[PUMIPIBIBI LANG ;D]

9 1 0
                                    

Pinauna ko na si Juliet sa kwarto.

"Dun ka na matulog sa kama. sa Baba nalang ako."

"Sigurado ka? Sanay naman ako sa lapag."

"ayos lang sakin."

---

Nakahiga na si Juliet sa Kama ko. Hindi ko lubos maisip na, sulit pala yng paghihintay ko. Nakakatuwang isipin na sa isang gabi lang, magiging girlfriend ko 'tong babaeng matagal ko hinintay.

Halos hindi ako antukin, at nakatingin lang sa mukha nya, habang ako nakahiga sa lapag. Nakatagilid sya sa gilid ng kama kaya nakikita kong tulog na s'ya.

(Juliets's POV)

Ang ingay. Naghihilik pala si Audi. HIHIHI.

3 AM na. pinagmamasdan ko s'ya. at mukang kumportable naman sya sa nilatag nyang higaan sa sahig. Bumaba ako ng kama at tinabihan ko si Audi. Medyo naalimpungatan s'ya.

Humiga ako sa tabi niya at hinawakan ko yung kamay n'ya at niyakap n'ya 'ko.

Hindi ko alam kung gaano ko kasaya at natatawa sa sarili ko dahil yung lalaking inaakala kong siya e yung kakambal pala n'ya.

Ang astig nun.

----

(Audi's POV)

Pagkagising ko, wala na si Juliet sa tabi ko. O baka panaginip lang ang kagabi?

Bumaba ako agad at tinignan ko kung nasa baba s'ya. at nakita ko sila ni mama sa kusina, nag tatawanan kasama si Mica yung bunso naming kapatid. Hindi na ko bumaba at umakyat ulit ako para ayusin yung pinag higaan namin.

Sinara ko yung pinto.

Dahil nagkalat yung mga damit kong marurumi sa kwarto, mag aayos muna 'ko. nakakahiya sa Girlfriend ko.

mga 10 mins. Kumatok s'ya ng pinto, pero hindi naman nakalock kaya humiga ako sa kama kunwari e tulog pa at lumipat nalang sa kama.

"Audi."

"Audi."

(Juliet's POV)

"Audi."

Tulog pa? Binuksan ko yung pinto at nakita kong nakahiga pa s'ya sa kama.

pano nalipat 'to sa kama?

nilapitan ko s'ya at binulungan.

"Audi.

Gising na."

Tumalikod sya kaya napaharap s'ya sakin at ang lapit ng mukha n'ya sa mukha ko. magkadikit na yung ilong namin.

"Bakit Babe?"

Ang Fresh nung Hininga n'ya. Ano Babe? O.O KApal ng Fessss.

"Kuya."

Salamat at dumating si Mica. HUH. seductive masyado si Audi. Kala ko Mare-rape na ko dun xD

"Kuya, ang Ganda ni ate Juliet. Ang Bait Bait pa. Tapos sabi pa n'ya bibigyan n'ya ko ng doll pagka balik n'ya dito."

"Talaga? wow ang bait pla ni ate juliet." Sabay tingin sakin ni Audi.

Nakakatuwa naman 'tong magkapatid na 'to. sana meron pa 'kong mas batang kapatid e.

"Huy bumangion ka jan, kain na tayo sa baba."

"Sige babe."

"Babe? neknek mooo."

---

(Audi's POV)

Pagbaba namin nakahain na. Nagluto si mama ng Adobong Baboy at Piniritong Lonnganisa.

"Wow Favorite ko yan."

"Si Juliet Ang nagluto n'yan."

"Talaga? Iba pala nagagawa ng Pag ibig :)"

"Umupo na tayo at baka lumamig yung kanin at kape."

Habang kumakain kami, Kung anu-ano yung kinukwento ni mama kay Juliet.

Ang saya. Unang beses palang nyang napunta dito pero ang gaan na agad ng loob ni mama sa kaniya.

"Juliet, maingay ba si Audi matulog kagabi?"

"maa."

"ah, ayos lang naman po."

"Ma, May itatanong ako."

"Bakit?"

"Bakit pumayag kang matulog sa kwarto ko si Juliet? samantalang si kuya hindi mo pinpayagang mag patulog ng babae sa kwarto n'ya."

"aaa. Kasi may tiwala ako sayo. sakaaaa... Alam kong mas Responsable ka sa kuya mo. Anong oras nga pala yun uuwi?"

"Baka pagkatapos ng klase, Break na daw sila nung Girlfriend n'ya e."

"Nako yang kuya mo, Magtino kamo s'ya, lingguhan ata mag palit ng Girlfriend."

"Si kuya ma, nag aaral naman. saka ayos naman yung mga Grades n'ya. Kaso gastador at allowance ko ang laging nadedehado."

"Ngayong bakasyon, papapuntahin ko muna s'ya sa tito n'ya sa laguna, para makatulong s'ya dun sa Business ng Tito mo para may pang gastos sya habang bakasyon."

"Ako din ma pwede?" Napatingin sakin si Juliet, at tinignan ko din s'ya.

"kung gusto mo, Pero hindi ka ba mag aadvance study?"

"E si kuya po? Baka magaadvance Study din yun."

"Itatanong ko muna sa kanya kung gusto n'ya."

Nakangiti si Juliet.

----xx

Isang Malupit Dalawang AstigWhere stories live. Discover now