004

15 1 0
                                    

dear, ethan
getting to know. ❞



Himala kung tawagin namin ng magtext si Kyle na sabay sabay daw kaming maglunch ngayon. Ayon dito kasama nila yung mga kasamahan nila sa crew nila at gusto daw kaming ipakilala ni Lyn. But being the introverted person that I am, syempre humindi ako. Sabi ni Kyle may mga girls din naman daw sa table pero syempre humindi pa rin ako. I would rather just eat by myself.

But of course, that didn't stop Lyn from forcing me to eat with them. Dahilan niya ay gusto lang din niya makilala yung ibang mga kasama nila doon.

"Jia, thank you sa notes." Nginitian ko si Nicholas habang kinuha mula rito ang notebook ko.

"You're welcome." Tumango ito at nagpaalam ng umalis.

"Crush ka nun." Ani naman ng katabi kong si Lyn na nagsisimula ng magayos ng kanyang sarili. Napairap nalang ako. Lahat nalang ng lalakeng makakausap ko o kakausapin ako palaging "may gusto sa akin".

"Alam mo kung lahat ng lalakeng nakakausap ko may gusto sa akin edi salamat Lord sa biyaya." Napatawa ito at marahan akong binatukan.

"Gaga ka. Hindi ka naman martyr 'no. Tsaka duh obvious naman gusto ka nun. Palagi ka kayang tinititigan nun."

"Mas gaga ka pati yang stereotyping mo. Tinignan lang gusto agad? Ikaw tignan ka ni Jay gusto ka na niya agad?" Inis itong napatingin sa akin at umirap.

"Iba naman kasi si Jay. Si Jay hibang, si Nicholas hindi."





Hindi ko alam kung anong mahika ang ginawa sa akin ni Lyn at napapayag niya akong sumama sa kanya sa canteen. Dapat ay maglalakad na ako papuntang library pero nandito ako ngayon hatak hatak ni Lyn tila wala ng magawa.

Habang papalapit kami sa table kung nasaan sina Kyle ay hindi ko mapigilang kabahan. Ever since I wrote that first letter to Ethan ay hindi na ako mapalagay palagi. Hindi naman sa makikita niya or anything like that, pakiramdam ko kasi feeling close ako sa kanya kahit hindi naman talaga kami ganoon kaclose. Given the fact na it's my first time opening to him like that tapos through letter pa? Sinong gaga ang gagawa nun diba? Hindi ko din alam kung bakit ginawa ko yun. I've been contemplating for days kung itatapon ko ba yung sulat o hindi, and every time I see him in school mas lalo akong naguiguilty. 

So I stopped writing after two days. It's almost a week and I think my next goal is to be close to him, I mean in a more friendlier way. I'll try to see what my other friends see in him, that way hindi ko na kailangan pang maguilty writing him that letter. After that one letter I'll stop. 

Kahit sa malayo ay tanaw ko ang mga ngiti ni Ethan miski na rin ang malalakas na tawa nina Jay. Puno ang table ng mga kasama nila sa dance team at agad kaming nagkatinginan ni Lyn ng makitang kasama si Joe doon na nagkakatuwaan pa sa tabi ni Jay. Napatigil kaming pareho sa paglalakad at nagmadaling tumalikod at umalis.

"Gaga! Bakit nandun siya? This can't be! Dios mio! Kesera sera wherever may be may be!" Agad kaming pumunta sa girls restroom at 'tila parang nawawalang basang sisiw si Lyn sa aking tabi, 'tila hindi mapakali.

Tumunog ang telepono ko mula sa aking bulsa. It's a text from Ethan. 



ethan
12:05 pm

Bakit kayo umalis? Should I tell Kyle
na nagmamadali kayong
tumakbo papuntang restroom?

No! Long story. Kayo nalang muna
maglunch today. Pakisabi kay Kyle.
Sending

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

dear, ethanWhere stories live. Discover now