Chapter 21 : Morbuzakh

Magsimula sa umpisa
                                    

Sa pagpasok namin sa kanyang tirahan, bumungad sa amin ang napakagulong gamit, maraming nakakalat na mga bote, mga aklat at marami din siyang iba’t ibang sculpture na nakadisplay sa paligid

Ang nagbigay pansin sa akin ay isang magandang babaeng sculpture na gawa sa kahoy


“Dito pala tinatago ng Amang Hari at Inang Reyna ang Morbuzakh”--Prince Azera

Inilapag ng Morbuzakh ang kanyang hawak na lampara at sa pagkataas niya ng kamay lumipad papunta sa kanya ang isang mahabang tungkod na may batong dilaw sa taas nito “pasensya na at magulo ang bahay ko, meron kasi akong pinagaaralan at hindi ko pa natatapos ngayon---” natapilok siya sa nakatumbang bote “---Argh! Nakakainis!” sinipa niya ito, akala ko tatama ito sa pader pero bigla itong humito at lumutang, nakita kong dahan dahan ibinaba ng Morbuzakh ang bote sa isang lugar, meron siyang ability magpagalaw ng bagay, meron siyang psychokinesis o telekinesis

Humarap siya sa amin “Ano ba kailangan niyo?”


“pumunta po kami dito para sa portal” sabi ni Clyde

Nanlaki ang mata ng Morbuzakh “Wala… wala akong alam sa portal bumalik nalang kayo sa ibang araw o kaya huwag na kayong bumalik” tinataboy kami ng Morbuzakh


“P-pero k-kayo po ang Morbuzakh imposible pong hindi niyo alam ang portal” sabi ni Montblanc

Napahinto ang Morbuzakh, tumalikod siya sa amin na para bang may kinakausap siya “Shut it!! I know! I know!---” tumingin ako sa paligid pero wala talaga siyang kinakausap, nakadrugs ba siya “---alam ko ginagawa ko!” patuloy lang siya sa pagsasalita na parang may kaaway


“Sino ba kinakausap niya?” tanong sa amin ni Sha, nagtinginan kami at nagkibit balikat

Humarap sa amin si Prince Azera “bakit ba tungkol sa portal ang gusto niyong malaman? hindi niyo ba alam na ipinagbabawal gamitin ang portal at saka wala ng portal”

Ou nga pala, hindi pa pala alam ni Prince Azera ang dahilan kung bakit kailangan namin kausapin ang Morbuzakh


“Mali ang iniisip mo na wala ng portal, hanggat may Morbuzakh may portal” paliwanag ni Clyde      


“ok! sabihin na nating ganun nga, pero hindi na ipinahihintulot na gamitin ang portal”


“Alam ko, pinagusapan na namin yan ng Haring Nokama, kaya nga ako ang naging partner mo, Sa missiong hanapin kung nasaan pa ang mga ibang Morbuzakh pati narin ang Hari at Reyna ng Morbuzakh kapalit sa paggamit ng portal”

Yun pala ang mission nila ang mahanap ang angkan ng Morbuzakh


ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon