CHAPTER 05

16 2 0
                                    

KIA's POV

Pangatlong araw na namin dito sa resort na ito at ngayon araw na rin kami mag iisland hopping.

Maaga kaming gumayak at kumain dahil limang iba't ibang isla ang aming pupuntahan at sa isang isla ay napagkasunduan namin na magsnorkeling at sa isa naman ay ang puntahan ang sinasabing hidden cave nila Kenzo na kaunti lamang talaga ang nakakahanap.

Nagsuot lamang ako ng white two piece, denim short at ang aking sunglasses tsaka mga parapernalya sa katawan.

Lumabas na kami ni Jules ng villa para kitain sila Luis sa beach front dahil ayun ang napag usapan. Apat lang kaming mag iisland hopping dahil yung mga pinsan ko ay mamaya pa sila dahil maliliit parin yung iba at kailangan nila ng matandang kasama.

Sila kuya naman ay may ibang agenda kaya hindi sila sumama pati na rin sila Mama. Bago pa ako umalis ng villa ay kita na sa muka ni Anjelo ang pagkalungkot dahil hindi namin siya kasama at mas pinili niya na sa mga pinsan na lang namin dahil bata pa nga siya.

Natanaw na namin sila Luis na may dala mga bag at gamit para sa aming pagiisnorkeling. Si Luis ay naka suot ng kaniyang black swimming trunk na ganun din kay Kenzo at parehas lamang din silang naka white tshirt na magkaiba lang ang desinyo nito.

Pumunta na kami sa kanilang pwesto bitbit din ang aming mga gamit at kaunting chips para naman hindi kami mabagot.

"Good morning Juli" pagbati ni kenzo kay Jules na nang aasar pa at napansin ko na kaagad na parang may namamagitan na sa dalawa pero sinimangutan lang ito ni Jules.

Nginitian ko lang sila at ng tumingin ako kay Luis ay naggoodmorning lang din ito na pabulong na nakangiti kaya ginantihan ko na lang din ito.

Tinawag na kami ng bangkero ng bangka na ang pangalan daw ay Kuya Junel kaya sumakay na kami at inayos ang aming pwesto. Bago pala kami umalis ay chineck muna namin ang aming mga kailangan para maging maayos na rin ang daloy nito at pinagsuot kami ng life vest para safe sa aming pagdaong papunta sa ibat ibang isla.

Ang unang pinuntahan namin ay ang Isla Verde makikita mo dito ang puting pinong buhangin at sa unahan nito ay may madaming puno at dalawang bahay lamang. Sabi rin ng aming bangkero na 30 minutes lamang kami dito dahil may apat na isla pa kaming pupuntahan.

Nagsimula na kaming lumangoy ni Jules at yung dalawa ay kung may ano pang pinag uusapan kaya hinayaan na lang namin sila pero makalipas ang ilang minuto ay kasama narin namin ang dalwa.

"How's your sleep?" panimulang sabi ni Luis na nakababad na rin dito sa dagat. "Okay naman, ang aga ko rin nagising dahil siguro sa ka excitedan ko na pumunta ngayon sa iba't ibang isla." sagot ko sa kaniya at nginitian niya na lang din ako.

Ramdam ko rin ang malamig na pakikitungo niya sa amin kaya nagsimula akong magtanong para hindi kami maging awkward. "Luis, okay ka lang ba?"

"Yeah, i had a nightmare last night." kaya pala ganito siya dahil sa kaniyang panaginip kaya sinabi ko na lang sa kaniya na hindi naman magiging totoo at ang panaginip ay kabaligtaran lamang. Naisipan ko na sabuyan siya ng tubig para hindi niya isipin yun at ma enjoy niya ito.

Nagsasabuyan lang kami ng tubig ng marinig namin ang pagtawag ni Kenzo sa amin. "Kumander tama na ang sweet moment niyo at pupunta na raw tayo sa pangalawang isla."

Umahon na kami at inabutan lang din ako ni Luis ng puting towel at binalot ito sa aking sarili. Hindi na ako nagtanggal ng short dahil sa lamig din ng tubig. Bago kami umalis dito ay kumuha muna ako ng litrato ng isla gamit ang aking film camera at ganun din silang tatlo na nagpapicture pa.

May tig sosolo picture din kami at inasar ko pa sila Kenzo at Jules na magpicture ng magkasama at pinilit sila hanggang sa pumayag din ang dalawa. Alam ko na hindi magpapaawat si Kenzo kaya kami naman ang pinicturan niya sa tapat ng dagat at ikinagulat ko ng humawak ang kamay ni Luis sa may balikat ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Sunset That We Shared Where stories live. Discover now