• • • • • • • • • •

"Edi ba lima kami dun sa grupo?" pagkukwento ko. "Tapos sabi ni Ma'am, maglista daw kami ng sampong physicists. Eh ako lang 'yung may libro."

"Lima kayo tas ikaw lang may libro?" nakakunot noong tanong ni Asher.

"Oo," ngumuso ako. "Minalas nga ako ng grupo na napuntahan. Buti pa sila Ethel sama sama sila nila Tris."

"Oh tapos? Ano nangyari?"

"Ayun na nga, ako lang may libro." Pagpatuloy ko sa kwento, "Tapos etong si Sharmaine, sinabi na ako na daw maghanap tas magsulat. Mangongopya nalang sila sakin, edi nabadtrip ako. Ano 'yun? Ako na nga willing magshare ng libro, ako pa gagawa ng lahat? Wala na silang gagawin? Kokopya nalang? Bwisit na 'yun."

"Tapos?"

"Ayun, ako parin nagsulat tas pinakopya ko 'yung tatlo. Si Sharmaine lang hindi."

Ngumiti si Asher at pinigilan ang kanyang tawa. Tapos tinaas niya 'yung kamay niya at mahinang tinampal ako sa noo. "Maldita ka talaga."

Umirap ako pero may ngiti din ako sa labi, "Mahal mo naman e."

Dumiretso ng upo si Asher at nag inat, "Syempre ah," aniya bago humikab. Naramdaman kong tumalbog 'yung puso ko. Shet, ba't ako kinikilig? "Hindi pa ba magt-time?" tanong niya bigla.

Iniwas ko ang tingin ko sakanya at inilipat nalang 'to doon sa wrist watch ko, "Uh.. 5 minutes to 10."

"Bumalik ka na dun sa classroom niyo, mal-late ka nanaman," aniya. "Sige na."

"Tinataboy mo na ako ngayon?"

"Hindi ah," hinaplos niya 'yung braso ko. "Concerned lang ako sa'yo bebe labs."

Hindi ko naiwasan ang pagtawa ng malakas dahil sa sinabi niya. Pabirong hinampas ko siya sa braso, "Kilabutan ka nga!"

Ngumuso siya, "Eto naman ang sungit sungit sakin. Nalalambing lang kita babe."

"Babe mo mukha mo," tinanggal ko 'yung kamay niya sakin at tumayo na. "Kadere."

"Kadiri daw pero kinikilig," aniya at napasigaw ako nung hapitin niya ako sa baywang at ikinandong sa hita niya.

"Asher bitaw!"

"Ayoko," binalot niya 'yung dalawang braso niya sa bewang ko. "Sabihin mo munang love mo ako."

"Ano ba!" pinalo palo ko 'yung kamay niya. "Para kang baliw!"

"Baliw na baliw ako sa'yo!"

"Bitaw na!" natatawang sigaw ko sakanya. Ano ba, ba't natutuwa pa ako sa kalandian ng lokong 'to?

"Mag happy time muna tayo."

"Putaragis, Asher! Pakinginashit ka!"

"I love you too, Adrianna."

"Bitawan mo na ako!"

"Sabihin mo munang love mo ko."

"Ayoko nga!"

Itinalbog niya ako sa hita niya at hinigpitan 'yung hawak niya sakin. "De, sige dito ka lang."

"Asheeeeeer"

"Say you love me."

"Ayoko nga e!"

"Bahala ka."

Kumuba ako, "Please?"

"No."

"I love you."

"I love you, Asher." Aniya gamit ang boses ng isang constipated na babae.

Pinigilan ko ang pag ngisi at umirap na lamang. Nakaramdam ako ng kaba pero itinuloy ko parin, "I love you, Asher."

"Shet!" Bigla niya na lamang akong itinulak paalis sa kandungan niya. "Sabi na nga ba may lihim kang pagtingin sakin, Adrianna!"

"Che!" Sinapok ko siya sa ulo at tumalikod na para maglakad palabas ng classroom nila.

"Behave ha! Papakasalan pa kita!" Sigaw niya.

Lumingon ako nung nasa may pintuan na ako, "Pakyu!"

"Tangina! Kinikilig tumbong ko! Woo!"

"Gago!"

Isang malakas na tawa lang ang isinagot niya sakin kaya naman napa iling na lamang ako habang may naglalarong ngisi sa aking labi.

"Anong nginingiti ngiti mo jan?" agad na tanong ni Kei nung nakabalik na ako sa upuan ko.

"Wala, si Asher kasi ang kulit." sagot ko sakanya.

"Ano? Totoo ba 'yung hinala nila Ethel?"

Ngumuso ako at umiling iling, "Hindi noh."

"Pano mo naman nasabi?"

"May ibang gusto 'yun si Asher," sabi ko sakanya. Hindi ko pinansin 'yung kurot na naramdaman ko sa puso ko. "Sinabi niya sakin kahapon."

"Sino daw?"

Nagkibit balikat ako, "Hindi niya exactly sinabi. Pero sure akong hindi ako 'yun."

"Huy," biglang lumitaw si Tris sa gilid ko. Naka squat siya at parang pinlano niyang gulatin ako pero tinamad na. "Anong pinag uusapan niyo?"

Nakita ko si Sir Mariano sa may pintuan at agad na tinapik si Tris. "Wala," sabi ko sakanya. "Bumalik ka na dun. Anjan na si Sir."

"Ba 'yan," reklamo niya habang nag d-duck walk paalis. "Di pa naman bellー" Kring! "Che!"

• • • • • • • • • •

"Ayaw niyo mag chooks-to-go nalang?" tanong ni Ethel.

"Ayoko na maglakaaaad," reklamo ko. "Ang init init."

"Wala pa tayong 15 minutes sa labas Adrian," sabi ni Tris sakin. "Manahimik ka jan kung ayaw mo matadyakan."

"Mag Mang Inasal nalang tayo sa SM," pag suggest ni Kei nung tumatawid na kami ng kalsada.

"Pwede din," sagot ko. "Tara dun nalang tayo, malamig."

Lumiko kami papunta sa isa pang pedestrian bago tumawid. Madami ng studyante ang papasok din ng SM tulad namin, maswerte talaga kami at sa centro ng syudad ang school namin. Malapit sa lahat.

"Teka, daan muna tayong Nationalー" agad na naming hinawakan sa braso si Kei at inilayo siya sa bookstore, dahil kung 'di namin siya pipigilan ay panigurado mauubos nanaman ang oras namin. "Huy! Saglit lang naman e."

"Ayan din sabi mo dati, ano nangyari satin?" pag sermon ko sakanya. "Nagutom tayo."

"Kain muna bago libro," sabi naman ni Ethel.

"Kung 'di lang kita kilala, iisipin ko libro ang dahilan ng pagkataba mo." walang prenong sabi naman ni Beatrice kaya napa pout si Kei.

"Hindi ako mataba, chubby lang."

"Mataba ka," pagpilit ni Tris. "But who cares? Ano naman ngayon? Maganda ka naman. 'Wag mo ikahiyang sabihin na mataba ka. Pa chubby chubby pang nalalaman."

"Ang hard," mahinang sabi ko. Baka mamaya nah-hurt na si Kei sa pagka straight forward niya.

"Totoo naman?" sabi ni Tris sakin habang nakataas ang kilay. "Tangina, ang ganda ganda ni Kei eh! Kahit ata maging obese 'yan maganda parin. Parang ako!" Tinuro niya 'yung sarili niya. "Pango. Pero dyosa."

"Oo na, ako na mataba." Sabi ni Kei habang naka nguso.

"Na maganda." Sabay sabay naming sabi sakanya na nakapag pangiti sakanya.

"Na maganda," pag ulit niya. "Dyosa."

"Etchosera!" Itinulak ni Tris 'yung mukha niya. "Ako lang ang dyosa dito."

"Tris Kamatis."

"Manahimik ka Ethel, ipapakain ko sa'yo medyas ko."


STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now