Nagtama ang mga mata namin bago siya tuluyang pumasok. "Halona texted me to sleep over."

My eyes roamed over his body. He was wearing a black T-shirt, chinos, and a pair of white sneakers. Simple lang pero hindi pa rin maitago ang kakisigan ng katawan. Tumagal ang tingin ko sa biceps niya bago muling umangat sa mukha niya.

May dala siyang bag na sigurado akong damit ang laman. Tumayo na ako, hindi mahalikan ang dalawa dahil sa iniinom naming alak ng girls.

"All right, make sure that you'll go to sleep after the movie. Good night!" Nginitian ko si Rogue at nilagpasan siya.

Malapit na ako sa hagdan nang haklitin niya ang bewang ko at iniikot ako paharap.

Naiilang kong iniwas ang tingin sa kanya. "What are you doing, Rogue? I need to go back to the garden."

Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko at hinawakan ang kulot sa dulo nito.

"You curled your hair. Did you go on a date with the doctor?"

Muli akong napatingin sa kanya. Nakakunot ang noo niya, titig na titig sa mukha ko.

"What?" Natawa ako, mahina siyang itinulak pero mas humigpit ang yakap niya sa bewang ko. "Phoebe played with Halona's hair and mine while we're waiting for the girls."

Matagal na naghinang ang mga mata namin.

"Let go of me. It's hot in here and I wanna get some fresh air."

Doon niya ako binitawan pero gumapang naman ang kamay niya sa kamay ko. Hinila niya ako pababa, at ako ay nagtataka sa ikinikilos niya.

"Rogue?"

"He's here. I won't let him score a point with you."

Hindi ako nakapagsalita hanggang sa nakarating kami sa garden. Bumitaw ako sa kamay niya nang dumako ang tingin ng mga kaibigan ko rito at ni Justice na mukhang kadarating lang.

Lumapit sa amin si Justice at inilahad sa akin ang dala niyang mga pulang rosas.

Nagdalawang-isip akong tanggapin ito pero ayoko naman siyang ipahiya sa harap ng mga kaibigan ko. "Thanks, Justice!" Kinuha ko ang bulaklak sa kanya.

Bumalik siya sa upuan sa gitna nina Georgina at Maxine. Rogue sat next to me, obviously watching Justice's every move.

"You still remember that I curl my hair whenever I go on dates," I almost said in a whisper, stealing his attention.

Nilingon lang niya ako. Napakaseryoso ng mga mata niya. "I couldn't forget details of you. But it's obvious that you did forget me."

"Even I can't choose between Rogue and Justice," Claudine slurred. Tumingin siya sa akin pero biglang napatayo nang may nakita siya sa likuran ko. "Aegeus Agrezor?"

Napalingon kami sa tinitingnan niya. Tumayo ako at si Rogue dahil sa dumating.

Aegeus wrapped his arm around Amity's waist. "Good evening," he greeted. "Sorry for the unannounced visit. Amity just wants to see Halona."

"It's pretty late, Aegeus." Lumipat ang tingin ni Rogue kay Amity. "Are you okay?"

Tumango si Amity. "Yes, Kuya."

Lumapit si Rogue sa dalawa. Niyakap niya si Amity at ngumiti lang si Aegeus.

"You sure?"

Amity nodded again before turning her head to me. Bumeso siya sa akin at bumalik sa tabi ni Aegeus. Dinampot ko ang phone sa mesa at tinawagan si Halona.

The Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon