"Hubert, are you sure that you're ready to take a risk for this mission? Tandaan mo, 40% lang ang possibility na makasurvive ka mula sa mga rebelde at 20% sa pagsabog ng bulkan--"
"Commander, I dedicated my life into this. I fear no one, even death." Taas-noo kong sambit kahit na nangangatog na ang aking mga tuhod.
Mas lalong tumindi ang kaba ko nang matanaw ko na mula sa dalampasigan ang papaahon na yate ng mga rebelde mula sa kabilang isla ngunit mas nanaig ang galit at hinagpis sa aking puso kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob.
Sa kabila ng kaba at pangamba ay mayroong galit at desperasiyong makapaghiganti laban sa mga bandido na minsan nang tumapos sa kaligayahan ng mga kababayan ko noong ako'y maliit pa lamang. Now that I serve in the army, mayroon na akong lakas at kakayahan na bumawi at gawin ang aking tungkulin bilang isang mamamayan.
"Lieutenant, pwede naman akong maging sub mo, di ba? Hindi kami papayag na mawalan ng insiprasiyon! Kapag namatay ka, paano na ang puso namin na minsan mo nang nabihag--"
"That's just a piece of cake. There's nothing to worry about. Just put your trust on me and I will do my best. I am still your Lieutenant and I will serve all of you until my last breath." Wika ko bago ako humakbang paurong kasabay ng paghigpit ng hawak sa baril kong nakasama ng isang dekada at mahigit. "Commander, you and the troupes will guard this island while I am activating all the bombs around the enemy's area. Isama niyo ang mga natitira as soon as possible before the volcanic erruption. Walang maiiwan, bata man o matanda. Mahirap o mayaman. Walang mamamatay."
"You amazed me, Hubert." Nakangiting bulalas ni Commander at humakbang papalapit sa akin upang tapikin ang aking balikat. "Bumalik ka ng buhay. May nag-aabang sa'yo na parusa sa pag-uutos sa akin." Pilyong aniya.
"I will." Buo kong sabi at tila ba naging hudyat ang isang malakas na kulog at pagdagundong ng sahig upang magkagulo ang lahat at sinamantala ko ang pagiging abala at balisa nila upang magsimula nang kumilos.
Hindi ko na napigilan pang maluha habang tumatakbo at tinatahak ang buhanginan patungo sa yate ng mga rebelde na napapalibutan ng mga armadong kalalakihan. Pinagmasdan ko ang estraktura ng sasakyang pandagat at nang mapansin ang isang hagdan sa likurang bahagi ng yate ay mabilis akong sumuong sa madilim na karagatan upang doon umatake sa likuran kung saan walang nagbabantay.
Mabagal ang kilos ko upang maiwasan na makagawa ng isang ingay na maaaring tumapos sa akin buhay. Pumwesto ako at sinipat ang distansiya ng sasakyan mula sa akin at ibinaba ko ang armas ko na nakaangat sa ere upang hindi mabasa. Inasinta ko ang distansiya ng sasakyan at ang pwesto ng nakatanim na bomba na aking papaputukan ngayon.
"Mayroong mga militar na nakapalibot sa isla. Nagkakagulo na rin ang mga tao. Ilang minuto nalang at sasabog na ang bulkan kaya bilisan niyo ang pagkuha sa mga kayamanan at sa mga armas nila nang makaalis na tayo!" Rinig kong sigaw ng pinaka pinuno nila na mayroong binoculars na nakasabit sa kaniyang leeg. Nasa upper deck siya kung saan may maliit na balkonahe.
Kasabay ng pagngisi ko ay ang isang malakas na pag-ihip ng hangin na siyang nagdala ng kilabot sa balat ko, isama mo pa ang malamig na tubig na bumabalot sa katawan ko.
Hindi na ako nagsayang pa ng oras at dali-dali kong pinaputukan ang bomba na nasa ilalim ng yate na nakagawa ng isang malakas na pagsabog. Nagimbal ang lahat ng mga nagbabantay. Mariin akong napapikit nang isang alon ang tumulak sa akin papalayo sa dalampasigan dahil sa impact ng pagsabog.
"May tao!" Rinig kong sigaw ng isang rebelde na siyang nakapagpaligalig sa akin.
"Shuta!" Hindi ko na naiwasan pang mapamura nang mabitawan ko ang armas ko at inanod na kaagad ng alon kasabay ng malalakas na putok ng baril. Dahil sa kaubusan ng pag-asa ay mabilis ko na lamang na inilubog ang sarili sa tubig upang sumisid at lumangoy papunta sa dalampasigan.
Doon ko lang naalala ang mga sinabi ni Commander na kung saan maliit lamang ang pag-asa kong makaligtas. Nag-iisa lamang ako habang abala sila sa pagliligtas ng mga nakatira sa islang ito. Kahit sa ganoon, kailangan kong magkaroon ng pag-asa dahil mayroon akong pamilya na naghihintay sa pagbabalik ko.
Para akong pinulikat nang maramdaman kong natamaan ako sa binti kaya naman natangay ako ng alon pabalik sa malalim na parte ng dagat. Humahalo na ang luha ko sa tubig alat at unti-unti na akong nahihirapan na huminga kaya tumigil ako sa paglangoy at hinayaan na lumutang ang sarili upang makakuha ng hangin.
"Patayin niyo!"
"Paputukan niyo! Dali! Sasabog na ang bulkan!"
Habang kumukuha ako ng hangin ay hindi nakatakas sa paningin ko nag unti unting paglitaw ng kumukulong putik na halos magkulay kahel at dilaw. Mayroon ding makapal na usok na siyang bumalot sa buong lugar dahil ang isla ay nasa paanan ng isang bulkan na siyang sasabog na.
Wala na akong pag-asa kaya naman wala na akong ibang nagawa kundi ang ngumisi at lumangoy patungo sa yate. Umakyat ako hanggang sa makatungtong ako sa itaas at bumungad sa mukha ko ang pares ng putikang sapatos.
Unti-unti akong napatingala habang nakadapa pa rin at hinihingal. Nakita ko ang pinuno nila na naninigarilyo sa harapan ko habang may nakakapangilabot na ngisi sa mukha.
"Isa kang hangal. Mamamatay ka na rin ngayon." Wika niya.
Imbes na matakot ay nagpakawala lamang ako ng isang sarkastikong tawa habang umuupo at hinahawi ang mahaba kong buhok na humaharang sa mukha ko. Wari kong ipinilig ang ulo ko upang mag-unat.
"Pare-pareho lang tayong mamamatay... ang kaso, magkakaiba tayo ng patutunguhan." Ngumisi ako at unti-unti kong ipinasok ang kamay ko sa bulsa ng uniporme ko. "Ako, sa Itaas.. ikaw, sa impyerno."
Nakakatawang isipin na sa kabila ng isang natural na trahedya ay mayroon pa rin talagang tao na imbes na magtulungan ay inuuna pa ang kagaguhan.
"Hindi ka nakasisiguro, mangmang. Ang isang katulad mo na pumapatay upang ipagtanggol ang bayan ay isang makasiriling tao kagaya ko. Hindi ka ba nagbabasa ng Bibliya? Ang kaparusahan sa pagpatay ay kamatayan."
"Oh? Nagbabasa ka pala no'n? Ang akala ko kasi nasusunog ang mga demonyo kapag nahahawakan ang isang banal na bagay." Makahulugan kong sabi habang nakangiti ngunit kaagad din na nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan iyon ng isang malamig na tingin. "Mamamatay ka kasama ko sa ayaw at sa gusto mo, dating Mayor."
Humalakhak ako nang dumagundong ang kulog kasabay ng pagyanig ng lupa. Rumehistro ang takot sa mga mukha niya ngunit ikinubli niya iyon sa pagtutok niya ng baril sa akin.
Hindi na ako nagsayang pa ng oras at inilabas ko ang isang control na nakakunekta sa iba pang bomba na nakatanim sa paligid ng yate at dali-dali iyon na pinindot.
"Kamangmangan!" Umalingawngaw ang sigaw niya ngunit huli na ang lahat.
Isang napakalakas na pagsabog ang yumanig sa akin at naramdan ko ang pagtilapon ko sa malamig at madilim na dagat. Pagbagsak ko sa tubig ay halos maging kulay kahel na ang tubig dahil sa repleksiyon ng pagsabog ng bulkan.
Masakit ang katawan ko at hindi na ako makagalaw lalo na nang mayroong tipak ng bato na bumagsak sa tabi ko na siyang nagtulak sa akin pailalim. Sinakop na ako ng kadiliman at ang tangi ko na lamang na nararamdaman ay ang sakit sa katawan at sa puso ngunit sa kabila noon ay isang katiting na galak.
I know that this will happen. Mamatay man ako, nagawa ko naman ang aking misyon. 'Yun ay ang paglingkuran at isugal ang aking buhay kapalit ng kaligtasan ng sambayanan kung saan ako lumaki.
YOU ARE READING
Sitting A Psychopath
RomanceNyx Hubert is an ilegally gorgeous woman who's morally depraved. Isang napakalaking trahedya ang naganap sa kaniyang nakaraan na nakaapekto ng kaniyang emosiyon, kasama ng kaniyang buong pagkatao. Sa kagustuhan ng kaniyang mga magulang na maibalik a...
