Chapter 5

8 3 0
                                    

Nagising ako ng maaga dahil mag tratraining pa ako mamaya mga 9, yun kasi ang sabi ni ate Mitch kahapon sakin dapat at exactly 9 ay naanduon na ako, buti na lang at maaga akong nagising it was 7 in the morning may 2 oras pa ako para mag ayos, maligo, at kumain.


I yawned and stretched my body before entering the cr, After a couple of minutes lumabas na ako at nag ayos ng muka, I am wearing a white sports bra addidas leggings with matching black addidas jacket pero pag dating sa sapatos ko nag suot ako ng nike air para kumportable akong gumalaw ayoko ng mag addidas dahil halos lahat ng suot ko ay yun ang brand, hiniram ko din yung bag ni kuya pang sport at duon ko nilagay ang extra clothes na pag bibihisan ko mamaya.


Hinatid ako ni kuya Lucas at dumiretso na din sa trabaho, hinanap ko si ate Mitch pero hindi ko siya makita kaya napag desisyunan ko ng dumiretso kung saan kami pumwesto kahapon,may iilang trainees na din dito.


I sat for 15 minutes pero wala parin si ate Mitch. Siya ang nag sabing wag malate tapos siya rin pala lalabag ng utos niya.


"Hey" napalingon ako sa tumawag saakin nakita ko si Isaac at sa likod niya naandoon si Ethan.


"Hi" I greeted back.


Umakto ako na parang may hinahanap kahit may hinahanap naman talaga ako at si ate Mitch yun.


"Mitch isn't coming" napatingin ako kay Ethan "She's in Nueva Ecija to fix some things, she'll be gone for 1 or 2 weeks" walang emosyon niya sinabi ito.


Wtf! Ate Mitch patay ka sakin pag naka uwi ka, hindi man lang nag sabi na aalis ngayon sino na ang magtuturo saakin, uuwi na ba ko? Tanong ko sa sarili ko.


"Wag kang mag alala Andy, may mas magaling na coach kay Mitch irerekomend ko sayo" giit ni Isaac.


Lumingon ako sakanya at ngumiti mas ok na yon kesa mauwi sa wala ang pagtratraining ko "Sure sino yon? Pwede na ba makilala ngayon?" I asked.


"Pwedeng pwede" sagot nito, agad niyang hinila si Ethan sa harap ko at tinulak "Andy, Eathan nga pala substitute ni Mitch sa pagiging coach sayo."


Pinagsingkitan ko ng mata si Isaac, I don't know but there's something I feel when Ethan's around.


"Ha? E diba boss siya dito? I mean boss kayo dito" pag linaw ko.



"Tatangi ka pa ba Ethan na yan oh, ang daming gusto siya ang mag coach sa iba wag mong sabihing aayawan mo?" Pang asar ni Isaac.


I smiled awkwardly kung close ko lang tong si Isaac malamang kanina ko pa ito nabatukan, lumipat ang tingin ko kay Ethan ngunit wala lang itong reaksyon, hindi ba dapat si Ethan ang tanungin niya kung papayag ba siyang maging coach ko.


"Uh, you should ask Ethan first, I mean sir Ethan pala" napakagat ako sa labi ko baka sabihin neto wala akong respeto.


"It's fine" walang ka emoemosyong sagot nito.


"Oh ano ok naman pala kay Ethan, goods na ba?" Tanong ni Isaac kaya tumango ako sakanya.


"Iwan ko muna kayo, start nyo na ang unang araw ng pag iibigan ay este pag tratrainning ni Ethan sayo" bago pa siya batukan ni Ethan agad itong tumakbo papuntang elevator upang makaalis.



Bigla namang tumahimik, so ano na tutunganga na lang kami dito? akala ko ba coach e bakit walang ginagawa, kahit pogi ka naiinis ako sayo.


"Mag iistart ba tayo o bukas na?" Tanong ko.

Huminga ito ng malalim bago ito sumagot "start with stretching first" giit nito at dumuretso sa gitna kung saan may iba ring trainees na kasama ko.


Avenging The Past (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now