I shrugged my shoulders. Sa kada sagot ko ay may matatanggap na agad akong pera. Nice.



"Well, Tita Aida and my parents were childhood friends. They're the ones who made a way to introduce Jauncy and I to each other."



"E, dapat noon pa kayo nagkakilala. Knowing the fact na magkababata pala sila. Tapos no'ng naging kayo ni Ayen bakit parang hindi pa kayo close ni Jauncy? Lalo na rin sa parents nila?"



Inilahad ko ang kamay ko at nakakalokong ngumisi.



"Money down first."



I enjoyed answering their questions. Sino namang hindi matutuwa kung sunod-sunod kang nakakatanggap ng pera? Naputol lamang ang pagpapaliwanag ko pagpasok ng instructor namin para sa unang klase ngayong hapon.



Mabilis akong lumabas pagkatapos ng klase ngayong hapon. Iniiwasan ko ang mga lumalapit sa akin. Enough for their questions. Puno na ang wallet ko ng tig-iisang libo.



I texted Danilo na makikisakay ako sa sasakyan niya. Nauna na rin ako sa parking lot, hinihintay silang dalawa ni Cyrill.



My forehead creased when I received a call from Jauncy. Himala at napatawag.



"Oh?" bungad kong tanong.



"Look at the right side, nandito ako ngayon sa parking lot ng Willton."



Agad akong napalingon sa kanan at mabilis siyang nahagilap ng mga mata ko. I quickly came close to him with a curious face. Bakit siya nandito?



"Bakit?"



He pointed his new car. Mabuti pa siya, pabago-bago ng sasakyan.



"Get in. Let's always go home together. At simula ngayon, ako na ang maghahatid-sundo sa'yo," malamig niyang tugon.



Napasinghap ako ng malakas. Did one of our parents command him to do so? Hindi na kailangan. Napag-usapan pa naman namin na ako ang maghahatid-sundo sa kanya.



"Alam mo Onse, minsan hindi talaga kita maintindihan. Bigla-biglang hindi mamamansin... tapos ngayon? Susunduin ako? Kung napipilitan ka lang naman, mabuting h'wag na lang sana."



Hindi siya sumagot sa halip ay pinagbuksan niya ako ng pintuan at itinuro ang passenger seat. I was puzzled while entering inside.



Nagtaka ako nang bumalik kami sa university nila.



"M-May susunduin muna ako. Okay lang?"



"Sure, no worries."



Nagulat ako nang may bumukas sa pintuan ng passenger seat. Bumungad sa akin ang matangkad na babaeng mestisa. Natural na pulang-pula ang mga pisngi nito at medyo pouty ang labi.



Her lips parted while staring at me. Shit. Ang ganda talaga e. Her long and thick eyelashes made her more attractive. Hindi na kailangan ang kolorete sa mukha dahil sa kagandahang taglay nito.



"Krem, papaupuin mo lang ako sa back seat?" masungit na tanong nito.



Napaiwas tuloy ako ng tingin at napakurap-kurap. Krem? Oh, okay. Second name basis pala ang tawag niya kay Jauncy.



"Uhmm, ako na lang ang mauupo sa likuran," I suggested.



"Good," the girl said in an annoyed tone.



"Jewell..."



"What? Pinaghintay mo pa talaga ako, Krem. And I thought, tayo lang dalawa? Magdi-dinner date pa tayo, hindi ba?"



Napasinghap ako. Did I ruined their plan for this day?



"I told you already that we can't," Jauncy's response as he started the engine.



"Whatever. You always said no and can't. You don't have time to me anymore!"



I pressed my lips. Sa buong biyahe ay ang kanilang bangayan lamang ang naririnig ko. Hindi pa bumaba si Jewell kahit nasa harap na kami ng mansyon nila. Patuloy pa rin sa pagrereklamo. I also raised my right brow when she did it first while watching me.



"Okay fine! Don't forget to text me, Krem!"



Jauncy heaved a deep sigh and turned his back to me.



"Sorry for that..."



"O-Okay lang."



Pareho kaming sinalubong ni Asher at Nibbles. Pero sa akin lumapit ang dalawa. Narinig ko pa ang mahinang pagreklamo ni Jauncy at binuhat si Nibbles. Sinalubong rin kami ni Aling Elda habang may dalang tray na may lamang snacks.



"Snacks muna kayo Sir, Ma'am..."



Maaga akong nagising kinaumagahan. Akala ko ako ang mas naunang nagising pero nang makita ang kama ni Jauncy na walang nakahiga ay agad akong napatayo. Kinabahan ako bigla. Akala ko pa naman ay baka late akong nagising at hindi maaga.



"Uh, si Aling Elda?" tanong ko nang matanaw si Jauncy sa kusina.



Naghahalo siya ng magic sarap sa itlog. Siguro absent na naman si Aling Elda.



"Masarap kung nilalagyan ng bawang," I blurted.



Talagang masarap ang pang-umagahan ko kapag itlog na may bawang ang magiging ulam. Kahit hindi ako mahilig sa heavy meal every morning, paniguradong ilang pinggan ng rice ang mauubos ko kapag ang nasabing ulam ang magiging ulam namin ngayon.




"Okay. Pakikuha muna ng bawang," utos niya.




Inilahad ko na sa kanya. Pero biglang lumuwa ang mga mata ko nang bigla siyang humarap sa akin. Nagkabangga ang ilong namin. Napanganga akong napatingin sa labi niya. This is impossible!




"Uh, uhmm..." kinakabahan akong lumayo.




Inalagay ko sa mesa ang bawang at walang paalam na umalis. Patakbo akong nagtungo sa kwarto. My entire body heated in embarrassment. Well, why should I be embarrassed anyway? It's just an accident and nothing more.




Nag-vape na lang muna ako. Napatayo ako sa gulat nang marinig ang pagtawag ni Jauncy sa akin na kakain na.




"Wait lang!"




Nagbihis ako ng T-shirt bago lumabas. Ang sarap magpunta sa Mall para mamili ng bagong damit. Usually, hindi ko rin naman nagagamit ang mga binili ni Mommy. Nakikihiram na nga lang ako kay Jauncy. Minsan rin ay palihim akong nangingialam sa closet niya. Ang gaganda kasi ng mga T-shirt at jogging pants niya.




Mabuti at hindi na rin naman siya nang-uusisa. Siguro napansin niya na sa kanya ang suot ko minsan, hindi nga lang nagtanong.




"Let's eat. Stop fantasizing our almost kiss."




Malakas na binato ko ng unan si Jauncy. E, gulat lang naman ako. Syempre sa parte ko ay talagang nakakadiri at nakakatindig-balahibo!




That almost is almost a big disgrace!

Claiming the Opposite ✔Where stories live. Discover now