unang kabanata

14 1 0
                                    

Isinulat ko ito para sa mga tao at salahat nang nakakabasa nito kung saan ang paghahari noon ni haring KIMIRE 2ND ay isang kakaiba at ang husay nya ang nagpalago sa aming kaharian na ngayon ay mas kilalang "KING OF HIDDEN MIST" na kung tawagin noon ay basang KIRIA

' ang istoryang ito ay sinulat ayon sa mga pangyayari'

Octobre 3, taong 1732 ay pinanganak ang isang prinsipe sa bansang KIRIA sa kontinenteng EGYPT. Habang nanganganak ang reyna ay isang katulong rin ang nanganak at sabay rin lumuwal ang mga bata. Ayon sa kautusan ay kaylangang mabinyagan ang mga bata sa lalong madaling panahon kaya naman ay nag utos si Haring KIMIRE 1ST na maghanda nang piging sa kanyang palasyo at inanyahahan ang mga maharlika at lahat nang mga hari upang ipagdiwang ito. Samantala ay nakaanak na ang reyna at katulong sa mismong lugar at habang binabalot nang tela ang mga bata ay may napansin si sheba na isaring katulong sa palasyo na may balat sa leeg ang bata. Agad namang pumunta sa hari si sheba at nagpatirapa bilang paggalang.

"Mahal na hari nang KIRIA, gusto lamang kitang makausap kahit sandali?" Sabi ni sheba sa hari at pumayag naman ito
"Ano ang iyong sasabihin sa akin sheba?" Saad naman ni Haring kimire sa kanya.
"Kung iyong mamarapatin ay dun tayo sa silid ninyo mag-usap" sagot nya sa hari. Habang napapaisip ang hari ay muli nya nanaman itong tinanong
"Mukhang napakaimportante ang iyong sasabihin sakin hindi ba?"tanong nya sa alipin
" opo mahal na hari"sagot naman nya
"Halika sa aking silid" tumayo nga ang alipin at agad agad na pumunta sa silid.
Habang nag uusap sila nang hari ay isa ring kakaibang pangyayari ang naganap. Sa mismong araw kung saan nagluwal ang katulong nang babae ay isa ring marka ang nasa leeg nang bata.
"Kakaibang balat ito?" Takang tanong nang alipin na ang pangalan ay rega.
Samatala habang nasa kalagitnaan ang paguusap nang hari at katulong ay isang kagimbal gimbal ang nagpataas nang balahibo sa hari.

"Kamahalan , ang tatak na nasa leeg nang iyong anak na prinsipe ay isang sumpa na kung mahanap nya ang babae na kapareho rin nang tatak ay babagsak ang kaharian na ito" sabi nang babae sa hari at napatunganga naman ang hari.
Agad na pinatawag nang hari ang mga tauhan nya at pinapunta sa lahat nang lugar sa kanyang kaharian ay pinapatay ang mga batang babae sa edad na dalawa pababa.
Isang sigaw ang narinig nang mga tao at nakarating ito sa hari
"Kamahalan, isang lalaki ang nag sisigaw at ganito ang sabi:
'Akoy alipin lamang at walang karapatan sa harapan nang hari, ngunit akoy binuhay nang Dyos at nilikha nya nang pantay, ngunit bakit pati ang aking anak ay mamamatay, hindi bat napakasakit ito sa iyong kalooban , kung ang hari ay namatayan nang anak , hindi ba sya maghahagulgol sa iyak katulad ko!!' Yun po ang sigaw nang lalaki sa harapan nang pinto sa iyong palasyo. Nahabag ang hari sa kanyang ginawa at agad na pinatigil ang mga kawal. Pinasundo nang hari ang lalaki na nagsisigaw at agad na pinayuko sa harapan nang hari

"Napakatapang mo kaibigan, hindi ko man lang naiisip na isa itong malaking kasalanan sa harapan nang Dyos"sabi nang hari sa kanya " akoy humanga sa katapangan mo at hindi ka man lang nagdalawang isip na baka mapatay kita"patuloy pa nang hari.
"Akoy alipin mo mahal na hari ngunit ayos sa kasulatan nang mga propeta ay tayo ay pantay pantay"sabi nya naman.

Habang naguusap sila ay ginawang punong kawal ang lalaki na noon ay umiiyak ngunit lingid sa kaalaman nang hari ay asawa pala iyon nang katulong na nanganak.

Sa kabilang banda ay nalaman na nang katulong na isa yung sumpa at agad na tumakas para di mapatay nang hari ang sanggol. Pumunta sila sa kabilang kaharian na kung tawagin ay KIMIA. Nanirahan sila doon nang mahabang panahon at lumaki ang bata nang maganda at matiwasay ang pamumuhay
At pinangalanang MIA. Sa kabilang banda ay lumaki naman nang makisig at matipunong lalaki ang prinisipe.

IN ONOTHER WORLDWhere stories live. Discover now