko para matupad ang mga pangako kong votes at para siguradong may lilipatan ako kung sakaling marereach ko ang vote limitations. Pero kung sakali mang may nakalimutan o nalampasan akong bigyan ng points sa pagiging bait bata niya ay pakisabihan ako:<

📍Kapag closed na ang form ay closed na talaga, walang VIP dito kahit na kami mismo ni Miss R.M na tagapangasiwa rito. Syempre kasali kaming dalawa at magfifill up din kami ng form, kahit na medyo kastress ang magpalipat-lipat ng account>__<

📍Matutong mag-comment sa tamang lugar. Kapag may nakita kang...

Comment inline=>

Syempre diyan ang tamang lugar na sinasabi ko, malay mo ay mag-comment rin ang tamang tao para sayo😳

📍Kung ayaw mo na sa book club namin ni Miss R.M🤧 pakisabihan lang ako para madramahan kita:< Sa mga magha-hiatus naman ay sabihan din ako para hindi magulo at please, 'wag mag fill up ng form kung alam mong hindi mo na siya maisisiksik sa sched mo. Pwede kang maghiatus ng isang taon at pagbalik mo ay kasali ka parin rito, basta nagpaalam ka at basta buhay pa ako:>

📍Kung magpapalit ng username ay pakisabihan agad ako, ayokong humahagilap ng multo dahil baka makasalubong ko 'yung nangghost sa'yo

📍Kapag nasa kalagitnaan ng task at hindi namin mahanap ang story na inilapag mo dahil in-unpublish mo pala... bahala ka diyan, sayang 'yung form na finill up-an mo.

📍ISUMBONG SA AMIN NI MISS R.M ANG LAHAT NG REKLAMO, 'WAG TAYONG UMABOT SA PUNTONG NAKIKIPAGTALO SA HARAPAN NI TULFO O DI KAYA'Y MAKAUSAP NI MARENG JESSICA SOHO.

Ayun lamang (wow lamang pero sobrang haba🤦).

May tanong?
Comment inline=>

May suggestions?
Comment inline=>

Naintindihan mo ba?
Comment inline=>

So ayown, magdadagdag ako kung may suggestions kayo o may gusto kayong palitan.

Hanggang dito na lamang muna.

Lubos na gumagalang ang inyong siraulong Pres,
Ittal💕

THE NIGHT BOOK CLUB ||CLOSED||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon