Chapter 1.1

47.9K 758 95
                                    

Rewind...

Faith's POV

SA ISANG KAHARIAN sa lupain ng Antartica—kung may lupa nga bang makikita roon—ay naninirahan ang isang chakang prinsesa na nagngangalang Petrita Amoy-Tekla. Anak siya nina Haring bHoszx JheymSzx CoOh at Reynang cRimHe lOccA vente oTsoh na pinuno ng kahariang JejeTania.

Pero wala silang kinalaman sa kwentong 'to kaya balik na ulit tayo sa Pilipinas. Sa maganda, malinis, mayaman at walang kurap na politoko, ang bansang Pilipinas. Sa lalawigan ng Cavite, kung saan ipinanganak ang diyosang author na kasalukuyang naguguluhan ngayon kung ano ang gagawin niya sa susunod niyang libro at kung tatanggapin pa ba ito ng publisher niya.

Ah, basta 'yon na 'yon.

"Anak, kelan na nga ba ulit ang alis mo?" mahinang tanong ni Mama nang makita n'ya 'kong pumasok sa kwarto niya.

Lumapit ako at naupo sa gilid ng kama niya. Hinawakan ko ang kaliwa n'yang kamay. Tuyot na tuyot na iyon. Buto't balat na para bang halamang kumupas na at nawalan ng ganda. Parang hindi gumamit ng Silka. Sa gano'ng hitsura ni Mama, mas lalo lang akong naaawa. Mas lalo akong naluluha. Mas lalo akong nahihirapan. Nakakainis naman kasi 'tong si madir. Hindi ginagaya ang beauty tactics ko. Hindi siya gumagamit ng chili powder sa mukha. Ang sarap kaya!

"Malapit na po, Ma. Sa Biyernes na po ng umaga. Pagkatungtong na pagkatungtong ko do'n, tatawag agad ako sa inyo," sagot ko habang hinahaplos-haplos ang kamay ni mama.

Napabuntong-hininga si Mama. "Ba't ba kasi kailangan mo pang pumunta sa Baguio? Hindi mo naman kailangang magpakalayu-layo. Pwede namang dito sa Cavite ka na lang magtrabaho."

"Ma," sagot ko. "Kailangan natin ng malaking halaga para mapagamot ka, para mapagaling ka. Okay lang po sa 'kin. Besides, malaki na po ako. Kaya ko ang sarili ko. Twenty-five na 'ko noh. Hindi na 'ko baby. Ready na nga 'ko sa mga bed scene sa librong 'to, eh. 'Kaso hindi raw 'to erotica eh. Kainis."

Nalungkot ang mukha ni Mama pero 'di na siya nagsalita. Feeling ko tuloy na-samurai ang puso ko. Bigla na lang kumirot. Bigla na lang akong nakaramdam ng sakit. Bakit gano'n 'yong hitsura ni mudra? Hindi ba siya naniniwala na pang-adult book 'yong ganda ko?

Napabuntong-hininga ako. "Mama, lagi naman po akong tatawag sa inyo. Mahirap man tayo, lagi naman akong unlicall. Nasa 'Pinas tayo, remember? Uuwi ako dito every holiday. Gagawin ko po lahat ng kaya ko para hindi kayo mahirapan. Basta susundin n'yo lang ang mga bilin ng doktor. 'Tsaka Ma, 'wag n'yong papasakitin ang ulo ni Felicity. Uminom kayo lagi ng gamot."

"Mamamatay din naman ako, Faith. Baka nga ngayon, hindi ko na kayanin."

"Ay, agad-agad, Ma?"

"Hindi, bukas." Umirap si mama. "Panira ka ng moment. Ibalik kita sa matres ko eh."

Nangilid 'yung luha ko. Maya-maya, hindi ko na sila napigilan sa pag-agos sa magkabila kong pisngi. Nagdyo-joke si madir. Myghad. "Hindi pa ngayon, Ma. Marami pa po akong pangarap sa inyo. Marami pa po akong gustong ibigay. Hindi ko pa nasusuklian 'yung lahat ng hirap, pagod, puyat at pagmamahal na binigay n'yo. Hindi ko pa na-update ang profile ko sa FB at IG. Dapat tayong dalawa ang nando'n para kunwari, mabait na anak talaga 'ko."

"Talaga, 'Nak?" sabi naman ni mother dear. "'Lika, selfie muna tayo."

Excited kong inilabas ang China-made kong iPhone na dalawa ang kagat sa magkabilang apple na logo. "O ayan, mother. One, two, smile!"

Nag-pose akong naka-money sign. Si mama naman ay nag-rock sign pa. 'Tindi, noh? May sakit pa si mama niyan. Pagkatapos ay bumalik siya sa pagkakahiga na parang walang nangyari.

Ang Maid Kong ManyakWhere stories live. Discover now