L

11 1 0
                                    

"Hi"
"Kumain ka na ba?" 'Yan yung favorite word mo diba? 'Yan yung palaging sinasabi mo sakin sa chat tuwing gabi. Alam mo bang yan yung word na lagi kong inaantay na sabihin mo sa mga chat mo kasi dahil sa sobrang gamit na gamit mo na yan ay naging paborito ko din. First move mo yan lagi e.

Namimiss ko yung mga araw na kinukulit mo ako para lang mareplyan kita. Namimiss ko yung araw na naghihintay ka sa mga reply ko kasi sabi mo "Ano ba yan 1 hour bago makapagreply. Haha" Tapos ako magsosorry nalang ako kasi sinasadya ko talaga na replyan ka ng ganyang oras para naman tigilan mo na ako kasi nahuhulog ako sa mga paganyan-ganyan mo. Wala e, marupok ako.

Napansin ko na tuwing gabi mo lang ako kinakausap. Yung totoo, pang nightshift lang ba ako?! Awit kasi tuwing gabi mo lang ako kinakausap samantalang online ka maghapon. Napaisip tuloy ako na kung talagang seryoso at nanliligaw ka talaga kakausapin mo ko!

Ang lakas mong magsabi na "Mamaya ka na matulog, mag usap muna tayo." Buset! Di ko namalayan na gusto na pala kitang kausap lagi sa ganyang oras. Naiinis ako na lagi kitang inaantay na magsabi ng ganyan! Ang hilig mo magpakilig tapos sa bandang huli mang-iiwan ka nalang! Iwanan ba sa ere?

Kung alam ko lang na ganyan ang gagawin mo sana inunahan na kitang iwanan sa ere para naman na-save ko pa yung lumalalim na feelings ko para sayo! Naiinis ako sayo! Gusto kong sabihin sayo na "Miss na kita" kaso baka bumaliktad ang mundo na ako naman ang tawanan mo. Gawain ko kasi yan sayo noon diba? Naisip ko na baka gawin mo rin yan sakin kaya shut up nalang ako.

                                                                -Erin

Nilandi Mo Lang Ako Where stories live. Discover now