[TUMIGIL ANG RELO KO]

6 1 0
                                    

(Audi's POV)

Mga bandang 11 AM hinatid ko na si Juliet sa Bus Stop sa Labasan para makauwi na s'ya.

"Audi, Salamat pala kagabi."

"Wala yun."

"Saka yung Jacket mo iniwan ko na dun sa kwarto mo."

":) so text text nalang muna tayo?"

"Bakit ayaw mong magkita tayo?"

-____-"

"Gusto, kaso nga, walang pasok e. 2 weeks din 'to."

"Sige itetext kita."

"Ayan na ata yung Bus."

Kinuha nya yung mga gamit n'ya na hawak ko.

Nakakalungkot naman yung eksena na 'to.

"Magtext ka ah."

Tumango s'ya at sumakay na ng bus.

Naglalakad ako pauwi, tinext ko na s'ya agad ng ingat.

Hinintay ko yung reply pero wala. Siguro walang load.

----

(Juliet's POV)

Nagkamali pala 'ko ng Identity. Pero kapatid parin n'ya yung Gumago sa Ate ko. Pinayagan ko pa s'yang manligaw sakin. -_-

Mabait s'ya.

Mukha namang mapagkakatiwalaan.

Magaan yung loob ko sa kanya, pero hindi ko alam kung tama bang maging malapit ako sa kanya? Pero may nararamdaman ako sa kanya. Alam kong hindi dapat baliwalain yung mga taong kagaya n'ya.

BAHALA NA SI BATMAN.

---

Pagdating ko sa bahay, naabutan ko si ate na nagluluto ng tanghalian.

"Ate, mukhang masarap yan ah."

"oy, san ka natulog kagabi?"

"sa kaibigan ko. anu ba 'yan kakauwi ko lang. wala bang hug?"

"haha. syempre meron."

Ganto kami ni ate. Sobrang Bond kami, dikit na dikit as in. wala kasi dito ang mga magulang namin madalas, laging nasa Cebu at inaasikaso yung Business namin dun.

Kami na nga lang laging magasama mag aaway pa ba kami?

"Mukhang masarap yang Kare-kare na niluluto mo."

"Ehem, Culinary student kaya ako."

Culinary student si ate, Graduating na ngayong taon. Laura pala ang panaglan n'ya. 20 na sya at UP LB nag aaral. Dati Manila, pero mula nung lokohin s'ya nung ex Boyfriend n'ya na kapatid ni Audi, Lumipat na s'ya sa laguna. First Boyfriend n'ya e, kaya siguro sobrang nasaktan si ate.

"Kunin mo na yung plato at maghain ka na."

"eto na sis. gagawin ko na."

"ang bagal."

----

Pagkakain namin ni ate, Nakahiga lang kami sa kwarto at nag Fe-facebook at Twitter. Bakasyon naman kaya dapat lubusin.

"Ate ma itatanong ako."

"Ano?"

"About dun sa ExBoyfriend. Yung pinakilala mo sakin nung nasa Manila ka pa."

NAtigil si ate sa ginagawa n'ya.

"Oh, ano yung tungkol dun?"

Kinuha ko yung tablet ko at pinakita ko yung Facebookaccount ni Audi.

"Eto, Kilala mo 'to?"

"Audi Mediola? Yan ata yung kakambal ni Ford."

"Sorry ate ah, ngayon lang ako magtatanong sayo ng ganto, makiki chismis sana 'ko."

Sinimulan kong magtanong kay ate at sana maishare ko din yung tungkol kay Audi.

"Ate, galit ka pa ba dun kay Ford?"

"Siguro, Hindi na pero masakit parin. Wag lang syang magpapakita sakin masaya na 'ko."

"May manliligaw ka naman ate diba? Sagutin mo ang sia sa kanila para malaman mong hindi lahat ng lalaki tulad ni Ford."

"Bakit may boyfriend ka ba ngayon?"

"Hindi ate, wala akong Boyfriend."

"Bakit ka naman ganyan mag advice?"

"Ate kasi si Audi."

"Yang nasa Facebook? yan ba boyfriend mo?"

"ate, wala nga akong boyfriend. Kasi Si Audi, Akala ko s'ya yung Ex mo kaya nung unang kita ko sa kanya, talagang gusto kong maghiganti, gusto kong samapalin e."

"Nagkita kayo? Magkakilala? Nako layuan mo yan."

"ate mabait naman s'ya. Una kaming nagkita ni Audi sa fast food Chain, Akala ko talaga s'ya yung Gago mong ExBoyfriend, Tapos nagkasabay kami minsan sa Bus at Sobrang bait n'ya, pero akala ko talaga s'ya yung Ford. Tapos Kagabi ko lang nalaman na may kakambal pala s'ya."

"HA? Bakit dun ka ba natulog?"

"oo."

"Sinasabi ko na nga ba e. Magkadikit ang Pusod nyang magkapatid."

"Pero ate, walang nangyare."

"Nako siguraduhin mo lang yan Juliet. Nakuha na yung akin kaya ingatan mo yang sayo. Lalo na sa Audi na yan. Kung pwede Layuan mo na yan."

"Yun nga sana ang Bottom Line ng usapan na 'to, Nanliligaw kasi s'ya sakin."

"Nanliligaw? Sht naman Juliet. Bastidin mo na. at ang dami jang lalaki."

"ate bakit mukaha naman syang mabait?"

"Pakitang tao lang yun. Ganun din si Ford nung una. Mahirap magtiwala sa tao kung isa o dalawang beses mo pa lang nakakasama."

"Pero ate, kung katulad s'ya ni Ford adi sana nag take advantage na s'ya sakin kagabi. sana Sinamantala na n'ya yung Pagkakataong natulog ako sa Kama n'ya."

"Juliet, Grabe naman yan. Pumayag ka namang dun ka matulog."

"Wala namang nangyare. Saka ate, Para kasing Gusto ko s'ya."

"Mahal mo?"

"Hindi ko pa masasabi, pero May kurot e. Magaan yung pakiramdam ko pag kasama ko sya."

"Ako, naloko na ng kakambal, Magpapaloko ka pa ba?"

At puro yun ang sinabi sakin ni ate, Layuan ko na daw. Maghanap nalang daw ako ng iba.

Alam kong nasasabi lang sakin ni ate yun dahil nasaktan s'ya nung kapatid ni Audi.

---xx

Isang Malupit Dalawang AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon