N

5 0 0
                                    

April 2, 2021

Nag-iintay ako sayo! Nag-iintay ako sa chat mo! Nag-iintay ako sa mga next move mo! Asan ka na ba, Allen Martin? May balak ka pa bamg kausapin ako? May balak ka pa bang kamustahin ako?

Pagkatapos mong magsabi ng 'goodnight' sakin nung March 31, di ka na nagparamdam. Ano yun? Ghosting ba ito? O nagjojoke ka lang nung araw na yun kasi malapit na April fools non baka naman ini-advance sakin.

Grabe ka naman, Allen. Hobby mo na talaga yung pananakit sakin no? Damn! Nagpauto na naman ako sayo. Nahuli mo na naman ako sa patibong mo tapos ganito ka naman. Di mo na naman ako kakausapin, kakausapin mo nalang ulit ako kung kailan lasing o nakainom ka. Tangina! Yung totoo talaga? Mahal mo ba talaga ako?

"May balak ka pa bang mag-seen at magreply?" Chat ko sa kanya nung araw na di na siya nagpaparamdam. Shit. Nasasaktan na ako sa ginagawa mo sakin.

April 3 na pero no response ka pa din. Ako pa rin ba talaga o may iba na? Please tell me the truth, mababaliw na ako sa kakaisip.

"Sorry busy lang." Ang tipid mo naman magreply. Buong araw ako naghintay sa reply mo tapoa ganyan lang. Sorry lang? Busy ka ba talaga o sadyang wala ka ng gana makipag-usap sakin. Gabi mo na ako nireplyan. So, pang nightshift talaga ako? Sakit naman lods.

"Ah. Okay." Walang ganang reply ko sa kanya.

"Bakit?" Bakit? Anong bakit? Bakit mo ko tinatanong ng bakit? Nakalimutan mo yata ako. Wow!

"Wala naman. Di ka kasi nagchachat." Reply ko. Nakakawalang gana ka naman kausap. Bakit parang nagbago yung pakikitungo mo sakin?

"Ah. Busy kasi saka ayaw ko na rin mangulit sa taong di naman interesado." Wow! Totoo? Hindi ako interesado sayo? Totoo talaga? Hindi mo napansin o sadyang hindi mo pinansin? Baka naman nakahanap ka na ng iba bukod sakin? Papansinin ba kita kung hindi ako interesado? Pag aaksayahan ba kita ng oras kung hindi. Wow!

"Ah. Kaya pala. Okay." Reply ko. Ang sakit naman sa puso ng sinabi mo.

Seen? Sineen mo lang yung last chat ko? Di mo ba ako kakamuatahin man lang? Ganyan ba yung nanliligaw sa babaeng guato niya? Sad.

"Pakisabi sakin kung meron ng iba para di na kita ipagpapaalam kay mama. Haha" chat ko ulit sa kanya. Nilagyan ko na lang ng 'haha' sa huli para hindi halatang seryoso ako sa sinabi ko.

"Okay" tipid na reply niya. Yan lang? Okay lang talaga ang isasagot mo sakin? Umasa ako na mahaba ang irereply mo sakin. Okay lang talaga?

Everyday kitang hinihintay, Allen. Hinihintay ko yung mga chat mo, yung pagtawag mo sa video call. Namimiss na kita pero ayaw kong aminin na gusto rin kita. Ayaw kong maging easy to get pagdating sayo kaya hanggat kaya kong tiisin na di aminin sayo yung nararamdaman ko, gagawin ko. Ayaw kong ipakita sayo na marupok ako.

Huling chat natin ay April 3 pa. Ano na, Allen? April 9 na. 6 days mo na akong di kinakausap! Hello? May naghihintay sayo, ako. Tangina. Wala pa tayong label pero nasasaktan na ako sa mga ginagawa mo sakin. Sa mga pinaparamdam mo sakin. Ako pa rin ba?

April 10.

Nagulat nalang ako na tumutunog ang cellphone ko at tunog yun ng messenger ko. Nabuhayan ako ng loob kasi tumawag siya. Sa wakas naalala mo na rin ako.

"Hi" Nakangiting bati niya. Ang ingay ng background. Nag iinom ka na naman? Hays. Here we go again.

"Bakit?" pabebe kong tanong.

"Bakit ka tumawag? Anong meron? Akala ko di mo na ako kilala."  Ulit ko sa tanong ko sa kanya. Mukha kasing di niya narinig yung una kong tanong.

"Wala lang, namiss lang kita. Masama bang mamiss kita?" Nakangiting sabi niya habang hawak ang baso na may alak. Inilayo niya muna ang camera sa mukha niya at ininom yung alak sa basong hawak niya.

"Nag iinom ka naman?" Tanong ko sa kanya kahit na nakita ko na naman na nag-iinuman nga sila.

"Oo. I miss you. Namiss na kita kaya ako tumawag." Hays. Nag iinom ka na naman. May time ka sa pag-iinom pero wala kang time para sakin. Wala kang time para kausapin ako. Wala kang time para sa ating dalawa. Ano ba, Allen. Wake up!

"Lagi ka nalang nag-iinom. Di ka ba natatakot na magkasakit sa ginagawa mo? Sunog atay yan ghorl." Tumawa siya ng malakas at itinapat ang cam sa mukha niya. Papogi ampota.

"Minsan lang naman ito." Masayang sabi niya sabay pakita ng basong may laman ulit na alak. Ininom niya yun sa harap ng cam. Wow! Parang juice lang ah. Nice.

"Gaano kadalas ang minsan?" Tanong ko sa kanya.

"Sometimes" pilosopong sagot niya.

"Sige. Papatayin ko na yung call nag-iinom kami e. Namiss lang kita kaya ako tumawag. I love you." He ended the call. Hays. Nagmamahal ako ng lalaking naaalala lang ako kapag may alak na kasama. Kapag lasing o nakakainom. Namimiss mo pala ako bakit di mo ako tawagan ng madalas? Bakit tuwing may sapi ka lang ng alak nakakaalala. Allen Martin naman! Wag ka naman ganyan. Sarap sana pakinggan ng I love you mo kaso mukhang galing sa alak yung pagkakasabi mo.

------
Thank you. Sana magustuhan niyo. Enjoy. Next update soon.

Nilandi Mo Lang Ako Where stories live. Discover now