ikatlong kabanata

5 1 0
                                    

Habang nagluluksa ang hari ay dinala naman nang kidlat si mia at himire sa isang lugar na hndi pa nila napupuntahan.
"Ayos kalang ba binibini?" Tanong ni himire kay mia
"Akoy nasaktan lamang nang konte ginoo" sagot nya kay himire na noon ay nakahawak sa mga kamay ni mia.
Napunta sila sa isang isla na walang tao ngunit may bahay doon na malaki.
"Ano ang bagay na iyan?" Tanong ni mia pero di rin masagot ni himire.
Naguguluhan na sila sa nagyayari at mga ilang oras lamang ay isang malakas na hangin ang bumuga sa kanila sa itaas.
Napatingin sila sa taas at nakita nila ang isang kakaibang bagay na hugis bilog pahaba at may umiikot sa gitna(helikopter).
"Are you ok in there" sabi nang lalaki na may kakaibang kasuotan(army)
Napatingin sila sa isat isa at nagtatataka kung ano ang sinasabi nila. Bumaba ang lalake at kinumutan si mia upang di lamigin at nagalit si Himire
"Pang ngahas!!anong karapatan mong talukban ang isang dalaga!!" Sigaw ni himire sa lalaki
"I try to be nice sir" sabi nang lalaki pero di naman maintindhan ni himire dahil iba itong lenguahe.

"Halina kayo" sabi nang lalaki pa na nasa itaas nang bilog na pahaba at agad namang pinaakyat sina himire at mia.
Habang sumasakay sila ay namamangha sila sa ganda nang Dagat at lugar , mga magagandang gusali at iba pang mga bagay na noon lang nila makikita. Biglang napukaw ang atensyon ni himire nang mahagilap nya ang kamukha nang kanilang palasyo.

"Ang palasyo!!" Sigaw ni himire sa lalake.
"Napakaganda hindi ba" sabi nya sabay ngiti. Bumaba sila doon sa palasyo at agad na pumasok si himire ngunit hinarangan sya nang kawal(pulis)sa tarangkahan.

"Sir?, bawal pong pumasok dyan, hanggang 3:00 pm lang po ang limit" sabi nang kawal(pulis) kay himire at nagalit.
"Pang ngahas ka tao!, ako si himire ang principe nang kahariang ito!!" Sigaw nya pero nakatulala lang ang kawal(pulis) sa kanya. Agad namang inawatni mia si himire sa pagaakalang papatayin nya ang kawal(pulis).

"Let them Go" sabi nang lalake na nasa likod ni himire. Ang pagkakaalala ko ay jonathan ang pangalan, makisig, matipuno, at magalang. Habang pumapasok si himire ay mapatulala sya sa lahat dahil iba na ang itsura at mga ding-ding kumpara noon.

"Ano ang mga kagamitang ito??Amaaa!!!!!" Sigaw nya sa loob sabay takbo papunta sa Trono ngunit mga kagamitan lang ang nandoon at walang upuan,wala ring mga alipin at maging kawal. Agad namang napagtanto ni mia kung ano ang nangyari sa kanila.

"Isa lamang ang aking alm ginoo!" Sabi nya sabay hawak sa likod ni himire
"Ano iyon binibini? " tanong nya at pinaliwanag naman ni mia kung bakit napunta sila sa kakaibang mundo.
"Isa lamang ang kasagutan sa mga tanong natin" saad nya sabay bulong at ganito ang sinabi:

Tayo ay napunta sa kakaibang lugar.
Napunta tayo sa kakaibang bagay.
Mga bahay na kakaiba ay atin ding nakita.
Maging ang palasyo ay kakaiba narin.
Hindi ka paba napapaisip? Kung ito ang kaharian nang iyong ama ay bakit wala ni isa mang tao?

Bulong nya at napatanong si himire sa kanya
"Ano ang iyong plano" tanong nya
"Kinalulugod ko pong makipagisa sa principe!, isa lamang ang dapat nating gawin." Sagot nya kay himire.
Pumunta sila kay jonathan at nagpasama ulit sila sa isla kung saan una silang nakita. Agad namang kumilos si jonathan at nagdala pa nang gamit panglamig. Habang bumababa sila ay may napansin si mia kay jonathan na marka sa kanyang leeg na hugis korona rin.

Makalipas ang ilang oras ay sinagawa na nila ang kanilang plano. Hinintay nilang kumidlat ulit at magpatama sana kaso wala silang mahintay kahit isa. Isang gabi ay umupo sina mia at himire sa tabi nang dagat, nakiupo rin si jonathan sa kanila at nagkwentuhan. Habang nagkwekwentohan sila ay gumawa si jonathan nang apoy namangha naman si mia at himire.
"Paano ka nakabuo nang apo gamit lamang ang mailit na bagay na iyan" takang tanong ni himire sa kanya
"Ito bang sindihan(posporo) ang iyong ibig malaman" tanong rin ni jonathan sabay ngiti kay mia.

(ANG PAG-AMIN)
kUMUHA nang isa si jonathan at pinasindi sa isang kakabang bagay.
"Gumawa rin kayo nang sarili nyong apoy" saad nya sa dalawa.
Kumuha si mia nang puno na putol at ginaya si jonathan, ganon di si himire.

'Napakaganda'

Sabi ni mia nang pabulong. Habang nakatitig si mia sa apoy ay naalala nya ang kanilang kalagayan at kung ano na ang nagyayari sa palasyo.

"Principe-" sabi mia pero di na natuloy dahil biglang sumulpot si jonathan sa pagsasalita.
"Principe?" Saad nya sa dalawa at napatitig sila kay jonathan.

"Kung gayon galing kayo sa nakaraan" sabi nya kay mia sabay titig sa mata
"Parang ganon nanga" sabi naman ni himire kay jonathan at hinila si mia papuntang kanan nya dahil nasa gitna noon si mia.
"May saaabihin ako sa inyo" sabi nya sa dalawa ulit ay nagsimula na syang mag kwento.

"Akoy umibig sa isang dalaga na isang prinsesa sa kaharian nang KIMIA, pareho kaming may balat sa leeg at sabi nila ay sumpa rin iyon. Kumunsulta ako sa manggagamot kung bakit may mga ganito kami ngunit walang sagotang kanyang naibigay sakin. Habang naglalakad kami sa kagubatan para umuwi ay isang malakas na hangin ang tumama samin at tinangay kami sa lugar na ito. Nakita kami nang mga tao na narito noon at pinatuloy sa bahay na iyan. Matagal na panahon ang ginugol namin sa paghahanap sa kasagutan at sa wakas ay natagpuan na namin sa isang maghuhula.sa tuwa namin ay muntikan na kaming mahulog sa mga ilog ngunit napatigil kami sa kakasaya nang sabihin nang manghuhula kung ano ang dapat namin gawin. Sabi nya na isa lamang ang pwedeng umuwi samin at maghihintay ang isa na dumating ang kapareho nyang may marka rin sa leeg. Kayat di na ako nag dalawang isip at si daliya nalang ang aking pinauwi." Napahinto si jonathan sa pag kwekwento nang magsalita si himire.

"Ang aking ina ba ang iyong tinutukoy?" Sabi nya sabay lingon sa taas.
"Kung gayon ina mo si deliya?tanong ni jonathan kay himire
" oo at kamamatay lamang nya lamang, at nagluluksa ngayon ang kaharian dahil kay ina"sabi nya at napatulo ang kanyang luha ngunit hinimas naman ni mia ang kanyang likod para huminahon sya sa pag iyak.
"Kung gayon may asawa napala sya" sabi ni jonathan nang pabulong

"Ginoo maari bang ipagpatuloy mo ang iyong sinasabi kanina(kwento)" sabi ni mia kay jonathan.

"Habang ginagawa ang mga kaylangan para makauwi si deliya ay isang kidlat ang tumama dito at natamaan si deliya ngunit bago ko mahawakan si deliya ay nakaalis na ito. Napagtanto ko na yun na ang huling araw na makikita ko sya. Pinag aralan ko ang lahat nang mga bagay dito at nasanay narin na wala si deliya pero sya parin ang laman nang aking puso noon. Sumama ako sa samahang kawal(army) at nagiikot kami ngayon sa lahat nang isla nang mahagilap ko ang kidlat na tumama dito at nakita ko ang mukha ni himire na kahawig ni deliya kaya dali dali akong pumunta dito pero iba ang aking nadatnan. Umaasa ako na si deliya iyon kaso iba pala. Nang makita kita binibini ay bigla mo akong napaibig (love at first sight)at magmula ngayon ay minahal na kita" sabi ni jonathan ay napatitig kay mia. Habang nagtitigan sila ay nagalita si himire
"Ang ibig mo bang sabihin ay mula ka sa bayan nang KIMIA kung saan lumaki si mia?" Tanong ni himire sa kanya

"Tama kandyan" sagot naman nya

Yan lang muna sa ngayon..🤫🤭
Sana magustuhan nyo..

IN ONOTHER WORLDWhere stories live. Discover now