001

22 2 0
                                    

dear, ethan
ethan lee. ❞




Bumuntong hininga ako when I saw Kyle with his cousin walking towards our table. Nagtatawanan sina Jay and Benj kaya hindi nila namalayan ang pagdating ng dalawa. Hindi nawala ang tingin sa akin ni Ethan habang pumwesto sa tabi ni Kyle na katabi ko. He's a chair away from me pero ramdam ko pa rin ang mga titig niya.

It's irritating me. Simula pa lang ng nakilala ko siya noong January ay hindi ko maintindihan kung bakit naiinis ako sa kanya. He's a good person, wala naman siyang ginagawa sa aking masama. Baka ako lang yun.

"Than, order na tayo hahaba yung pila." Anyaya ni Kyle sa kanya. Agad silang tumayo para pumila at naiwan naman kami sa lamesa.

"Hoy, Jia. Hinay hinay naman sa pagtitig kay Than halatang may inis ka sa tao." Tumawa si Jay habang nakikipagapir pa kay Benj.

"Nako, Jia. Baka mamaya mafall ka niyan." Ani ni Lyn habang busy sa kakaselfie habang nacricringe naman si Jay na katabi niya.

"Hindi naman ako naiinis sa kanya. Titig kasi siya ng titig naaasiwa lang ako." Sabi ko pinaglalaruan ang straw ng juice na iniinom.

"Obvious naman na crush ka niya." Napatingin ako kay Benj na may pagtataka. Is it really that obvious? Sinabi rin sa akin ni Kyle yun the night after we met. But I chose to ignore it dahil knowing Kyle paniguradong nantritrip lang yun.

But I would lie if I said it never crossed my mind. Araw araw siyang nagtetext sa akin kahit may mga panahon na hindi ko naman siya sinasagot. The only time I actually answered to his messages was when I asked kung nasaan si Kyle. Pero mas maraming panahon na hindi ko pinapansin ang mga paramdam niya. His text are very neutral though, hindi makulit at hindi namimilit he just texts me good morning, good night at kumain na daw ba ako kind of texts. But he usually don't start a conversation.

"Besides hindi naman siguro siya manhid to notice na wala akong interest?" Napatingin sa gawi ko si Jay at lumaki ang mata. He "shhed" me sabay turo sa aking likod. Paglingon ko, Ethan was there holding his tray at pumwesto sa upuan na katabi ng upuan ni Kyle. Tahimik itong umupo bago nagsimulang kumain.

He probably heard what I said, kung totoo mang may gusto nga siya sa akin that might've hurt him, unintentionally. Although totoo naman I have no interest. Hindi sa kanya, but being in a relationship in general. Its only been a month since my break up at hanggang ngayon mabigat pa rin ang puso ko everytime I think about it. Kung sasabak ako sa relasyon I want to be sure with my emotions, but for now parang hindi pa ako handang magbukas ng puso para sa iba. Its always been him.

"Than, pahingi bente bilis gusto ko ng iced tea." Kalabit ni Kyle kay Ethan na tila nagmamadaling ubusin ang ramen na kinakain. I'm sure he's just trying to light up the air. Agad naman niyang inabot ang pitaka kay Kyle hindi pa rin inaalis ang tingin sa pagkain niya.

"Bro, dahan dahan naman mabulunan ka niyan." Pagaalala ni Benj habang inabutan ito ng tissue.

Humigop ito ng sabaw bago nagmamadaling tumayo dala dala ang tray. Sinakbit niya ang bag niya sa kanyang kanang braso. "Una na ako."

Hindi mapigilang mapatingin sa akin ang apat kong kaibigan na matalim na ngayon ang titig sa akin.

"Ikaw kasi ang daldal mo." Inirapan ako ni Jay at tinapik tapik ang aking ulo.

"I meant what I said." Pagtatanggol ko sa sarili ko.

"You shouldn't be too harsh on him, Jia. Ethan's nice. Halos dalawang linggo pa lang since the new sem pero nakakaadjust na siya agad. Plus he's Kyle's cousin. Be nice." Ani ni Lyn na hindi pa rin tapos sa pagaayos ng kanyang sarili.

dear, ethanOnde histórias criam vida. Descubra agora