UNANG KABANATA: Rich and the poor

34 1 0
                                    

Ingay ng kapaligiran ang nagpamulat sa aking mga mata. Tila ba ay araw araw na may away sa lugar na ito.

Nasagi ng kamay ko sa pag unat ang lamparang nakasabit na nagbigay ng ingay sa pag indayog nito. Dali dali kong inabot ang lampara sapagkat ayokong magising ang kapatid ko na mahigpit na yakap ang manikang napulot ko lamang. Kusa akong napangiti sa senaryong iyon.

Muli akong humikab at napansin kong wala sa higaan si lola. Nagtungo ako sa labas ng bahay.

Umamba sa akin ang sinag ng araw. Napatakip ako na lamang ako ng mata.

Isang pamilyar na ingay ang nakapagpakabog sa dibdib ko. Humakbang ako papunta sa kung saang ingay iyon, pulang pulang mukha at umuusok na ilong ang bumungad sa akin na nakatuon lamang ang atensyon sa isang matandang nakaluhod.

Tumulo ang nagbabantang mga luha ko sa paglapat ng aking mga tingin sa kamay na dumapo sa pisngi ni lola na nagpasubsob sa kaniya sa putikan.

Punong puno ng bulungan ang namumutawi sa aking tenga kasabay ng pagdagundong ng kung anong nararamdaman ko ngayon

Inihakbang ko ang mga paang tila may posas na pumipigil sa akin. Ang mga kamay ko'y hugis bato ngunit nakatungo ang aking ulo habang ang mga luha ko'y patuloy na umaagos sa pisngi ko. Unti unti akong lumuluhod sa harapan ng babaeng punong puno ng perlas na nakasabit sa kaniyang leeg habang naririnig ko ang mabibigat na hingal ni lola Ande sa sahig.

Parang nadagdagan ang batong nakadagan sa dibdib ko nang marinig ko ang bahagyang pagtawa ng babae. Nanlilisik ang aking mga mata habang nakatingin sa sahig. Unti unti kong itinaas ang aking paningin sa babae.

"Ano? Wala ka bang sasabihin?" tumaas ang kilay niyang pagtatanong sa akin.

Ibinalik ko ang tingin sa sahig at unti unti akong pumikit..

"Pasensya na sa nagawa ng lola ko. Bigyan niyo pa po kami ng pagkakata---"

Naputol ang sinasabi ko nang dumating ang isang lalaking tila ang itsura'y mga nakikita sa billboard. Magkasalubong ang kilay nito habang nakatingin sa amin ni lola na nasa sahig. Umihip ang hangin at magkasabay silang napatakip ng ilong. Tumingin siya sa babae.

"What are you doing? It's gross in here." sabay bahing nito.

"Nothing. Killing time, interacting with some rotten creatures" maarteng sabi nito.

Umirap muna sa amin ang babae at naglakad papaalis.

Nang tuluyang umalis ang dalawa, kasama ang kanilang bodyguard, tinignan ko si lola na nakasuot ng kaniyang matatamis na ngiti. Inilahad niya ang kaniyang kamay na may supot ng tinapay. Uminit ang sulok ng mga mata ko kaya't niyakap ko agad ng mahigpit si lola upang hindi niya masaksihan ang kahinaan ko. Inakay ko siya papunta sa barong barong.

Lumapat ang aking mata sa namamasang mata ng aking kapatid.

"Gising ka na pala Althea. Kumain kana ba?" pagpapasawalang bahala ko sa pakiwari ko'y pag aalala niya. Agad naman siyang ngumiti at bahagyang tumango.

Napagdesisyunan kong mamaya ko na tanungin si lola kapag wala na si Althea.

"La, alis na muna ako" pagpapaalam ko habang isinusuot ang kamisetang matagal ko nang ginagamit.

"Kumain ka na ba?" pag aalalang tanong nito.

Tumango na lamang ako't humalik sa noo niya at ni Althea na hawak parin ang manikang ibinigay ko.

Hope in the battleWhere stories live. Discover now