"Baka mainlove ka" napabalik lang ako sa huwisyo ng magsalita siya.

"Ang kapal ng mukha mo" inismidan ko siya.

"At least gwapo" natatawang sabi niya sa akin, itinaas baba pa niya ang kaniyang kilay. "Mabalik tayo... namiss mo ba ako?"

"Asa ka!" tinapik ko ang kamay niya at bumaba na doon. "Tara na. Gabi na" sumakay na ako sa kotse niya at ganoon din naman siya.

Nagtaka ako kung bakit hindi pa niya pinapaandar kaya naman humarap ako sa kaniya.

"Hindi pa ba-"

"Hindi mo ba talaga ako namiss?" Pinutol niya pa talaga ang sasabihin ko para lang itanong Yun?

"Hindi nga. Bakit ba?" pagbibiro ko sa kaniya gamit ang seryoso kong boses.

"Wala" saka niya pinaandar ang sasakyan.

Buong byahe pabalik ay walang nagsasalita sa amin. Wala ding tumutugtog kaya nakakabingi ang katahimikan.

Pasulyap sulyap ako sa kaniya buong byahe pero hindi niya manlang ako tinapunan ng tingin kahit isang beses. Galit ba siya? Nagtatampo ba siya?

Teka. Wala naman akong ginawang masama ah. Sinabi ko lang na hindi ko siya namiss, saka nagbibiro lang naman ako. Dinamdam niya ba talaga iyon? Hindi naman siguro, baka pagod lang siya.

"Akala ko ba hindi mo'ko namiss? Bakit ka nakatitig?" tanong niya sa akin.

Inilibot ko ang paningin ko at doon ko lang namalayan na nakarating na pala kami sa may sa amin.

"Ha? Hindi ako nakatitig sayo"

"Sige. Kunyare naniniwala ako"

Hindi pa din ako lumalabas ng kotse dahil pakiramdam ko ay may tampo siya sa akin. Napakaisip bata pa naman niya madalas, na kahit simpleng bagay ay pinapalaki niya.

"Teka. Galit ka ba?"

"No."

"Ang cold naman" panggagaya ko sa kaniya.

"Because you're so mean" sabi niya nang nanunulis ang labi, umiwas pa siya ng tingin at bumaling sa bintana sa tabi niya.

"Wala naman akong ginagawa ah?" nagtataka kong sagot sa kaniya dahil totoo namang wala akong kasalanan sa kaniya.

Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking ito. Daig pa niya ang babae kung mag inarte. Minsan hindi ko malaman kung seryoso ba siya o pinagtitripan lang ako.

"Tss. Gabi na Mei, uwi ka na"

"Pinagtatabuyan mo na ako?"

"Gabi na kasi"

Inismidan ko siya bilang pagsuko. Kinuha ko ang bag ko at handa ng umalis pero hinawakan niya ang braso ko bago pa man ako makalabas.

"Ano?" inis kong tanong sa kaniya

"Galit ka ba?"

Napasinghal ako sa tanong niya, ako pa ngayon ang galit? Seryoso ba siya? Ang sarap batukan ni Uno sa totoo lang.

"Ako pa talaga?"

"I'm sorry ok? It was your fault, you should've told me that you missed me. Kahit onti lang"  ginamitan niya pa iyon ng tono na parang nagtatampo talaga. Hindi ako umimik at tinitigan ko lang siya, nailang tuloy.

Hindi ko maimagine na ganito kaisip Bata ang future police officer na ito.

"Haiist. Sige na. Ingat k-"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at hinalikan siya sa pisngi. Kitang kita ko Kung paanong namula ang mukha niya, ang tainga at hanggang leeg.

"Namiss kita. Good night"

Dire-diretso akong lumabas ng sasakyan at Dali Daling umuwi. Hindi ko alam kung anong reaksyon niya. Pero sigurado akong nagulat siya.

Hindi ko tuloy alam kung tama ang ginawa ko. Pero, wala namang malisya iyon diba? Ganoon naman siya sa iba niya pang kaibigan, kaya siguro ay hindi naman big deal iyon.

Ganoon din naman si Hershel, si Avril, si Aryana at Michele sa kaniya, at walang malisya iyon.

Pagkatapos kong maligo ay binuksan ko ang sapatos na regalo sa akin ni Ma'am. Isa iyong black shoes, malamang ay napansin niya na kaunti na lang mangangain na ng bato iyong ginagamit ko. Matagal na din kasi iyong black shoes kong yun, bukod sa nagtitipid ako ay maingat naman ako sa gamit. Hanggat nagagamit pa ay pagtatyagaan ko talaga.

Maya maya ay tumunog ang cellphone ko na Hindi na din maganda ang kalagayan, pero nagagamit pa naman. Binuksan ko iyon at nakita kong nagtext si... Uno?

From: Crunos

May utang ka sakin!

Nagtataka naman ako sa text niya, wala akong inuutang sa kaniya. Nagtipa ako ng sagot sa kaniya para itanong kung ano.

To: Crunos

Wala akong maalala. Ano?

Wala pang isang minuto ay nakatanggap na ako ng reply galing sa kaniya.

From: Crunos

You owe me a kiss! Good night;)

Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdamang bumilis ang tibok nito. Hindi ko na naiintindihan ang takbo nito, dapat bang alamin ko Kung bakit ganito o kailangan ko ng iwasan ang dahilan kung bakit bumibilis ito?

~💙

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now