IKAAPAT NA KABANATA - New acquaintance

6 0 0
                                    

Ziche's POV

"Parang ayaw ko pang umuwi kuya" napapahagikgik na sabi ng kapatid ko. Ngumiti ako saka hinaplos ang hinahangin niyang buhok.

"Sulitin mo na ang araw na to kasi mamaya uwi na tayo. May tatlong oras pa naman tayo para manatili rito" nakangiting tugon ko.

Tumingin ako sa kagandahan ng asul na tubig. Napapangiti ako sa kadahilanang nakita ko kung gaano kasaya ang kapatid ko kahapon habang naglalaro at lumalangoy kami sa parte kung saan ako nakatingin ngayon. Si lola naman ay masayang pinanood na lamang kami.

Marami pa ring mga tao na nagkakasiyahan dito sa beach ng Zimta, tanyag talaga ito at ang maganda rito lahat ay pwede, lahat ay tinuturing na pantay pantay, mayaman man o mahirap lamang.

"Kuya, maglakad lakad muna ako a?" untag sa akin ni Althea.

Ngumiti ako, "Sige lang. Basta huwag kang masyadong lumayo. Bumalik ka din agad" paalala ko rito. Tumango naman ito saka mabilis na naglakad papalayo. Napapangiti na lamang ako dahil nakikita kong sabik na sabik siya.

Tumayo na ako saka nagtungo sa tent namin, nakita ko si lola na inaayos na ang ilang mga basurang naikalat kahapon. Patapos na naman siya kaya nagtungo na lamang ako sa loob ng tent para ayusin na ang mga gamit para dederetso nalang kami mamaya pag uuwi na.

****

Isang oras na ang nakalipas ngunit hindi parin bumabalik si Althea kaya napagpasyahan kong hanapin na lamang siya.

Mainit na ang buhangin dahil tirik na tirik ang araw kaya kahit nakatsinelas ako ay masakit parin sa paa. Tumingin tingin ako sa mga kumpulan ng mga bata ngunit wala parin siya.

Naglakad lakad pa ako nagbabakasakaling mahanap si Althea. Pinunasan ko gamit ang kamay ang tagaktak na pawis ko, masakit din sa balat ang tumatamang sikat ng araw. Napagpasyahan kong sumilong muna sa lilim ng isang mataas na puno. Buhanginan din ang lilim nito pero hindi katulad kanina na sobrang init ng buhangin, mahangin din sa banda rito kaya umupo na muna ako.

Pinagmasdan ko ang parteng ito ng beach at tila napalayo na ata ako sa paghahanap dahil wala nang masyadong pumupuntang tao sa banda rito. Mas matataas din ang mga puno dito kaysa sa kung saan nagtutungo ang mga tao. Ngayon lang din ako nakapunta sa parteng ito dahil si Althea lang naman ang talagang dahilan kung bakit kami pumupunta rito. Sa hindi ko malamang kadahilanan, takot ako sa malalalim na tubig, hindi ko alam kung hindi lang ba ako marunong lumangoy o may isang dahilan kung bakit ako takot rito.

Tumayo na ako para hanapin ulit si Althea nang may marinig ako. Boses ito ng babae at lalaki na tila nagbabangayan. Lumapit ako sa pinanggagalingan ng boses, habang palakas ng palakas ito, naiintindihan ko ang kanilang mga sinasabi.

"Umalis kana rito, panigurado hinahanap ka na ng mga tauhan niyo."

"Oo, aalis na din ako mamaya pag nakita kong nakauwi na ka--."

"Althea? Harvey?" mahihinuha ang pagtataka sa boses ko.

Lumaki ang kanilang mga mata at magkasabay silang tumingin sa akin.

Harvey's POV

Nagkulong lang ako dito sa kwarto ko pagkatapos ng insidente kanina. Ayokong ipaalam kay kuya Ziche na may kaya kami sa buhay dahil katulad ng pangmamaliit ng mga mayayaman sa mahihirap, naranasan ko ding hindi matanggap ng mga mahihirap kapag nakikisalamuha ako sa kanila maliban sa isa. Sa isang babaeng naiintindihan ako at naiintindihan ko kahit na magkaiba kami ng sitwasyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hope in the battleWhere stories live. Discover now