Pasasalamat + Trivia(???)

100 7 3
                                    

Kumusta kayo? Sa wakas ay natapos niyo itong walang kabuluhang fan fiction na napag-trip-an ko 'tong gawin noong nakaraang taon. Nagsulputan 'yung mga ViVicos dahil sa NBI-related issue ata sa pagkakatanda ko. At dahil malawak ang imahinasyon ng ateng neyo, nagawa ko ang "Sa Tuwing Umuulan."

TRIVIA TIME! (shala kala mo naman talaga,,)

1. Naisip ko na kaya "Sa Tuwing Umuulan" 'yung title nito nung pumunta si Mayor sa school no'n (sa San Joaquin-Kalawaan High School kung saan nagta-trabaho ang ating Amihan at doon ako nag-aral HAHA) e umuulan, 'di naman grabe 'yung ulan, sakto lang HAHAHAHA.

2. Dapat talaga pre-covid to June of 2020 'yung setting ng kwento na to , 'di ko lang alam sa'n ko napulot na magkakaroon ng pasko,, sheez.

3. MARAMING TIMELINE INACCURACIES, shet na malagket. 'Yung araw na pumunta si Amihan sa Bahay na Tisa, bandang February 2020 yun nangyari in real life. At dahil lutang ang nagsulat, napunta tuloy sa 2019. p.s November 2019-February 2020 yung span ng kwento.

4. Teacher 'yung napili kong occupation ni Amihan, katulad nung sinabi kosa no. 1 ay sa school sila unang nagkita. Tutal sa school ang unang scene, bakit di na rin nating gawin teacher si Amihan, di ba?

5. 'Yung mga teachers na nabanggit, maliban kina ma'am Luzviminda, Jerome at Kate ay totoo, hehe. Mga naging teachers ko sila dati.

Dagdagan ko na lang kapag may naalala ako, hehe.

LUBOS AKONG NAGPAPASALAMAT sa mga nakaabot sa dulo! Lalong-lalo na kina ate/mama JoanaJoaquin  na pinush talaga ang pagbabasa, marami siyang comments sa mga naunang chapter, aliw na aliw siya eh, haha!

Kina snoorlaax  at anrei_ella na laging naka-vote sa mga updates ko kahit sobrang bagal, lob chu mga mahal.

Kay stewberiri na ginawang inspirasyon ang kwento'ng ito para sa isinusulat niya (tuloy mo na yan, yiee)

At panghuli, para sa'yo na nagbasa nito silently. Nawa'y nagustuhan niyo ng naiusalt ko!

Chikahan tayo sa comment section!

Sa Tuwing UmuulanWhere stories live. Discover now