"Manahimik ang hindi siguradong papasa"

"Tama ka Uno, anak talaga to ni satanas"

"Grabe naman kayo-"

"Tumama ka na Eric!" Sabay na sigaw nina Uno, Jace at Avril kay Eric.

"Stop it guys! Meisha is being weirded out" pag aawat sa kanila ni Aryana, habang natatawa naman ang long time  boyfriend nito na si Kian sa tabi niya, maging ito ay pinagsabihan niya.

Tahimik lang naman na nakikitawa si Josh at Mich. Si Kylo ay ganoon pa din, pangitit ngiti lang.

Natapos kong gasolinahan ang mga sasakyan nila, at lahat sila nagpa full tank.

Hindi na din sila nagtagal at nagpaalam na mauuna na sila. Kumindat pa sila kay Uno na nagpaiwan dito, dahil ihahatid niya daw ako. Narinig ko pang kinantyawan siya ng mga kaibigan niya.

"Bakit hindi ka pa umuwi?" tanong ko sa kaniya.

"Ihahatid kita" ngiting ngiti niyang sabi

Madaling natapos ang duty ko kaya naman ihinatid ako ni Uno. Napagdesisyonan pa namin na kumain ng ihaw ihaw sa kanto bago ako umuwi.

"Kumusta exam?" pangungumusta ko sa exam niya, dahil hindi ko alam kung totoo ba yung sinabi ni Avril.

"Hoy! Wag ka maniwala don kay Avril. Nag aral kaya ako"

"Kumusta? Papasa naman ba?" pinaningkitan ko siya ng mata para masigurong magsasabi siya ng totoo.

"May chance naman. hehe" sabi niya sabay subo sa isang buong isaw. "50-50 ang chance"

"50% na bagsak at 50% na papasa?"

"Hindi" uminom muna siya bago ituloy ang sinasabi "50% bagsak at 50% na pasang awa. Hehe"

Natawa ako sa sinabi niya, kahit exam hindi niya magawang seryosohin.

"Puro ka kalokohan"

"Bakit kasi ganon, hindi ako kasing talino ni Kylo  o kaya kahit ni Josh"

Hindi ko alam kung nagseselos ba talaga siya o naghahanap lang ng masisisi.

"Sigurado naman akong may ibang bagay na lamang ka kumpara sa kanila" seryosong sabi ko sa kaniya.

"Ano yun?" Nagpacute pa siya sa harapan ko habang tinatanong iyon.

"Pagiging immature at maingay" kibit balikat kong sagot sa kaniya.

Napaawang ang labi niya at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Siguro ay nag eexpect siya na sasabihin kong 'pagiging gwapo', pero malabo iyon, dahil kung pagtatabihin silang magkakaibigan kahit Sino ay mahihirapan mamili sa kanila.

"Mauna na ako, salamat dito" natatawa kong Sabi sa kaniya at tinaas ang isaw na hawak ko at iniwan siya doon na hanggang ngayon ay nakasimangot pa.

Nang mga sumunod na araw ay naging abala ang mga Grade 12 dahil graduating na sila, busy sila sa pagcomply ng requirements nila. Minsan ay tinutulungan ko si Uno kapag may free time ako katulad ngayon. Nandito kami sa rooftop para tapusin ang isa sa mga portfolio niya.

"Malapit na pala ang Valentine's Day" hindi ko alam kung saan niya hinugot iyon pero napakalayo sa ginagawa namin ngayon ng topic na iyon.

"Grabe. Snobber" hindi ko kasi pinansin ang sinabi niya kanina.

"Tapusin mo na iyan Uno"

"May kadate ka na ba?" tanong niya ulit, napaka kulit talaga. Pero napaisip ako sa tanong niya, kailangan ba talagang may kadate ?

"Required ba yun?" kunot noo kong tanong sa kaniya.

"Hindi naman" kibit balikat na sagot niya.

"Pwes itong portfolio mo required ito, kaya imbis na pag usapan iyon ay tapusin mo na lang yan" saway ko sa kaniya.

"Grabe hanggang dito ba naman mommy?" bulong niya pero hindi iyon nakatakas sa pandinig ko, sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi niya ako siniseryoso.

"Joke lang" nag peace sign pa talaga siya.

Ipinagpatuloy ko ang pagdikit ng designs sa portfolio niya, at hindi na siya pinagtuunan ng pansin.

Napansin kong parang hindi siya kumikibo, kaya naman tiningnan ko siya at naabutan na nakatitig sa akin.

"Hoy! Baka matunaw ako" pinitik ko siya sa noo.

"Ha? Pwede ba kitang idate sa Valentine's?" parehas kaming nagulat sa sinabi niya.

"Baliw ka na talaga" hinampas ko siya ng papel sa balikat at inilagan niya naman iyon.

"Aray! Hahaha" ang hilig niya talaga mang asar.

Huminto ako ng napagod ako kakahampas sa kaniya.

"Bahala ka sa buhay mo Uno!" naiinis na singhal ko sa kaniya.

Tatayo na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko, kaya napatingin ako sa doon.

"I'm sorry na, pero seryoso ako! Pwede ba tayong lumabas sa Valentine's day?" hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya kaya napatulala na lang ako.

Ito ang unang beses na may mag akit sa akin na lumabas, kaya naman hindi ko alam kung paano aakto at kung ano ang isasagot.

"F-friendly date Lang naman" nakanguso niyang sabi habang nasa gilid niya ang tingin.

Napabuntong hininga ako, wala naman sigurong masama hindi ba? Magkaibigan naman kami, at saka isa pa, walang malisya iyon dahil hindi naman namin nagugustuhan ang isat isa.

Tumango lang ako sa kaniya, at agad nanlaki ang mga mata niya.

"Talaga?" Parang hindi pa siya makapaniwala na pumayag ako.

"Oo na. Mapilit ka e"

"Assuming"

Natawa kami pareho dahil doon.

May pagkakataon talaga na hindi ko maintindihan ang sarili ko, katulad ngayon, may parte sa akin na hindi mapakali. Hindi ko alam kung dahil ba pumayag ako ng sapilitan o dahil sinabi niyang friendly date Lang.

~💙

Under A Rest | ☁️Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu